Chapter 46: No Evidence Of Disease

1.9K 63 10
                                    

Chapter 46: No Evidence of Disease

"I'll pay for my stay."

My daughter says as she unloads her suitcase of clothes into her new room's wardrobe. Nagkatinginan kami ng asawa ko, tinanguan niya ako.

"It's entirely up to you, honey, but I'd appreciate it if you won't insist. You remain a member of our family. You will always be my daughter."

Skye did not respond, but I know she likes to pay. Baka nahihiya siya sa asawa ko.

Angelo cleared his throat. "Alright. 10,000 pesos per month. A two-month security deposit and a one-month advance rental are required."

Sabay na lumaki ang mga mata naming mag-ina sa sinabi niya. "Love?!" I said, surprised.

"Ang mahal, ha?" reklamo naman ng anak ko.

He chuckled and made a "V" sign with his two fingers. "Mapilit ka, e!" sabi niya na natatawa. "Ayaw mo pa n'on? Very accessible pa ang bahay namin sa churches, government offices, fast food chains, shopping malls, schools at banks. Saan ka pa? Diyan lang din sa tabi ang 7-eleven. Nasa likod lang din ng bahay ang dagat."

Ibinato ng anak ko ang hawak niyang lotion sa asawa ko habang kita ko ang pag-asim ng itsura niya, halata kasing nang-aasar lang ang isa. "Tsaka malayo ang bahay namin sa ex mo, siguradong hindi ka mahahanap—"

"Isang salita mo pa, tatamaan ka na sa 'kin!" Banta ng anak ko habang inaambahan na niya ng hair dryer si Angelo. Napapangiti na lang ako habang pinanonood silang magbangayan.

"Bakit? Eh, di ba? Kaya gusto mong tumira dito kasi isa siya sa dahilan kung bakit ayaw mo sa Santander?"

Lalong umasim ang itsura niya. "Matagal na akong nakamove-on sa kanya. FYI!"

"Weh?" Tumaas ang kilay ng asawa ko. Siniko ko siya dahil baka sumobra siya ng biro kay Skye. Nakauunawa naman siyang tumango sa akin. "Kung sabagay, sa ganda mong 'yan, baka nakahanap ka na ng Hapon."

"I'm single, and I'm over him. I'm content to be single. I have the freedom to do whatever I want. I'm carefree and unlikely to respond to a message or phone call. I can devote my time to pursuing my ambitions..."

Muli kaming nagkatinginan ni Angelo habang iniisa-isa ng anak ko kung bakit mas pinipili niyang maging single.

"I can dance, I can fly and touch the rainbow in the sky..." sabi ni Angelo ngunit may tono ng kaunti ang boses niya habang gumagalaw pa paitaas ang kaliwang kamay niya. Pinalo ko ang puwetan niya, napakakulit!

"You!" Halos mag-usok ang tenga ng anak ko sa inis mabuti na lang at hindi niya inihagis ang hawak niyang hair dryer sa mapang-asar kong asawa.

"Mi-mi..."

Sabay-sabay kaming napatingin sa bunso kong papasok ng kuwarto. Hindi pa gaanong mulat ang kaniyang mga mata mula sa pagkakatulog habang naglalakad. Kinukusot pa niya ang mga iyon. Tumapat siya kay Skye dahil siya ang pinakamalapit sa pintuan. Nasa sliding door naman kami ng asawa ko, malapit sa balcony.

Angela raised her arms, wishing to be lifted and carried by her Ate. "Mi-mi..." she muttered, pouting her thin lips.

"Mom..." Skye glanced at me. I nodded and was about to walk over to them when Angela began to cry. Natigilan ako dahil binuhat kaagad siya ng ate niya.

"Shhhh... Shhhh..." Skye then whispered softly habang hinahaplos niya ng marahan ang likuran ng kapatid niya. "Mommy is here. She's here. Stop crying, little one."

Angela wrapped her little arms around Skye's neck and nestled her head in her Ate's shoulder.

Bago pa man dumaloy ang luha ko sa nasasaksihan ko ay tumalikod ako at naglakad patungong balcony. Angelo grabbed my hand and squeezed it as he wiped away my tears. "See? Your daughter has returned, my love." He mumbled. Pagtingin ko sa kanya ay namumula rin ang mga mata niya. Para na tuloy kaming buang na nagtatago ng luha sa harapan ng balcony.

The Chef's Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon