Twenty-Six

3 0 0
                                    

Nagising ako sa kaunting ingay. Ginala ko ang tingin ko sa paligid. I sighed. Oh yeah, ang plano kung pagsaglit lang dito kahapon ay napaaga hanggang ngayon.

Napapangiwi nalang ako ng maalala ang kahapong gabi at kung bakit nauwi ako sa pagpapa-umaga rito sa hospital.

"Bukas ay pwede ka ng umuwi sa inyo, Lina. Pero kailangan mo pa ring magpahinga kahit bukas lang sa bahay niyo para hindi mabigla ang katawan, okay?" Anunsyo ni Moxel kaya napatango-tango si Lina.

"Okay, Doc,"

"And you," biglang bumaling si Moxel sa akin kaya nabigla ako. "You stay here until tomorrow morning. May sakit ka at hindi magandang bumiyahe mag-isa at madilim na."

I shooked my head. "Uh, no. I can manage."

Tumalim ang mga mata nito sa akin. "That's an order from your doctor."

Nagtaka ako. "Doctor? Hindi ako pasyente rito, huh..." paalala ko sa kaniya.

"Well, you're my patient now. You need to obey your doctor."

Mas kumunot ang noo ko roon. "What do you mean? Hindi ako naka-confine rito. Hindi ako pasyente. Why would I?"

"You see, you're sick. So you're a patient," Pakikitalo nito.

"Patient? So, kailangan ko palang magbayad dito at kumuha rin ng room? Ay oo nga pala may babayadan ako rito, the meds and food, right? Don't worry, I'll pay that to you. I just need to go home for work I still must do."

Sumama ang mukha nito na ikinataka ko. "It's not what I mean, you know what I mean, right? The meds and food I gave you, you don't need to pay that. You just can't leave now because you're sick." Hindi niya pinapahalata pero alam kong naiinis na siya.

"But–" Naputol ako sa sasabihin ng magsalita si Lina.

"Ma'am Scasie, tama po si Doc. Hindi po maganda at delikado po pag umuwi kayo ngayong gabi lalo na't may sakit kayo. 'Dito nalang po kayo muna mag-stay hanggang bukas ng umaga."

Now, pinagkaisahan nila ako.

I pouted.

Napatingin ako ng biglang tumayo si Moxel. "I'll just request one bed for you." At tinalikuran na kami para lumabas sa kuwarto, ayaw na umangal pa ako kaya wala akong nagawa.

I just think, bago ako nakatulog kahapong gabi ay naalala ko pa ang naging tawag ni Moxel habang ginigising ako kahapon para kumain at uminom ng gamot.

Scasie...

Winala ko iyon sa isipan ko. Ayaw ko mag-isip na naman ng kung ano. Bumangon ako sa pagkakahiga.

"Oh, ma'am! Good morning po! Tara po, kain!"

Ngumiti ako sa mama ni Lina at inayos ang sarili para makadalo sa pagkain nila.

Nag kwentuhan lang kami roon habang kumakain ng tungkol kay Lina at sa pag labas nito mamayang tanghali sa hospital.

"Lina, please take care of yourself this time. Huwag mong pag-alalahanin ang mga magulang mo, ha?" Payo ko sa estudyante ko.

Mabilis naman itong tumango-tango at ngumiti sa akin. "Yes, ma'am! Thank you po!"

Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpatuloy ng pagkain. Pagkatapos kumain ay tinulungan ko ang mag-anak na iligpit ang mga pinagkainan namin.

"Ma'am, heto po ang gamot. Sabi ni doc, inumin niyo po iyan pagkatapos kumain." Ani ng papa ni Lina.

You're The OneWhere stories live. Discover now