Chapter 8: Growing Feelings

2.1K 71 13
                                    

Chapter 8: Growing Feelings

"Nakarami ng tip si Angelo kagabi. Tinawanan ko nga kasi inaabot sa akin 'yong mga lilibuhing pera na ibinigay sa kanya ng mga customers na nag-request sa kanya," kuwento sa amin ni Jen ngayong umaga.

I was busy discussing the prep list with Kier pero sige pa rin siya sa daldal sa harap namin.

"I guess we'll have to remove this menu," I said, pointing to Caoimhe's menu. Ilang linggo na iyong nakadisplay sa menu book pero hindi pa rin masyadong binibili ng mga patrons namin.

Kier gave a nod. "We'll see what the missing ingredient is kung bakit ayaw nila." Nagturo ulit siya at inalis din ang isang menu. "Palitan natin ng chicken enchilada. They'll probably enjoy it."

"Have you calculated the costs and expenses?"

He wiggled his brows na parang sinasabi niya sa aking "Ako pa ba?"

Yes. He's one of a kind chef. Kasama na namin siya simula noong opening nitong restobar 17 years ago. We were so young back then. Kaka-graduate lang nila sa culinary arts and Hendrix decided to open this restaurant and bar despite his parents' objections. Gusto kasi ng mga magulang niya na magserbisyo rin siya sa publiko ngunit ayaw ni Hendrix ng ganoon. Nasa puso niya ang pagluluto.

And Kier intended to pursue his master's degree in CA pero hindi na niya itinuloy at sumama na siya sa plano ni Hendrix. I, on the other hand, had to stop studying in order to give birth to Skye. Itinuloy ko na lang ang pag-aaral noong mag-isang taong gulang na siya.

And with that, we began our hectic day.

"Oo nga pala, Jen..." sabi ko.

"Oh, akala ko multo na ako sa paningin ninyo." She stuck out her tongue slightly and playfully.

"Magseryoso ka, please." Inirapan ko siya.

She wrapped her arms around me. "O, anong reklamo ng mahal na reyna?" She said, softly.

Ang aga-aga, nambabadtrip siya. "Laging late si Miss Mavalinao. Have you talked to her?" I inquired, concerned.

"She's always making up excuses. 9 am daw siya papasok pero hanggang ngayon, wala pa."

"Try talking to her. Baka may problema sa bahay nila," I said.

"Lahat tayo may problema, Gab. Pero bakit siya, laging late?" I could hear her sigh. "Mas dinaig pa niya ikaw na may-ari ng restobar na 'to. Ikaw ang aga-aga mo pumapasok, siya sobrang late na, minsan absent pa." Salubong ang mga noo niya at para bang anytime ay magagalit na.

I raised my two hands. "Alright. Ako na lang ang kakausap."

I had talked to Miss Mavalinao in my office by the time she arrived. Sinabi niyang wala raw mag-aalaga sa anak niya kapag aalis siya at hinihintay pa ang Nanay niya sa pamamalengke kaya palagi siyang late.

"I recommend you bring her here with you and have your mother pick her up when she gets home from the Market. Malapit lang naman ang bahay ninyo dito, hindi ba?"

Agad siyang tumango. "Yes, Chef. Pero nakakahiya po sa mga kasamahan ko sa trabaho kapag dinala ko ang anak ko rito." She is a single mom at hinahangaan ko ang katatagan niya sa buhay.

I tsked. "Don't stress about it. Expect them to gossip about you. Ganyan talaga kapag hindi nila alam ang tunay na kuwento. Huwag mong problemahin ang hindi mo kontrolado. Your daughter is more than welcome here. You can let her stay in the staff house while she awaits her grandmother."

Sa tuwa niya ay niyakap niya ako. Naiyak pa nga siya kaya niyakap ko rin pabalik. I've been through what she's going through kaya naiintindihan ko siya. Being a young mother will place you in the spotlight. Some would hate you, while others would put pressure on you. But they have no idea about your sacrifices, so shrug them off. Hindi naman sila nakakatulong.

The Chef's Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon