Pagkababa ko para kumain ng breakfast ay nandoon na ang kakambal ko. Binati ko siya ng maayos pero as usual, hindi niya ako sinagot ng maayos.
"Bakit ang aga mo ata ngayon?" I asked. Normally, tanghali pa kasi ang gising niya.
"Game." Simpleng sagot niya.
Nang maalala ko 'yon ay nilabas ko agad ang cellphone ko sa bulsa ko para i-text si Deign. Nagta-type pa lang ako ay naka-receive ako ng message mula sa kaniya na bumabati ng magandang umaga.
To: A-hole
Good morning din! Good luck sa game mamaya ah? Galingan mo kundi hindi kita papansinin for the whole school year. :)Nilapag ko na ito sa lamesa at kumuha ng makakain.
Maya-maya lang ay tumunog ulit ito.
From: A-hole
Wag naman whole school year. How about a week?To: A-hole
A sem?From: A-hole
A day?To: A-hole
A month?From: A-hole
An hour?I wasn't able to control my laugh. Hay nako, Deign, siraulo ka talaga. Pero natigilan ako sa pakikipagtext sa kaniya nang sitahin ako ng kakambal ko.
"Gianina. No phones while eating."
I pouted. "Opo." Pero napaisip ako, mas matanda kaya ako sa kaniya!
"You goin' to watch?" He asked and I nodded. "Why, because of Deign?"
Sumubo muna ako ng pagkain bago siya sagutin. "Because of my friends."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Let me remind you, twin, you have a boyfriend. Whatever it is that's going between you and Deign isn't good."
I laughed at him. He can't be serious. "There's nothing go on between me and him. We're just...friends."
He shook his head. "Kumain ka na nga lang. Panget mo."
I gasped. "Maganda ako! Magandang-maganda ako!"
"Sabi lang ng boyfriend mo 'yon."
Kanina pinagbibintangan niya akong may something sa amin ni Deign, ngayon naman pangit daw ako? Goodness!
Sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi rin kaya ni Papa, Mama, Kuya, Ate, Ace and Art!"
Humigop muna siya sa kape niya. "Really? Nakakapagsalita na si Art? Wow." He said with full of sarcasm.
"I. Hate. You." He just smiled and answered that he hates me too.
Natapos siya agad kumain at nagmadaling umakyat. Nang ako naman ang matapos ay pababa na siya dala ang malaki niyang bag.
"Gotta go," paalam niya.
"Ingat."
Yeah, that's my twin and I. Mag-aaway kami pero we still care for each other.
Nanunuod ako ng TV nang biglang mag-ring ang cellphone ko.
Babe <3 calling...
"Hi babe!" I eagerly greeted.
"Babe, I miss you." He said in his husky voice. Halatang pagod ang boses niya ah.
"Mukhang pagod na pagod ang babe ko ah?"
"Yeah. Katatapos lang namin mag rehearse eh. How are you?"
"Just watching TV and oh by the way, I'll be watching a game later. It'll be my first time to watch an inter-university game," I laughed.
BINABASA MO ANG
A Levelheaded Lass
Teen FictionBlack Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough?