ALL - Forty Two

8.1K 388 103
                                    

"Bata, sabing wala eh. Umalis nga anak ko!"

"Sir, gusto ko lang naman pong makausap si Gia eh. Alam kong andyan siya."

Binuksan ko ng kaunti ang pinto para marinig ang pinaguusapan ni Papa at Deign.

I just can't face him right now. I have to set things clear first before facing him again. Pero kung sa kalagitnaan ng pagaayos ko ng kasalanan eh magkaroon ng dahilan para mapalayo siya sa akin...masakit man, tatanggapin ko.

If losing him is the consequence of all these then I'll take it. Hindi sa hindi ko mahal si Deign. Mahal ko siya. Mahal na mahal na mahal ko siya. Ayaw ko lang harapin siya ng ganito, na wala pa ring pagbabago.

"Sir, pakiusap naman oh. Ilang linggo na kaming hindi nakakapag-usap. Please lang naman ho." Napakagat labi na lamang ako nang marinig ko ang tono na iyon ni Deign, nagmamakaawa.

Sorry, Deign.

"Ako nga kinaya kong hindi makita at makausap 'yung mag-ina ko ng ilang taon, kaya tigilan mo ako sa rason mo na 'yan. 'Wag ako, bata. 'Wag ako."

I just hope na idaan na lang siya ni Papa sa mga salita at 'wag siyang saktan.

"Eh Sir, kayo 'yon, hindi ako!"

"Aba't! Ang kulit mo ring bata ka eh. Gabing-gabi na. Magpatulog ka nga!"

"Sir alas syete pa lang."

"Maaga kami matulog dito. Umuwi ka na nga! Bumalik ka na lang sa susunod! 'Wag mo ring susubukang dumaan sa likod, magbabantay ako." Kahit hindi ako ang kaharap ni Papa parang ramdam ko ang matatalim niyang tingin.

Hindi ko alam kung bakit pero bahagya akong napangiti nang marinig ko iyon. Kahit papaano, ang cute nila pakinggan. Not that natutuwa akong nagmamakaawa si Deign para lang makita ako, natutuwa lang ako na unti-unti na silang nasasanay na kausapin ang isa't isa. Sabi kasi sa akin ni Papa dati 'pag nasanay kang sinisigawan ang isang tao unti-unti mong makakasanayan na kausap siya, hahanap-hanapin mo. He even used Ninang Bianca and Ninong Kats as example.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Ay kabayo." Kamuntikan pa akong masubsob palabas ng kwarto. Ito naman kasing si Phillip eh.

Umiling-iling na lang siya at bumaba na may dalang baso.

"Oh Deign, andito ka pala!" Pakshet ka Filipe, pauwi na 'yan.

"Phillip! Andyan si Gia 'di ba? Sabihin mo naman gusto ko siyang makausap oh. Please."

"Wala nga! Bumaba pa kasi 'tong isang 'to eh." Sigaw nanaman ni Papa. "Uwi na!"

"Sir, utang na loob naman oh. Kakausapin ko lang siya. Miss na miss ko na ho siya. Please lang ho."

"Gusto mo bang kaladkarin pa kita palabas? Uwi na."

Sinira ko na ang pinto dahil alam kong magagawa namang pauwiin ni Papa si Deign eh.

Nahiga na ako, pumikit pero muling dumilat dahil hindi talaga ako makatulog. Nagpa-ikot-ikot na ako sa kama pero hindi ko pa rin mahanap yung tamang pwesto.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng gatas. Nakahinga ako ng maluwag nang malamang wala ng tao sa baba. Buti naman at tapos na sila dahil baka 'pag nagtagal pa eh sumali pa si Kuya sa ingay nila. Dinala ko iyon sa kwarto ko at tumayo sa tapat ng sliding door kung saan kitang-kita ko ang dagat. Anong oras ba ako makakatulog? Gusto ko na matulog dahil bukas babalik na kaming Manila dahil kailangan ko ng mag-enroll at maubusan pa ako ng slot sa magandang schedule.

Schedule...gusto nga pala ni Deign na parehas sila ng sched ni Tanya. I already have this picture in my head where the three of us were shopping then out of nowhere Deign will come out to help Tanya with her stuff. Na-i-imagine ko rin na magiging masalimuot na third wheel ang peg ko kung wala si Zoe.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon