Chapter 12: Angelo, The Working Student

2K 65 9
                                    

Chapter 12: Angelo, The Working Student

"Mom, I heard you're not feeling well?"

It was a phone call from my daughter. Gusto kong pitikin sa noo si Jen dahil alam kong siya lang naman ang may lakas ng loob para magsumbong sa anak ko. Skye seemed concerned over the phone, so I sighed aloud.

"I'm on my way to the restobar. Have you finished your dinner?" She asked and I could hear her saying, "bayad po, dalawa!"

"Who are you with?" Intrigued, I asked. But before she could respond, I heard a voice that made my heart skip a beat.

"Sabi nang ako ang magbabayad ang kulit mo talaga..." He said.

Skye answered, "E, ikaw na noong nakaraan. Ako naman ngayon," sabay pumailanlang sa kabilang linya ang mahinhin na tawa ng anak ko. Hindi ko narinig ang dahilan ng pagtawa niya. "Oh, mom! Are you still there? I'm sorry. I'm with Angelo. Sumabay po ako sa kanya."

Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "All right, honey. What would you like to eat for dinner?" I rose up and put on my yellow slippers. "Ipagluluto kita."

"Ako na po ang magluluto mamaya pagdating ko riyan." She continued to speak with Angelo about their upcoming exam.. "Sus, kahit hindi ka naman magreview, makakauno ka pa rin," dinig kong sabi niya. "Mom, I'll see you later!" Masigla ang tono niya bago niya pinatay ang tawag.

Ganoon nga ang nangyari, Skye cooked for our dinner when she arrives at the staff house. She's an excellent cook, bata pa lang ay nakitaan na agad namin ang hilig niya sa pagluluto. Namana niya iyon sa ama niya, kung sabagay ay palagi silang magkasama noong nabubuhay pa si Hendrix. He taught our daughter everything. Iyon ang isa sa ikinatutuwa ko noon sa kanya. Sinusunod siya palagi ng anak namin. Bata pa lang si Skye ay namulat na siya sa gawaing-bahay. Hendrix dislikes having strangers in our home dahil na rin sa "special circumstances" ng aming pagsasama. Sa haba ng pagsasama namin ay ni hindi kami nagkaroon ng helper sa bahay.

Abot-tenga ang ngiti ng anak ko nang amuyin ko ang niluluto niya. Naaamoy ko pa lang ang anghang ng sili at amoy ng fermented black beans ay naglalaway na ako lalo na nang ilagay na niya ang kamias para mas lalong umasim ang kumukulong maanghang na gata at isdang tanguigue o spanish mackerel. Tagotongan dapat ang gusto ng anak ko ngunit naubos na raw sa dinaanan nilang palengke kanina ni Angelo.

"Masarap ba, mom?" Pumangalumbaba ang anak ko sa dining table habang tinitigan ako sa pagsubo ng niluto niyang larang o mas kilala ng iba sa tawag na nilarang o linarang. Isa iyong cebuano dish na piniperfect niyang lutuin.

"Hmm!" I made a yummy sound. "Ang sarap, honey!" Pumalakpak siya at tuwang kumuha ng mga plato at kubyertos.

We dined in together with the other workers.

"Super lami, jud!" puri ng isa sa mga waitress na ka-close ng anak ko. Actually, lahat naman sila kaibigan ni Skye.

Sinang-ayunan naman iyon ng iba. Sarap na sarap sila sa luto ng anak ko dahilan para maubos kaagad nila iyon.

At hindi ako tinantanan ni Skye hanggang sa hindi niya ako mapainom ng gamot bago siya umuwi. She had to go home dahil magrereview pa raw siya para sa exams nila. I tried telling her to send her home but she declined. Sinermunan pa nga ako at pumirmi na lang daw ako dito sa staff house.

Later that evening, I've realised I had my first day of period. Kaya pala ang tamlay-tamlay ng pakiramdam ko bukod sa iniisip kong sitwasyon namin ni Angelo.

Imbes na matulog ay nagtungo ako sa paborito kong spot dito sa staff house, ang rattan swing. I sat down there and listened to a radio drama in the evening. Ngunit wala pa ako sa kalagitnaan ng istorya ay mabigat na ang talukap ng mga mata ko at tuluyan akong iginupo ng antok.

The Chef's Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon