Twenty-Eight

3 0 0
                                    

Time flies.

"Upo ka muna diyan. Dito nalang tayo maghihintay."

Napaangat ako ng tingin galing sa pagsusulat dito sa teacher table ng room ko nang marinig ang tinig na iyon.

Nag-time na para sa uwian ng umaga pero may tinatapos pa ako kaya nagpaiwan ako rito bago kumain.

"Kent?" Tawag ko sa estudyante ko. "Uwian na, ah? Ba't nandito pa kayo?" Taka kong tanong dito.

Ngumiti naman ito sa akin. "Pasensya na po ma'am sa disturbo. Uuwi din po kami maya-maya, hinihintay lang namin ang tito naming sunduin kami rito."

Tinignan ko ang kasama niyang batang lalaki.

"Good afternoon, ma'am?" Inosente nitong sabi.

Napangiti naman ako rito at pinagmasdan ang batang nakaupo lang. Medyo pamilyar siya sa akin.

"Kapatid mo, Kent?"

Umiling lang si Kent. "Hindi po ma'am. Pinsan ko lang po. Busy kasi po ang parents niya ngayon kaya ako na ang sumundo sa classroom nila. Si tito naman po ang susundo sa amin ngayon dito para makauwi na."

Tumango naman ako at binalingan na ang papel na sinusulatan ko.

"Ano ng grade niya?" Nagpatuloy ako sa pagsulat.

"Elementary pa lang po siya,"

Napatingin uli ako sa batang lalaki. I can't take my eyes off to him. He's so familiar to me.

"Hey, little kiddo. What's your name?" Tanong kong nakangiti.

Ngumiti rin ito. "I'm Dylan po, ma'am!" Masigla nitong sabi.

Napatulala ako roon. May unti-unting alaala ang bumalik sa akin.

I tilted my head to the side at mas inexamine ang bata.

Dylan...

Saan ko ba iyon narinig o nakita ko na ba ang batang ito?

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Siya ba iyon?

"Tito!"

Napabaling ako kay Kent nang sumigaw siya roon. May tinitignan na siya sa may pinto ngayon kaya napatingin din ako roon.

I gulped.

"Tito Moxel!" Tumakbo si Dylan sa kaniyang tito at kinarga naman ito ng tito niya.

Nagtama ang paningin namin.

"Tito, si ma'am Scasie Bryl po, advicer ko." Lumapit na si Kent sa kanila.

"Scasie Bryl...?" Takang patanong ni Dylan.

So, he is really the Dylan! Ang batang pamangkin ni Moxel, iyong batang nakakalaro ko noon! It's been a while since I last saw Dylan.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sa kanila.

Nginitian ko si Dylan. Hinaplos ko pa ang mga pisngi nito. "Hey, Baby Dylan. How are you? Do you still remember Ate Bryl?" Umaasang sambit ko.

Ramdam kong nakatingin lang si Moxel sa akin ngayon.

"Ate Bryl po?" Tinitigan ako ng bata, mas lalo ako ngumiti at tumango. "The one at the park?"

Nawala saglit ang ngiti ko. Park. Pero agad ko iyong ibinalik.

"Yes, baby..."

Nag-isip pa ito. Pinagmasdan ko si Dylan. Ang laki na niya!

Nanlaki ang mga mata nito at inabot ako para yakapin. Niyakap ko naman pabalik ito.

You're The OneWhere stories live. Discover now