Special Chapter - Gavin

5.8K 182 25
                                    

Lights, camera, people walking back and forth, script, and etc. are part of my daily life. Sometimes I wonder what my life would be if my childhood wish didn't come true.

Kahit siguro hindi nangyari ang mga iyon, even if I did not pursue show business, I would still fall for Gianina.

We always see each other during business meetings and gatherings. Bata pa lang kami lagi na niya akong ginugulo, ako naman nagpapagulo. Gusto ko lagi silang kalaro ni Phillip kasi wala naman akong makalaro sa bahay eh.

Nakakainis lang na gusto ko ng magtapat sa kaniya pero nagdadalawang isip pa ako. Bukod sa manager kong pinipigilan kami magkaroon ng personal issues na maaaring makaapekto sa image at trabaho namin ay iniisip ko rin ang mangyayari sa pagkakaibigan namin kung sakali.

Until I came to the point where I pictured us sa movie na ginagawa namin. Ayaw kong mauwi rin kami sa ganoon: na andoon ako sa pinaka importanteng okasyon para sa pinaka importanteng babae sa buhay ko. Pinapanood kung paano siya maiyak sa tuwa dahil sa wakas ay ikakasal na rin sila ng lalaking pinakamamahal niya. Ikinasal siya na hindi ko man lamang naipagtatapat ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya.

Nanikip ang dibdib ko nang ma-imagine kong si Gia ang babaeng iyon at masaya sa piling ng iba.

"Alam mo, subukan mo lang umamin. Nakakagaan ng loob 'yon."

At dahil sa sinabing iyon ni Mason, ginanahan akong magtapat kay Gia. And because of his words of wisdom, I sought help from him.

"Eh pare, nasa Baguio nga. Fieldtrip nila. Anong gagawin ko?"

Sinamaan niya ako ng tingin pagkainom niya sa alak niya. "Ako pa mag-iisip? Ako manliligaw? Ako may feelings?"

I nodded. "Humihingi lang naman ako ng tulong kasi ayaw talaga mag-function ng utak ko."

"Edi 'wag utak ang paganahin mo. Try mo 'yang puso mo."

He is really my motivator and yet 'pag usapang lovelife at lasing siya hindi maiwasang maalala niya si Zaira at mag-uumpisa na siyang magkwento sa istorya nilang ilang beses ko ng narinig.

It took me a while before I thought of confessing through a song. I thought Gia would really love to be serenaded. Naalala ko kasing may pagka-hopeless romantic siya at kung paano kuminang ang mga mata niya sa tuwing maririnig akong kumanta.

I was the happiest nang sagutin niya ako. Wala atang araw na hindi ko ipinagyabang iyon sa pamilya ko at sa mga kapatid ko.

"Hay, putangna. Pa-ulit ulit pare? Nandoon ako, okay? Nasa building ng condo ko kayo no'n. Sinagot ka niya sa rooftop. Tinulungan kita, 'di ba? Bakit kailangan ulit-ulitin sa 'kin?" Kulang na lang ay batuhin ako ni Mason ng tinidor niya. Pinagtitinginan na kami ng ibang staff na nagla-lunch break din tulad namin.

Tumawa ako at naisip ko nanamang muli ang kaswertehan ko dahil akin na si Gia ngayon. "Masaya lang talaga ako."

"Oo na. Ikaw na may lovelife! Ikaw na masaya! Hayup na 'yan." Tinungga niya ang softdrinks niya.

"All thanks to you, pare." Hindi ko napigilan ang ngumisi. Laking pasalamat ko talaga sa mga words of wisdom nitong si Mason eh.

Ayaw ko naman sanang umalis papunta sa ibang bansa pero kailangan. Sinubukan kong hindi na lang sumama pero pinagalitan lamang ako ng manager ko. Ipinaalam ko na rin sa kaniya ang tungkol sa amin ni Gia pero kasamaang palad marami siyang dahilan para hindi ko sabihin sa publiko ang pagkakaroon ko ng girlfriend.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para matapos agad ang trabaho ko. Nagpaka-bait ako sa management para naman kapag hiniling ko na na ipakilala na ang girlfriend ko ay hindi sila makakatanggi. Tiniis ko ang mga araw hanggang sa umabot sa mga buwan na hindi nakikita at nakakasama si Gia.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon