I've been trying to call Gavin a couple of times today pero hindi siya sumasagot. Anong nangyayari sa isang 'yon?
I badly need to talk to him.
Today is Friday at katatapos lang din ng midterm exams namin. Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano naman ay may nasagot ako.
Busy ako kaka-contact kay Gavin habang naglalakad kami palabas ng building nang sikuhin ako ni Tanya.
"Hoy kinakausap ka namin 'di ka nakikinig!"
I gave up. Itinago ko ang cellphone ko sa bag ko at humarap sa kanila. "Ano nga 'yon?"
Zoe tsk-ed. "Ano ba problema mo at kanina ka pa diyan sa cellphone mo?"
"Tinatawagan ko kasi si Gavin kaso 'di sumasagot."
"Ah! 'Yon lang pala eh nakahanap na ng iba 'yon!" Zoe laughed at her own remark.
But that wasn't a funny thing for me. Siya nga ba ang nakahanap ng iba o ako? Paano kung parehas pala kaming nakahanap? Paano kung may nakilala nga rin siyang iba? Paano kung na-develop siya sa katrabaho niya?
Kailangan na talaga namin mag-usap. Nakakalito na. Hindi na tama itong nararamdaman at ginagawa ko. Nagiging padalos-dalos ako.
I need to talk to him or at least to someone I could open up about it. Hindi pwedeng sa mga kaibigan ko dahil ayaw kong mag-iba ang tingin nila sa akin. Ayaw kong layuan nila ako 'pag nalaman nila ang pinaggagagawa ko.
It was that night while waiting for Deign at the field when I thought about everything. Napag-isip-isip kong mali na ang lahat, hindi na normal.
Noon kasi pakiramdam ko normal na inaasar lang ako ni Deign. Vocal lang talaga siya sa pagka-gusto niya sa akin pero 'di ko namalayan na sumusobra na pala kami. We're acting beyond our limitations.
It was a mistake-not that I'm saying Deign is a mistake-to have my heart over my mind. It shouldn't work that way.
Akala ko kasi noon handa ako sa magiging sitwasyon namin ni Gavin. Akala ko alam ko na ang mga gagawin ko pero hindi ko pala alam kung paano maglaro ang tadhana.
Dumating ulit si Deign sa buhay ko at nagpakasaya ako-kami. Hindi ko inakala na mapupunan ni Deign ng saya 'yung mga oras na inakala kong kakayanin ko na mawawala si Gavin sa tabi ko dahil sa trabaho niya. Mali rin siguro na in-entertain ko ang pagkagusto sa akin ni Deign kaya pati ako nahulog na rin.
I admit it. I have feelings for Deign and it's wrong because I have Gavin. I need to fix this. I need to fix myself from this mess I've started.
Tila ako natauhan nang sigawan ako ng mga kaibigan ko. "Hoy!"
Napa-iling ako. "Ay sorry, ano nga ulit?"
Tanya held my left shoulder. "Are you alright? What's bothering you?"
I tried to smile. "Puyat lang kaya lutang. Tara tulog na tayo!"
Zoe gave me her lokohin-mo-lelang-mo-look. "Tigil-tigilan mo na drugs, Gia."
"Ha-ha." Inayos ko ang bag ko sa balikat ko. "C'mon, tapos na exams, pahinga na kaya tayo."
"So hindi ka na pupunta sa party ni Indi?"
My forehead creased. Ngayon na ba 'yon? Tsk, 'di kasi importante kaya nakalimutan ko na. I want to laugh at my own thought but surely these two will give me looks again.
"Gusto niyo ba?" Natanong ko na lang.
"Ayaw ko sana eh," panimula ni Tanya at bumuntong hininga, "kaso somehow I wanna get a life."
BINABASA MO ANG
A Levelheaded Lass
Teen FictionBlack Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough?