ALL - Forty Seven

9.2K 414 86
                                    

I am having merienda with Phillip and my nephews since walang pasok dahil suspended. We are all here sa couch watching a horror film. I know Kuya told us not to let the kids watch such a show but Phillip insisted so bahala siya diyan 'pag nagsumbong 'tong si Ace.

Painom ako ng softdrinks ko nang biglang nagpakita 'yung multo sa salamin. "Ay putangina!"

Phillip laughed so hard. "Nice one, Gianina!"

Binato ko siya ng throw pillow. "Siraulo ka! Itigil na nga natin 'to!"

"Nope. Tatapusin natin 'to. Right, Ace?"

Tinignan naman namin ang pamangkin namin na titig na titig sa pinapanood namin. "Sshh. Let's just be quiet. I think the interesting part is yet to come."

Napa-iling na lang ako. Sino nagsabi sa kaniyang interesting ang horror film? Duh. Buti pa 'tong si Art tahimik lang at parang walang pakialam. Malamang sa malamang hindi niya naiintindihan itong pinapanood namin.

Nang matapos ang pelikula ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin habang si Phillip ay binuhat ang mga batang nakatulog na sa kani-kanilang mga kwarto.

Paakyat na ako sa hagdanan nang hilahin ako ni Phillip papunta sa pool area.

"Ano?" iritableng tanong ko nang bitawan niya ako. Hinimas ko ang pulsuhan ko dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Bakit lagi mong kasama 'yung William na 'yon?"

Kumunot ang noo ko. "Because he's my friend. Anong problema mo do'n?"

Nag-iba ang aura ni Phillip, parang nagalit siya nang marinig ang naging sagot ko. "Layuan mo siya."

I crossed my arms. "At bakit naman?"

"Because I said so!" he warned.

I gasped. "You don't have to shout. Katapat mo lang ako. Atsaka, ano naman sa'yo kung kaibigan ko siya?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Kaaway ko siya. Kaya layuan mo siya. 'Wag mo na papansinin ang isang 'yon. Naiintindihan mo?"

I shook my head and moved away from him. "No. You don't tell me kung sino ang magiging kaibigan sa hindi. And your reason is not valid."

Nagpamewang siya. "Hello, kapatid mo 'ko, kakambal mo, dapat ako ang kinakampihan mo."

"Wala akong kinakampihan. Ano ba kasi talagang pinag-awayan niyo?"

"That is none of your business."

I gasped. "Edi hindi ko siya lalayuan! Kayo talagang mga lalake, ang lalabo niyo! Ang hirap niyo intindihin! Tataas ng pride niyo!"

Tinalikuran ko na siya at pumasok pero narinig ko pa siyang sumigaw ng, "maka-hugot naman 'to! Hindi ako si Deign, hoy!" Mas nagkaroon lang ako ng dahilan para murahin siya.

Habang seryosong nagdi-discuss si Sir sa harap ay seryosong nakikinig din itong si William. I just wonder, kung talagang magkaaway sila ni Phillip, bakit wala man lang nababanggit itong isang 'to sa'kin?

Oh my gosh. Wala naman siguro siyang binabalak na paghihiganti sa kapatid ko tapos ako ang naisip niyang pain? Oh em, hindi pwede 'yan.

Siniko ko siya pero hindi niya ako pinansin kaya mas nilakasan ko pa ang pagsiko ko. "Hoy."

He shoo-ed me. How dare he! Inuga ko ang balikat niya. "Ano ba!" reklamo niya.

"Magkaaway ba talaga kayo ng kapatid ko?"

Iritable siyang sumagot. "Sino bang kapatid mo?"

I rolled my eyes, "edi si Phillip Ramirez."

Napatingin siya sa'kin. "Hindi. Anong paki ko do'n?"

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon