Busy ako sa ginagawa kong paper habang naiingayan ako dito sa garden. Dito ako pumwesto kasi payapa dito kanina pero dahil gising na ang magaling kong kapatid at nakauwi na ang magaling kong pamangkin, ayan, maingay na!
Buti pa nung si Art, ako, at mga kasambahay lang ang tao dito eh. Hindi naman nag-iingay si Art dahil wala pa siyang muwang, ni hindi pa nga nakakapagsalita ng maayos 'yon eh, hindi rin naman siya iyakin kaya ayos lang.
They were banging their heads while singing with 1975's "Chocolate". Damn, sinisira nila 'yung kanta! Alam mo 'yung feeling na naka-earphones ka naman na lahat-lahat pero nararamdaman mo lang 'yung presence nila eh naiingayan ka na? Weird and annoying.
"Can't you two just be quiet?" I raised my voice. "Matulog na lang kayo!"
"Kagigising ko lang kaya 'wag ka nga diyan." Phillip rolled his eyes.
"Tita, kakauwi ko lang, mamaya pa ang siesta time," sagot naman ng bubwit na ito.
I groaned because of frustration. Sinara ko ang laptop ko at lumipat na lang sa verranda. Utang na loob ha, 'wag nila akong masundan-sundan dito, kundi nako.
Nasa kalagitnaan na ako pero I need to lie low for a while. Gano'n kasi ako, I don't want to pressure myself too much. Pressured na nga ako sa family ko, ipe-pressure ko pa sarili ko. 'Wag gano'n.
Nag-scan ako ng files ko at nakuha ang atensiyon ko ng mga litrato namin sa Ilocos. Nakita ko ang ilang selfie ko na nakukuhaan sa likod ko si Dada. Kamusta na nga kaya ang isang ‘yon?
It’s weird how I felt quite comfortable with him knowing that we’ve only met for few days. Mabait si Dada at malapit sa tao. Hindi ko naman tinatanggi na gwapo at maganda ang katawan niya eh, ‘yung tipong sakto lang, hindi mukhang bouncer o macho dancer. Minsan nga lang, may pagka-weirdo at misteryoso, nakakainis na nga eh pero magaling siya sa isang bagay, ‘yun ay ang pakikisalamuha. Kitang-kita ko naman na gusto siya ng mga tao roon at mayroon siyang ipinaglalaban sa buhay, hindi ko alam kung ano bang hugot niya.
Sa ikli ng panahon na nagkasama kami, alam kong malapit siya sa mga katulad niyang kumakayod ng mabuti para sa pamilya at alam ko rin na malalim siyang tao. Hindi rin siya nagtatanim ng sama ng loob kasi nung na-offend ko siya, kinabukasan okay na kami para bang walang nangyari.
Maswerte siguro ang babaing mamahalin niya.
Nakita ko ang isang litrato ko na siya ang kumuha at nagawa ko pang i-post ito na may caption na, #throwback. Napangiti ako kasi naalala ko si Dada, siya ang kumuha ng litratong ito na katabi ko ang kalesa na nag-ikot sa amin sa Vigan.
Muli kong naalala ang nangyaring ‘yon sa may dalampasigan. Nagsasabi nga kaya siya ng totoo na gusto niya ako? Hindi naman siguro ‘no? Imposible naman kasi eh. Kakakilala pa lang namin ta’s gano’n na agad.
Hindi ko rin naman itatanggi na nagustuhan ko ang paghalik niya, nadala rin ako eh pero naisip ko kasing hindi tama. Hindi pwede ‘yon. I barely know him so I should stop kissing him. Eh paano kung hindi ako tumigil tapos nauwi kami sa bagay na hindi pa dapat, mas mahirap ‘yon. I know the consequences and I won’t dare to take it.
I should be smart rather than being impulsive.
Hindi ko na nagawa pang magpaalam kay Dada noon. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin. Pagkasakay ko ng van ay may kung anong nagtulak sa akin na tumingin sa likod at nakita ko siyang nakasandal sa pillar at nakatingin lang sa van, mabuti na lang tinted ‘to.
Kamusta na nga kaya siya? I tried searching for his facebook account but silly me; I don’t even know his real name. Sana Dada, mahanap mo ‘yung babaeng para sa’yo, ‘yung deserve mo at deserve ka, ‘cause I don’t’ think it’ll be me.

BINABASA MO ANG
A Levelheaded Lass
Novela JuvenilBlack Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough?