Chapter 25: Tempting Offer

1.6K 58 13
                                    

Chapter 25: Tempting Offer

Later that afternoon, I left the restaurant early because Cressida wanted to tour Moalboal.

Nagulat pa ako nang pumasok ako sa loob ng pulang Mahindra Scorpio dahil naroon si Angelo. Ngumiti lang siya ng tipid at nagbaba ng tingin, sa pinakalikod siya nakaupo katabi ng assistant ni Iñigo. Cressida sat next to the driver, and I sat next to Iñigo in the middle.

Hindi mapakali ang katabi ko at halatang may gustong sabihin. Naroong hihinga siya ng malalim at minamasahe pa niya ang bandang dibdib niya kaya hindi na ako nakatiis na kausapin siya.

"Do you want to say something?" I asked. Tinitigan ko siya at nakita ko ang ilang sa mga mata niya. He had radiating hazel eyes. Ngayon ko lang iyon napagmasdan dahil laging mailap ang mga mata niya. I could tell he's secretive.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib niya bago siya nagsalita. "S-sinundo na-namin si Angelo dahil may importante kaming pag-uusapan."

Hindi ko napigilang itaas ang kaliwa kong kilay. "Okay. Mag-uusap kayo sa gitna ng karagatan?" takang tanong ko.

Napabunghalit ng tawa si Cressida. Pati ang assistant ng binata ay hindi napigilan ang pagngiti niya.

"Pasensiya ka na sa kapatid ko, Isla. Nauutal lang siya dahil sa kagandahan mo," sabi ni Cressida na tawang-tawa pa rin.

I noticed how the man next to me gives his sister a side eye out of exasperation.

"Give me a break, Panda," he said.

Napalingon sa amin si Cressida at binato niya ng gummy bear ang kapatid niya. "I told you! Stop calling me Panda!" She rolled her dolly eyes. "I'm sorry, Isla. This guy! Ugh! Kainis!"

I laughed at them. "It's fine. Ang saya siguro magkaroon ng kapatid, 'no?"

"It isn't. Iñigo is an annoyance. You'd never want a brother like him."

Napangiti naman ang katabi ko. "Says who? Annoyance? So, why do you keep coming to my house kahit naiirita ka sa traffic sa Maynila?"

"It's because I want to check on you, dimwit!" She spatted.

Nangingiti lang ako habang pinapanood silang magbangayan. Naungkat na ang nakaraan nila at napansin ko ngang hindi nauutal si Iñigo. I guess he feels really uneasy when I'm around.

After a while, there is silence.

"Ano nga palang pag-uusapan ninyo ni Angelo?" Curious kong tanong para pambasag lang ng katahimikan.

Namula si Iñigo at tumingin sa daang tinatahak ng sasakyan. Muli siyang tumingin sa akin at napansin kong pinagpapawisan na siya gayong malakas naman ang aircon sa loob ng sasakyan. "W-wala na kasing time. Babalik na kami bu-bukas sa Maynila. April will speak with him about our offer."

Oh, so April ang pangalan ng assistant niya. Lumingon ako sa babaeng katabi ni Angelo at pinagmasdan siya ng mabilisan. She smiled and waved at me, so I smiled back.

She was unconventionally attractive, and there was something about her smile. Nakakahawa iyon at parang ang gaan lang niyang kasama. She's the same height as my friend Jen. And I noticed her bust size, mas malaki pa sa akin. Doon na ako nagbawi ng tingin. Baka kasi ma-awkward-an na siya.

We drop at The Seven Seas Diving Resort. Luckily, kami na lang ang customer ng hapon na iyon. We wore our scuba diving suits and embarked on our adventure..

"Yay! I'm so excited for Pescador Island!" masiglang sigaw ni Cressida nang sumakay na kami sa boat na maghahatid sa amin doon. Pinagigitnaan nila ako ni Angelo samantalang nasa harap naman namin ang mag-boss, nag-aaway.

The Chef's Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon