Nine

6 0 0
                                    

"Let's go! Let's enjoy the party! Wohoah!" Sigaw ni Gabby pagkarating sa bar na napili namin.

Pumasok na kami at mabuti nga't nagpareserve kami ng mapupwestuhan kasi kung hindi siguro, wala na kaming maupuan sa dami ng tao ngayon. Kakatapos lang ng finals eh.

We really do have to enjoy and take a break sometimes in acads kasi baka ay mas ma-stress at masiraan ka ng ulo. Kidding aside! But yeah.

Pumunta na kami sa sofa na pina-reserve namin at si Gabby ay agad namang tinawag ang waiter para makaorder na agad.

Nang dumating ang mga inumin ay lumagok agad si Gabby. Napangiwi ako sa ginawa niya. Sa aming tatlo ay masasabi kong si Gabby talaga ang party girl—mahilig siyang magliwaliw.

"C'mon guys! Drink your drinks, oh!" Tinuro ni Gabby ang mesa na puno na ngayon ng iba't-ibang inumin.

"Iinom kami kung kailan gusto namin, Gabby..." simpleng sabat ni Lexi sa kaniya. Ngumiwi lamang si Gabby sa kaniya at lumagok na ulit ng ibang inumin na naman.

Seryoso? Hindi ba masama ang uminom ng iba't-ibang klase ng inumin at the same time? Hindi ko alam, hindi naman ako mahilig talaga mag-bar—ni hindi nga ako makainom, lalo na ng mga hard drinks especially 'yong mga ang sama ng lasa. Pero paminsan kung pinipilit, ay tinitiis ko na lang ang lasa. Tsk.

Kinuha ko ang cocktail na in-order ko. Nakita ko ring nagbukas na si Lexi ng isang boteng beer ata 'yon? Ewan, 'di rin ako maalam sa mga drinks, hindi naman ako tambay sa bar o talagang mangiginom.

Unti-unti kong sinipsip sa bote nito ang cocktail ko. "Seriously, Scasie? Cocktail? Why not try some other drinks? It's good, you know?" sabi ni Gabby ng mapansin ang iniinom ko, busy pa rin siya sa iniinom niya—balak pa ata nitong magpakalasing ngayon.

"Gabby, you know that I don't really like how alcohol taste, right?" Ngumiwi naman siya at tumango na lang. Napailing na lang ako at uminom ulit sa iniinom ko. Okay, maybe I'll try some other drinks, but pag hindi ko na gustuhan ang lasa bahala sila diyan.

Inilapag ko ang glass ng cocktail na iniinom ko sa lamesa sa harap namin at tinignan ang iba pang inumin roon.

Namimili ako ng pwedeng subukan inumin ng mapapitlag ako nang biglang ibinagsak lang ni Lexi ang bote ng iniinom niya sa lamesa. Tinignan ko ito kung anong problema. May masama siyang tingin sa isang direksyon. Sinubukan kong hanapin ko saan siya nakatingin, pero sa paghahanap ay may nasagip ang mga mata ko na isang lamesa na may mga pamilyar na mukha. Sina Moxel at mga kaibigan niya ata.

Napabaling ako muli sa kay Lexi nang lumagok siya sa inumin niya.

"Any problem?" I asked to her.

Binalingan naman ako nito at kumunot ang noo nito. "What? Bakit naman ako magkakaproblema?" Peke siyang humalakhak at umiling. "I'm fine, perfectly fine," hindi ko alam kung sino ang sinasabihan niya niyan; ako ba o ang sarili niya. Ipinagkibit-balikat ko nalang ito at binalingan ulit ang mga inumin.

Nang may nakitang inumin na medyo interesting ang pangalan ay kinuha ko ito at binuksan. Busy pa rin ang dalawa kong kasamang uminom ng mga kani-kanilang inumin.

"Guys, take it slowly," paalala ko sa kanila.

Sinubukan kong lasahan ang inuming hawak ko ngayon at infairness, pwede ng pagtiyagaan.

"Guys! Let's go! Let's dance!" Biglang tumayo si Gabby sa kalagitnaan ng pag-iinuman namin. Tinignan ko ang dance floor at marami na ngang sumasayaw doon, lumakas na lalo ang music sa buong bar.

Umiling ako. "Dito lang ako." Medyo linakasan ko ang boses ko pagkasabi dahil hindi kami magkakarinigan sa ingay ng sounds. Umiling lang din si Lexi at binalingan na agad ang drink niya ng may kunot-noo pa rin na mukhang malalim ang iniisip.

You're The OneWhere stories live. Discover now