ALL - One

49.9K 859 178
                                    

“Lecheng iyan, Gianina Ramirez. Bilisan mo, late na ako sa meeting ko!” singhal sa akin ng gwapo at matalino kong Kuya.

“Wait nga lang eh, magpapa-picture lang ako tsaka autograph then we’re free to go.” I beamed.

Puro pa siya reklamo habang papalapit kami sa dressing room ni Gavin Chavez – the hottest heartthrob of our generation. Well, ‘wag na kayong magtaka kung paano kami nakapasok backstage, it is what you call connection, baby and that’s my advantage over those screaming fans drooling over him.

I knocked once and the door opened. He smiled at me and gave me a hug.

“Hey, I’ve been waiting for you,” he said and that made my heart pound so fast.

“You’re really expecting me, eh?”                                                  

Nakarinig naman ako ng tikhim sa likod ko, “Pa’no namang hindi mag-e-expect ‘yan, tuwing may concert o guesting siya ando’n ka para magpa-picture.” Sinamaan ko siya ng tingin. “What? I’m just telling the truth, Gia. Hindi ako magtataka kung isang araw maumay na ‘yang si Gavin sa’yo.”

Gavin chuckled and they had a fist bump. “Kuya Casimir, buti nasamahan mo ‘tong si Gia?”

“Napilitan lang ako. Ako naman kasi ang malalagot kanila Papa kung hindi ko babantayan ng maayos ‘to.”

“Oh. Where’s Phillip, by the way?”                             

Seriously, bakit parang ako ang hindi napapansin dito? Ako ‘yung may kailangan at nagpumilit sa kapatid ko na puntahan siya rito pero parang ako yata ang na-out-of-place.

“Taking his driving lesson.” Diretsong sagot ni Kuya. Napa-oh na lamang si Gavin. “Dali na, pirmahan mo na ‘yang album na ‘yan at mag-picture na kayo. May meeting pa ako eh.”

“Makapag-maktol naman Kuya. Hindi mo naman ako matitiis eh.” I grinned.

He rolled his eyes and went outside. Eh paano na iyan, sino kukuha sa amin ng picture? Hmp. Pinirmahan na ni Gavin ang album niya na binili ko kanina lang, tinawag niya rin ang stylist niya na bading para kuhaan kami ng picture. Ramdam ko ang pang-i-irap sa akin ng bading na ito, mukhang hindi niya ata feel ang maging photographer pero inabot ko pa rin naman sa kaniya ang cellphone ko na padabog naman niyang kinuha. Nako, masama ang loob. Wala siya magagawa dahil si Gavin na mismo ang nag-utos sa kaniya. Ha, ako pa.

Kung tatanungin niyo kung paano kami naging close ni Gavin eh uulitin ko, it’s because of connections. Magkakilala rin ang pamilya namin. I’ve known him since we’re kids and dammit he’s effin’ handsome even before we we’re still little, oo maaga ako naglumandi. Crush lang naman noon, pero ngayong lumaki na kami at naging bigating artista na siya, God, I don’t know how but he really captured my heart. ‘Yung tipong ‘pag kumakanta siya sa stage pakiramdam ko ako ang kinakantahan niya. ‘Pag umaarte siya at may sweet scene sila ng ka-loveteam niya ang sarap sabunutan ng babaita na iyon! Feeler iyon eh. Tss. Pa-tweetums lang ‘yon sa harap ng tv. At alam ko namang kung papapiliin si Gavin, ako ang pipiliin niya over her. Ganda ko kaya.

“O paano ba ‘yan, baka umusok nanaman sa galit ang Kuya mo.” He gave me a smile.

“Sige, una na kami ha. Thanks, again.” Lalabas na sana ako ng pinto nang may maalala ako. “Oh wait, ime-mention kita sa Twitter and Instagram ha? Favorite and like mo ah?” I smiled naughtily.

“Kelan ba hindi?” he ruffled my hair. I went back to Kuya and we drove off to his office.

Kinikilig ako sa tuwing ginagawa niya iyon. Alam mo ‘yung pakiramdam ko na parang nagpapahiwatig din siya na gusto niya ako. Omg, am I that close to the good Lord? Is He anwering my prayers already? Pero alam niyo naman being the only girl sa aming magkakapatid ay kino-kontra iyon ni Kuya at ni Phillip. They always say na ‘wag akong masiyadong assuming at ‘wag ako masiyadong kampante sa pinapakita sa akin ni Gavin dahil we never know kung sadyang mabait at sweet lang sa siya sa akin dahil magkababata kami. Haay… I don’t want to think that way. I know that I have a room somewhere in his heart.

Nang makarating kami sa office ay sinalubong ko agad ng yakap si Ate Alex – Kuya Casimir’s wife. I really really like her; she’s very pretty like me. She’s also smart. Parehas silang architect ni Kuya and I can say that they enjoy working with each other in this office. Si Kuya kasi may pagka-possessive, kaya gusto niya laging kasama si Ate at hindi nawawala sa tabi niya. Selfish much.

“Oh kamusta naman lakad ninyo? Mukhang masaya ka Gia ah?” Ate Alex noticed my happiness.

“Yes, I am! Siyempre nakapagpa-autograph and picture nanaman ako with Gavin. I’m so lucky.” Pinakita ko pa sa kaniya ‘yung album ko na may pirma ni Gavin.

“Tss.” Kuya is always like that. Pero I know deep inside masaya siya for me.

So habang sila ay nagta-trabaho andito lang ako sa isang kwarto at nakahiga sa sofa, sa maliit na room beside Kuya’s office, habang ina-upload na sa Twitter at Instagram ang picture naming dalawa ni Gavin. Bagay talaga kami, ramdam ko eh. Pwede na ang, Gianina Ramirez-Chavez. Shit, kinilig ako. Hindi pa ako nakakatungtong ng college pero ayan agad ang iniisip ko. We still have two weeks before we enter college.

‘Di nagtagal bumukas ang pinto ng kwarto at nang tumingala ako ay nakita ko ang nakaka-alibadbad na pagmumukha ng kakambal ko, nanatili lang naman akong nakahiga at binabasa ang mga comments ng mga kaibigan ko at ng mga inggiterang fans ni Gavin sa picture namin.

“What are you doing here, Phillip?” I suddenly asked.

“Well, you don’t freakin’ care.” My bastard fraternal twin answered. Nakakainis talaga siya minsan, swear. Pakiusapan ko kaya sila Mama na ipa-ampon na lang namin itong ungas na ‘to? That would be great, right? Para ako na ang bunso! Yeah, I came out earlier than him, 4 seconds is our gap. Kaya nga siya nakakainis, ako ang mas matanda pero kung umasta siya ang angas.

“Hey, make me a hot chocolate.” I commanded.

Pero hindi niya ako pinansin at nanatili lang siya sa kinauupuan niya habang naglalaro sa iPad niya. He was even cursing when he lose. Ugh, I hate this annoying twin brother of mine.

Since, today is Thursday nag-throwback na lang ako by scanning the photos in my cellphone. Napapangiti na lang ako na marami kaming picture na magkasama ni Gavin. Haaay. Kailan kaya magiging tayo?

At nahagip pa ng mata ko ang picture namin nung prom. He’s my prom date kaya naman nuknukan ng inggit ang namutawi sa mga babae noong gabi na iyon. Ha, ka-date ko ba naman ang kasing gwapo ni Gavin eh, hindi pa naman siya super sikat na artista ng mga panahon na ‘yon pero sobrang gwapo niya na talaga eh.

Yes, I know I’m such a lucky girl.

I can’t help but to smile.

“Crazy,” rinig kong untag ng kambal ko at nang lingunin ko siya ay sa akin siya nakatingin. Now, he’s telling me that I’m crazy? Tch. Mas baliw nga siya eh.

“You must be calling yourself, huh?”

“I have told you this before and now I’m telling you again, I don’t like Gavin for you.”

“I’m not even asking your opinion, twin brother.” Bumangon ako at nag-cross arms.

Noong mga bata naman kami madalas kaming maglarong tatlo pero ewan ko lang kung anong nangyari sa utak nitong kakambal ko. Oh well, guy thing, siguro naangasan siya kay Gavin, eh ang bait-bait kaya no’n!

He threw a pillow on my face then he grinned upon seeing that he got it bull’s eye. Nainis ako kaya binato ko rin siya at nag-batuhan lang kaming dalawa hanggang sa bumukas ang pinto.

“Hoy kambal! ‘Wag niyo guluhin ang opisina ko!” sigaw ni Kuya.

“Eh si Phillip kasi eh!” pagsusumbong ko. Lumapit pa ako kay Kuya at umakap sa braso niya na parang bata.

“Anong ako? Siya kaya nauna, Kuya!” sagot naman nitong isang ‘to.

Nagtalo lang kami kung sino ang nanguna. Si Phillip naman talaga nauna ‘di ba?

***

Yeah, I know ang ikli. Umpisa pa lang naman eh. Huhu. Try ko mag-update ulit bukas or sa Monday.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon