ALL - Fourteen

20.9K 599 187
                                    

Bumalik din naman kami agad sa Manila. Nag-hang out kami ng friends ko since busy si Gavin. Nakakatuwa lang talaga na pinayagan na siya ni Papa, hihi. Mas sweet siya ngayon at sobra akong kinikilig.

Nag-shopping kami ulit ng clothes siyempre another school year is approaching.

"Gia, tumigil ka na sa pagngiti, 'di na nakakatuwa," pang-ilang ulit ng reklamo ni Tanya.

"Uy thanks ah?" I rolled my eyes. "Maghanap ka na kasi ng ka-sparks mo!"

Zoe laughed with me. "Oo nga para hindi ka nagsu-sungit."

She glared at us. "Walang sparks! Walang forever!" Binalik niya ang tingin sa mga damit na andito sa shop. "Wala namang nagkakamaling pansinin ako eh."

I suddenly felt sad for her pero itong si Zoe masamang kaibigan, tinawanan pa si Tanya. "Senyales na 'yan girl!"

"Senyales ng?"

"Tatanda kang dalaga!" I giggled. Zoe ran because she knew what Tanya will do to her. Sasabunutan nanaman niya ito, ganiyan siya mainis eh.

Naisipan namin mag-lunch. Habang hinihintay namin ang pagkain, daldal lang sila nang daldal.

Na-trip-an ni Zoe mag-throwback kaya pinakita niya sa'kin ang mga pictures nila nung fieldtrip sa Ilocos.

I was scanning the photos in her phone when I saw something familiar... someone familiar.

May picture si Zoe at Tanya at nakita ko sa likod no'n si Dada na mukhang naglalakad at nakasabit sa balikat ang lambat. Ang photobomber talaga no'n kahit kailan!

Ibinalik ko na lang bigla kay Zoe ang cellphone niya at tinignan din niya ang screen.

"Omg ito oh," zinoom niya ang picture kung saan makikita ng klaro si Dada, "this guy is sizzling hot."

"I know right! Nako, kung nakita mo siguro siya malamang pasok 'yan sa standards mo." Tanya grinned.

Zoe smiled. "I bet he's a good kisser. Look at those lips oh gosh tempting!"

Kumunot ang noo ko. Pinagnanasahan ba niya si Dada! Nakakaloka ang babaeng 'to!

"Shut up Zoe."

She pouted. "What did I do?

Paano niya nasabing magaling humalik si Dada? Nahalikan na ba niya? Ugh! Well, masarap nga siya humalik pero ugh, I can't explain. Bakit ba kasi nag-e-explain ako sa sarili ko?

Memories clouded up my mind. I suddenly remembered how his kiss made me forget the things that frustrates me, somehow. His kiss that made me feel that I should enjoy my life. His kiss that made me realize that there are a lot of people in this world who can accompany me in sadness and fun. His kiss made me calm.

I came back to my senses when they snapped their fingers in front of me.

"What?"

They gave me that you-look-stupid look.

Zoe glances back at Tanya and told her, "Bakit hindi na lang siya sa'yo Tanya? O 'di ba, para masaya lahat tayo may lovelife!"

"Weh?" Dumating na ang mga inorder namin pero patuloy lang kami sa daldalan. "Ikaw, may lovelife?"

"Oo! Si Phillip, promise iba talaga 'yung na-feel ko nung tinulungan niya akong i-akyat gamit ko," she said dreamily.

Tanya nodded. "Buti ka pa may naramdaman, siya kasi wala eh." We both laughed.

Zoe glared at us. "Ang sama niyo! Akala ko ba magkakaibigan tayo dito? Bakit hindi niyo man lang ako suportahan?"

Sumubo ako ng pagkain ko. "Ang alam ko may ibang gusto si Phillip eh. Sorry friend." I just need to be honest with her, she's my friend and I love her, hindi ko siya dapat paasahin.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon