ALL - Twenty Eight

17.3K 598 229
                                    

"Feeling ko crush ako ni Indi."

I laughed. "Oh pake ko?"

Tinulak niya ng mahina ang balikat ko. "Grabe, konting selos naman diyan, kahit konti lang talaga."

I continued laughing then embraced his left arm. "Bakit ako magseselos eh ako naman gusto mo 'di ba?"

Tinignan niya ako sa mata kaya tinignan ko lang din siya. Nagtitigan kami ng medyo matagal bago siya sumagot. "Binabastos mo feelings ko, Gia."

"What?"

"Hindi lang kita gusto, mahal kita. Kailan mo ba maiintindihan 'yon?"

Napangiti naman ako at kinurot ang pisngi niya. "Ang cute-cute naman ni Dada."

He pouted. "Parang 'I love you, too' lang 'di pa masabi oh."

Buong araw ay nag-bonding lang kami sa mall na malayo sa kabihasnan, joke, basta malayo sa kung saan may makakakita na kakilala sa amin na magkasama.

We went to eat different dishes together, shop together, make fun of each other, just like normal couples do. Only that, we're not really a "couple".

Weekend went so fast. Nakikinig ako sa professor ko ng mabuti dahil malapit na ang midterms namin for this semester. I jot down notes and made sure na wala akong nakaligtaan na hindi isulat.

I need to focus kasi I'm aiming na maging dean's lister again this sem. May ibinigay sa aming case and we need to finish it bago mag-bell.

Malapit na ako matapos nang maniko si Zoe. Pabulong niya akong tinatawag.

"Ano?" Iritado kong tanong.

"Ano sagot mo sa 4?"

Tinignan ko muna siya ng masama. "Seryoso ba?"

She smiled. "May sagot naman ako, naninigurado lang."

Napanguso na lang ako at tinapat sa kaniya ang papel ko. "Tama ako, galing ko talaga." Rinig kong bulong niya.

Tapos na ako sa lahat ng tanong nang haplusin ni Deign ang buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam ng haplos niya kaya naman tinignan ko siya.

"Bakit?" Pabulong kong tanong dahil baka marinig kami ng professor.

"Mali 'yung 4 mo, basahin mo maigi 'yung case." He then gave me a smile.

Sinunod ko naman siya at napagtantong tama siya. May word lang na nagpagulo naglagay ng twist sa case na iyon kaya agad kong binago ang sagot ko.

Nang magpasahan kami ng papel ay agad na nagpaalam si Tanya at Zoe dahil kapwa sila hinahanap na sa mga bahay nila. Pasimple akong sumunod kay Deign sa parking dahil magde-date daw kami.

Pagkarating ko naman doon ay prenteng-prente siyang nakaupo habang nakikinig sa kantang paborito niya, Gravity by John Mayer.

Pagkasakay ko sa sasakyan niya ay humarap siya sa akin at umaarteng may hawak siyang microphone para kantahan ako. Ewan ko ba diyan, 'di naman kagandahan ang boses, feelingero lang.

Nang matapos siya ay agad ko siyang hinalikan sa pisngi.

He was in awe. "Kinilig ka ba sa pagkanta ko? Lagi na nga kitang kakantahan!"

I pouted. "Baliw, dahil 'yan sa pagtama sa sagot ko kanina."

"Hindi naman ako 'yung nagtama, ikaw. Sinabihan lang kita na may mali."

I rolled my eyes. "Dami mo namang alam. Ayaw mo lang ata ng kiss eh!"

Natigil ako sa pagiinarte nang halikan niya rin ako sa kaliwang pisngi. "Ayan, binalik ko na 'yung kiss mo." Matapos ay humalakhak ang mokong.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon