Chapter 7: His First Night Job

2.3K 69 16
                                    

Chapter 7: His First Night Job

In response to my promise, pinag-usapan kaagad namin kinabukasan ang re-shuffling ng schedule ng mga tauhan namin.

"Amy, you're not cut out for working the night shift," sabi ko habang nakatingin sa kanya, pinagmamasdan ang reaksiyon niya.

Lumabi kaagad siya ngunit tumango. "Naiintindihan ko po, Chef." Nakita ko rin ang bahagyang pag-irap niya sa nobyo niya. May LQ siguro sila.

I swallowed and cleared my throat. "However, if you insist, you can give it a week. I understand how your body functions. Hanggang alas diyes y medya lang ang kaya ng mga mata mo."

She cutely smiled and nodded. "Parang mommy na talaga kita, Chef. Alam mo ang lahat sa akin. Sige po, susubukan ko pa rin."

Sa mahabang taong nakasama ko sila, naobserbahan ko na ang mga attitudes, routines and hobbies nila. Alam ko kung sino ang madaldal sa kanila, kung sino ang tahimik, kung anu-ano ang ginagawa nila kapag tapos na ang trabaho nila. At kung sino ang naglalamyerda pa kahit hatinggabi na.

"Do you have any additional questions?"

Umiling silang lahat at halatang satisfied sa reshuffling na magaganap. Nagkanya-kanya na silang balik sa trabaho. Ang mga night shift workers naman ay bumalik ulit sa kani-kanilang kuwarto.

Nagpaiwan naman sa living hall ang dalawang dalaga.

"Ilang taon na nga ulit 'yong bagong salta?" tanong ni Avril.

"Sino? 'Yong kaibigan ni Skye?"

Nakita ko ang pagtango ng isa.

"21 yata? March 19, 2001 ang birthday niya."

Kapwa sila nagtawanan. "Pisting yawa, siya pala ang pinakababy sa atin. Pinagnanasahan ko pa naman siya," sabi niya habang sinasampal ang bibig.

"Hindi lang ikaw! Kaya nga nagpalipat 'yong iba para sa night shift kasi gusto nilang makasama 'yong binatang 'yon."

Kumuha ako ng tubig at prenteng umupo sa may rattan swinging chair. May white foam iyon at komportable akong sumandal roon habang iniuugoy ko ang sarili ko ng marahan. Nakita ko sa side vision ko ang pagpasok ng kaibigan ko mula sa labas. She also took a cup of cold water with her.

"He appears to be mature for his age." Komento ulit ng isa.

I noticed the other girl nodded. "Ganoon naman talaga kapag batak ka sa trabaho at sa hirap ng buhay."

"Mangingisda raw iyon. Siguro magaling sumisid 'yon."

They both laughed, but my brow furrowed and I couldn't help but speak. "Bakit? Anong masama sa pagsisisid? Fishermen do that whenever they want to catch lobsters and king crabs."

Napatingin silang dalawa sa akin na may pagtataka sa kanilang mga mukha. Bumunghalit naman ng tawa ang kaibigan kong nasa kusina.

"Ibang sisid ang sinasabi nila sa iniisip mo, Gab!" she exclaimed, laughing her tears away.

Ako naman ang naguluhan. "Bakit? Sisid is diving, right?" Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa kanilang tatlo habang tumatawa na rin ang dalawang dalaga.

Jen groaned, and I could see the pity look in her cute face. "You have a virgin mind for a 38-year-old widow. Bawal i-corrupt."

"Ano ba 'yon?" Na-curious na tuloy ako.

"Wala. Magpahinga ka na lang diyan," she said, grinning.

I shrugged and closed my eyes for a nap.

After about twenty minutes, I return to the kitchen. Alas tres pa lang naman. Kapag ganitong oras ay pakonti-konti lang ang customers na pumapasok. Jen, on the other hand, is now on the second floor. Inaasikaso ang mga bagong dating na hard liquors and wines.

The Chef's Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon