Four

3 0 0
                                    

"Guess what?!" Excited, kinikilig, at masayang-masaya na pambulabog sa amin ni Gabby. Niyugyog pa niya ang braso naming dalawa ni Lexi kaya sinamaan siya ng tingin ni Lexi.

"Ano na naman yan, Gabby!" Masama pa rin ang tingin ni Lexi kay Gabby dahil sa pagyuyogyog niya. Nag peace sign naman si Gabby sa amin at ngumisi, tumigil na siya sa pagyugyog sa 'min.

Iling na lang ang nagawa ko. She composed herself. Stand straight, breathe, and smile.

"There's a medicine students competition..." Pigil tumili na balita niya sa amin ni Lexi, medyo nanginig pa siya dahil sa pagpipigil. Napakunot naman kami ni Lexi ng noo sa balita niya. Ano naman ngayon?

"So?" Taray ni Lexi sa balita ni Gabby. Mas lumapad naman ang ngiti ni Gab.

"And... the students in medical field in other university will be our university's competitors... Information! It's the other university near us!" Pigil na pigil pa rin siya sa totoong nararamdaman niya.

Napanguso naman ako. Why she just go straight to the point?

Nawawalan ng pasensyang bumuntong hininga naman si Lexi. "Pwede ba Gabby, huwag mong sayangin ang oras namin," linigpit na niya ang gamit sa upuan niya at sinabit ang kaniyang bag sa balikat. Ako kanina pa ako ready lumabas ng room, hinintay ko nalang sila. Kakatapos lang din ng klase namin.

Aktong maglalakad na si Lexi palabas at aktong susunod na rin ako ng pigilan kami ni Gabby. Hinawakan niya ang aming mga braso para pigilan.

"Wait! Teka lang!" Pigil niya.

"Ano ba? Sabihin mo na ang gusto mong sabihin at huwag mo kaming binibitin." Asik ni Lexi.

Binitiwan kami ni Gabby at ngumuso. "Oo na! 'Eto na nga!" Muli kaming humarap kay Gab at hinintay ang sasabihin. "'Yon nga! May competition na magaganap sa pagitan ng university natin at doon sa malapit na university sa 'tin. Parang likely debate siya, gano'n..."

"And?" Tanong ko.

Ngumiti siya. "Natandaan niyo 'yong kinuwento ko at nandoon sa restaurant na kinainan natin noon na mga med students?" Tinignan niya ako. Nangunot naman ang noo ko, iniisip kung tama ba ang hula ko. "Kilala mo pa nga ang isa doon, 'diba, Casie?" ngiting umaasang matandaan ko kung sino ang mga tinutukoy niya.

Bumuntong hininga ako. Sila nga. "Sina Moxel?" I stated.

Namangha siya sa sinabi ko. Nailing nalang ako sa reaksyon niya. "'Yon ang pangalan no'ng kumausap sayo doon sa restaurant?!" Pinanlalakihan at nakaawang ang labi niya ng sinabi 'yon.

"Yeah, continue what you are talking to, baka masapak ka na ni Lexi sa inip," humalakhak ako. Nginusuan naman ako ni Lexi kaya tumawa akong muli.

"Okay. Okay. So, ayon nga... sasali sila sa competition!" At hindi na naitago ang kaninang pinipigilan pa niyang nararamdaman. Tumalon-talon ito at tumili. Akmang hahawakan na naman niya kami at yuyogyogin ng umatras ako, si Lexi naman ay sinamaan na siya agad ng tingin, nagbabanta.

Nasa gitna si Gabby ng pagsasaya ng may naisip akong itanong. "Saan naman gaganapin ang competition at kailan?"

Tumigil siya sa kakatalon at binalingan ako ng sobra ang ngiti sa mga labi niya. "Dito! Dito sa university natin! And... It will happen next week? Yeah! Next week, Tuesday... 2p.m! Kaya pwedeng-pwede tayong manood kasi wala tayong klase ng mga oras na 'yan!" Sayang-saya na niyakap ni Gabby ang sarili at dinuyan-duyan na parang sanggol.

Napapailing na lang talaga ako sa mga ginagawa ni Gabby. Mukhang nabaliw na talaga siya nang makilala ang mga med students na 'yon.

Pero, kasali sina Moxel aa competition? So, makikita ko siya dito sa school namin? Umiling ako. Eh, ano naman ngayon, Scasie, huh? Umiling ulit ako sa kaweirduhan ko at ngumisi.

You're The OneWhere stories live. Discover now