Chapter 1: His Affairs

4.2K 85 25
                                    


WARNING: This story contains mature scenes, explicit sexual content, and sensitive topics that are not suitable for young readers. Reader discretion is advised.

🖤

Chapter 1: His Affair

Year 2022.
Torres Mansion.

Before getting out of my black Audi, I stared at my reflection in the rearview mirror to see if I still had a haggard face. And, yes. I still have. Nadagdagan na naman ang fine lines sa mukha ko. I'm really getting old. Hahawakan ko pa lang sana ang door handle ay napansin ko ang pag-ilaw ng mobile phone ko. It was an incoming call. Pinindot ko ang green button ngunit hinayaan ko lang na naka-mount ang phone sa car phone holder ko.

"Gab! Anong ginawa mo kay Ador? Ba't umiiyak siya rito?" Bungad na tanong ni Jen, ang manager ng restobar namin ni Hendrix sa Moalboal.

"I fired him," casual kong sagot.

"You fired him? E, ba't may isinosoling sobre na may lamang five hundred thousand pesos na cheque? Ang laki nito! Alam kong barya lang sa 'yo 'to. Pero bakit mo siya sinisante?!"

I paused for a moment to calm myself.

"Ano?" pangungulit niya.

"Alam mo ang dahilan, Jen. Don't bother asking me anymore."

"Ayaw naman magsalita ng mga tauhan dito. Kaya nga tinatanong kita. Nawala lang ako ng limang buwan, nabawasan tayo ng anim na tauhan. Anong ginawa nila at pinagtatanggal mo sila?" Base sa tono ng boses niya ay nagsisimula na siyang mainis. Jen has been a good and trustworthy friend since we started our business. Waitress siya noon hanggang sa nagkapalagayan kami ng loob at nakita ko naman ang sipag at dedikasyon niya sa trabaho kaya prinomote namin hanggang sa magtagal siya sa amin. Nawala siya ng limang buwan dahil binigyan namin siya ng maternity leave.

"Don't mind it, magpaskil ka na lang ng hiring."

"Hindi biro ang maghanap ng tapat na tauhan, Gab. Alam mo yan. Narito pa rin si Ador, nagmamakaawang huwag siyang tanggalin sa trabaho. At bakit mo binigyan ng five hundred thousand?"

"Alam mo na ang sagot diyan, Jen. Don't make me say it," nagsisimula na akong mainis.

"Hindi ko malalaman, kung hindi mo sasabihin." Determinado niyang sabi. Ang kulit talaga!

"P-pinasubo niya ang titi niya sa asawa ko. Masaya ka na?!" Nagsisimula nang umahon ang galit sa sistema ko.

"Oh my God!" Jen let out a loud laugh. Hula ko ay sapo niya ang bunganga niya sa kakatawa dahil sa sinabi ko. She is aware of my husband's infidelity as well as his sexual orientation. Naging saksi rin siya minsan sa kababuyan ng asawa ko. Actually, lahat ng tauhan namin, alam ang tunay na sitwasyon sa pagitan naming mag-asawa. Nakikita kasi nila.

"Masaya ka?" tanong ko habang hindi ko mapigilang iikot ang mga mata ko.

"Oh, I'm crying right now. Naiyak ako sa kakatawa. Ikaw ba yan? Nagsasalita ka na ng bad words? Nawala lang ako ng matagal!" Sunud-sunod pa rin ang tawa niya.

I heaved a deep sigh. "Napupuno rin ang salop, Jen. I'm done with him. I've already contacted our lawyer at pumayag na ako sa gusto ng asawa ko. I will sign the annulment papers."

"Ano bang nangyari?"

"Mas lalo na siyang nagiging gago. Dati tago pa ang mga aktibidades niya. Pero simula noong tanggihan ko ang inaalok niyang annulment, naging ganoon na siya. And worst! Inuuwi pa niya dito sa bahay ang boyfriend niya!" I adjusted the air conditioner in the car to a higher temperature dahil umiinit ang ulo ko ngayong naaalala ko ang mga kababuyang ginagawa niya.

The Chef's Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon