"Ma'am... Ma'am Salista, kamusta po si Lina?"
Napabalik lang ako sa reyalidad sa pagtawag na 'yon. Pag-angat ko ng paningin sa nagsalita ay awtomatiko akong napatayo.
"Ma'am... Sir..." Sambit ko ng makita ang mga magulang ni Lina.
Hinawakan ako sa kamay ng mama ni Lina, puno ng pag-aalala ang mukha niya. "Ma'am, ano na po ang lagay ni Lina?"
Tinignan ko siya saglit. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto kung nasaan si Lina ngayon.
Nagsilabasan doon ang mga nurses. Napabitaw ang mama ni Lina sa akin at agad na lumapit sa Doctor na lumabas sa silid.
"Doc! Ano po ang lagay ni Lina? Kamusta po ang anak ko, doc?" Puno ng pag-aalala na tanong ng mama ni Lina kay Moxel.
Nandito lang ako sa gilid, pinagmamasdan ang pag-uusap nila. Nanigas ako roon. My heart is beating fast.
Ngumiti si Moxel sa mag-asawa. I looked away. "Misis, calm down. As of the moment ay okay naman na po ang anak ninyo kaya wala na dapat kayong ipag-alala pa." Namamangha ako sa nakikita ko kay Moxel ngayon. He really reached his ultimate dream. To become a good Doctor... and there he is... and he changed a lot. "We will run some other test pa po para masigurado ang kalagayan niya, pero okay na po siya talaga. Ililipat na rin siya sa isang silid na para sa kaniya. She just need more rest."
Nakahinga kami ng maluwag. Tumango naman ang papa ni Lina. "Sige po, salamat po Doc," aniya nito.
Tumango lang naman si Moxel at nagpaalam sa mag-asawa. Nagtama pa ang mga mata namin bago niya ako nilampasan. I immediately looked away. I can't stand.
Nang malipat sa isang kuwarto si Lina ay agad dinaluhan nila ang anak. Kita sa kanila ang pag-aalala bilang mga magulang. Hindi na ata iyon maiiwasan.
I'm sitting on the sofa near Lina's hospital bed with her father. Ang asawa naman nito ay nandoon sa gilid ng anak.
"Hindi ko alam kung bakit nagkaganito siya," nahihirapang sambit ng mama ni Lina habang hawak nito ang isang kamay at hinahaplos ang pisngi ng anak. Kita ang awa sa mga mata nito habang nakatingin sa anak.
"Siguro po ay napagod ng husto siya," tugon ko naman.
Tinignan ako ng babae at malungkot na ngumiti. Nag-iwas ako ng tingin, I can't stand the sadness on her eyes.
"Kung alam ko lang sana o kung iyon ba talaga ang dahilan, sana ay nabawasan ko kung kaya man lang o natulungan man lang siya." Puno ng lumbay na sabi nito.
I sighed. Ganito talaga ata ang mga magulang at ina. Mother is really loveful.
Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa noon ang isang babaeng nurse na dumeretsyo agad sa makinang nakakabit kay Lina.
Tumayo ang mag-asawa pagkakita kay Moxel, kaya napilitan rin akong tumayo.
"Okay na po ba kayo rito?" Paunang tanong ni Moxel ng makalapit.
"Opo doc," sagot ng papa ni Lina.
Tumango naman si Moxel at ngumiti. "We already runned some test to Lina at posibleng nagkaroon siya ng fatigue kaya she needs to stay here for a few days. There is something we need to know para makasigurado."
"A-ano po iyon, Doc?" May halong kaba ang boses ng mama ni Lina.
Halos mapatalon ako ng pumihit si Moxel sa direksyon ko at magtama ang mga mata namin. Tinaasan niya ako ng kilay. Napalunok naman ako.
"We need to know what happened before she got here in the hospital."
Nakahinga naman ng medyo maluwag ang magulang ni Lina ng tignan ko sila.
YOU ARE READING
You're The One
RomanceI thought he was the one... But, Is he really the one? I'm happy to meet you... I'm thankful. We're happy... We're good, but suddenly it disappeared. Does we don't trust enough each other? Why has this happened? YOU! You are the one I consider to be...