Panay ang pag-message sa akin ni Deign na namimiss niya na raw ako. Hindi niya ako tinigilan sa FB lang kundi pati na rin sa iba't ibang social media sites at mobile apps. Kung atakihin man siya ng ka-epalan niya, magpo-post siya ng stolen shot ko na magbibigay ng dahilan para sapakin ko siya pagbalik namin sa Pilipinas.
Ako rin naman eh. Sobrang miss ko na siya.
Ngayon nga ay magka-usap kami sa Skype at ipinakilala ko siya sa grandparents ko.
"Lolo, Lola, this is Deign, uhm..." Wait. Kami naman na ulit 'di ba? He kissed me. I kissed him back. He said he'll wait for me. So dapat ba akong mag-assume o 'wag at baka ma-preempt?
He groaned, annoyed by showing how I do not know how to introduce him. "Her boyfriend po." He waved at them. "Hello po."
Pinigilan ko ang mapangiti dahil ayaw ko namang sabihin ng grandparents ko na ang landi-landi ko at kinilig na ako sa simpleng pagsabi niya na boyfriend ko siya.
Ngumiti naman ang grandparents ko. "Kumusta ka naman hijo? Gia have told us many things about you." Lola greeted.
"Ay talaga po ba? Matitino naman po ba ang sinabi niya? Kung hindi po, hindi po totoo 'yon!" Umayos siya ng upo at itinaas ang kanang kamay. "Mabait ho ako, masunurin, magalang, sweet, charming, wala po akong police record. Gusto niyo po padalhan ko kayo ng copy ng NBI clearance ko diyan?"
Natawa naman ako at pati na rin ang matatandang nasa tabi ko. "Tama si Gia, isip bata ka nga."
Napanguso naman siya dahil do'n. Lolo cleared his throat. "Deign."
"Po?"
"I just wanted to clear some things to you. Would you listen?" Lolo sounded like a PNP Chief or General na matatakot kang hindi sundin kundi ipapasok ka niya sa kulungan kahit na mababaw lang ang iyong kasalanan, afterall kasalanan pa rin naman iyon.
Kitang-kita ko sa screen ang mabagal na paglunok niya at hindi ko napigilan na i-printscreen ang mukha niyang parang natatae na ewan. Ha, may maipo-post din ako. Akala niya!
"Masaya sa'yo ang apo ko at alam kong kung gaano siya kasaya sa 'yo ay ganoon din kalungkot ang mararamdaman niya 'pag sinaktan mo siya. Pakiusap ko lang, sana mahalin mo lang siya." Nang tignan ko si Lolo ay nakangiti siya sa kausap niyang si Deign na tila nabigla sa sinasabi ng matanda. "Hindi masamang magkamali. Ang importante, natuto ka-kayo."
Napaakap na lang ako bigla kay Lolo dahilan para matumba ang iPad ko sa kama.
Pinagpahinga ko na muna ang grandparents ko at dumiretso ako sa kwarto ko para makausap siya ng solo.
Sinermunan niya ako kung bakit wala siya biglang nakita bla-bla-bla. Hindi ako magtataka kung tatanda 'to ng maaga, lagi na lang nagagalit.
"I miss you."
And poof, biglang kumalma ang itsura niya at ngumingiti na. "I miss you more."
Kinantahan niya muna ako ng Gravity habang ini-imagine ko na sumasayaw kaming dalawa. At hindi naman talaga siya umayaw nang hilingin ko na kumanta siya, feel na feel pa rin niya ang pagkanta niya. Lakas ng loob eh.
Humiga siya at niyakap ang puting unan niya. "Sana ikaw na lang yakap ko."
Napangiti na rin ako. "Konting tiis na lang. 'Pag umayos na pakiramdam ni Lola, promise, babalik na kami."
He nodded. "Nga pala!" Bumangon siya at nawala sa screen, maya-maya ay bumalik siya na hawak na ang cellphone niya. "Look, pasok na kami sa championship!"
BINABASA MO ANG
A Levelheaded Lass
Teen FictionBlack Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough?