Pagkalabas ko ng cafeteria'ng iyon, sa aking paglinga-linga ay nakita kong may nagbebenta ng ice cream sa labas ng school. Tanaw lang ang gate at labas ng school sa kinaroroonan ko.
I walked towards there to buy. I needed some cold dessert now.
Naningkit agad ang aking mga mata ng maramdaman ang mainit na araw. Tanghaling tapat!
"Kuya, ano pong mga flavor?" Tanong ko sa lalaking nagbebenta.
"May chocolate, strawberry, vanilla..." Ipinakita ni kuya ang mga flavor ng ice cream na meron siya.
"Strawberry po," at nagbayad.
Pagkabayad at kuha ng ice cream kong naka apa ay napag-desisyunan kong umupo muna sa isang bench doon malapit lang sa gate ng school.
Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko. Hindi pa naman mag-ta-time.
Inubos ko ang oras ko roon na in-enjoy ang strawberry ice cream ko. Iniwasan ko ang pag-iisip ng kung ano-ano, lalo na ang nangyari kanina dahil ma-i-stress lang ako. He didn't deserve para ma-stress ako.
I looked at the sky when it suddenly got cloudy and dark.
"Tsk. Kaya pala ang init-init kanina."
Minadali ko ang pagkain ng ice cream bago tumayo dahil nagsisimula ng tumulo ang tubig sa langit.
I immediately got inside the school. Luminga pa ako pero kamalas-malasang walang nagdadaang may payong na mga tao.
I runned away fast as I could when the rain starting to pour some more raindrops.
Unti-unti na akong nababasa! Mukhang may galit ata ang langit ngayon dahil sa mga malalaking buhos nito.
I stopped myself and breathe deep when I finally got a roof.
Tinignan ko ang ulang bumuhos na talaga ng malakas.
I sighed again. Medyo nabasa pa ako!
"Sinong tangang magpapaulan?"
Nanlaki ang mata ko at nilingon ang nasa gilid ko na nagsalita.
Umiling siya at tinaasan ako ng isang kilay. Nalukot naman ang mukha ng makita si Moxel doon.
Malas nga ata ako ngayon!
"Huwag mo akong pakealaman." Mariin kong sabi rito na tinawanan niya lang.
He shrugged. "I don't care, don't worry." At tinalikuran lang ako at nagsimulang maglakad palayo.
Tinitigan ko ang likod niya ng masama kahit hindi niya nakikita.
Ugh! Kainis!
Tinignan ko ang sarili ko at kailangan ko talagang magpalit man lang ng damit dahil medyo nabasa ako.
Naglakad ako para pumunta na sana sa faculty room ng makasalubong ko si Lexi.
"Scasie! Saan ka ba nagpunta? Hindi kita nakita kaninang lunch!" Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Kumunot ang noo nito. "Anong nangyari sa 'yo? Ba't basa ka riyan?"
Ngumiwi ako. "Naulanan. Pupunta ako ngayon sa faculty para kumuha ng extra na damit."
Tumango ito. "Saan ka ba galing kanina?" Ulit na tanong niya.
I shrugged. "Diyan lang. Sige, punta na ako."
Hindi ko na siya hinayaang magtanong pa dahil tinalikuran ko na siya. Ayoko ng magsalita o mag-explain pa ng mahaba. At tsaka nilalamig na ako.
Pumunta ako sa table ko roon sa faculty room para kumuha ng extra'ng damit sa bag ko. Mabuti nalang talaga at araw-araw akong nagdadala ng extra.
May mga ilang co-teacher pa ako roon. Binati ko lang sila at sinabing naulanan ng magtanong sila kung bakit basa ako.
YOU ARE READING
You're The One
RomanceI thought he was the one... But, Is he really the one? I'm happy to meet you... I'm thankful. We're happy... We're good, but suddenly it disappeared. Does we don't trust enough each other? Why has this happened? YOU! You are the one I consider to be...