"Nakakatampo ka, Scasie. Bakit hindi mo sa amin sinabi agad?" Nguso ni Gabby.
As soon as we entered the apartment ay nagulat din si Gabby nang makita ang kasama namin at ang mga hawak ko. I told them, from the start nang nagkatagpo kami sa park until now na nanliligaw si Moxel sa akin.
"Sorry," guilty kong sabi. Friends ko sila, dapat lang nilang alam.
"Tss! Nagbibiro lang Scasie! Ito naman hindi mabiro!" Tumawa siya nang makita ang itsura ko. "Okay lang iyon," she smiled.
"Seryoso ka ba talaga sa kaibigan namin, Moxel?" Nabaling kaming lahat ng tingin sa nakataas na kilay na si Lexi.
"I won't waste my time for nonsense or if I am not serious about Bryl, Lexi, don't worry. And to answer clearly your question, yes. I am surely serious about Bryl."
Napatulala pa ako saglit ng seryoso niyang sabihin iyan kay Lexi, tumingin pa siya sa akin na nakangiti. Namula ako dahil sa sinabi niya.
"Okay." Tango ni Lexi. "Dapat lang, dahil sa oras na sinaktan mo siya... makikita mo,"
"Lexi..." tawag ko ng kinakabahan para sawayin siya, seryoso niya kasi talagang sinabi iyon.
"Don't worry, Lexi. I won't hurt Scasie Bryl."
Pagkatapos ng usapang iyon ay kinain namin ang dinalang chocolate cake ni Moxel. Aniya'y hindi niya alam ang favorite flavor ko kaya iyon nalang ang binili niya para medyo ligtas. Okay lang, I like chocolates.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam naman na si Moxel kasi may gagawin pa raw siya at para raw hindi na siya makadisturbo sa pag-aaral namin. Sinabi ko ngang okay lang at 'di siya disturbo pero dahil may gagawin din siya, umuwi na rin siya.
"Scasie..." inangat ko ang tingin habang nag-aaral kay Gabby ng tinawag niya ako. Nagpatuloy na rin kasi kami sa pag-aaral.
"Hmm?"
Nakangising-aso siya. "You... you like him? Moxel?"
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tinutok sa notebook kong binabasa dahil sa pang-iinit ng pisngi sa ngising-asong tanong niya.
Si Gabby talaga!
"Scasie..." niyugyog pa ako nito nang hindi siya sagutin.
"Gabby. Tumigil ka nga, mag-aral ka na lang diyan at 'wag disturbo." Singit ni Lexi.
"Nagtatanong lang naman!" Pagmamaktol ni Gabby.
"Yes," sagot ko, nakayuko parin, nahihiya.
"H-Huh?" Nagtatakang sabi ni Gabby nang bigla nalang akong nagsalita.
Ngumuso ako. I said what I already said, nakakahiya ng ulitin.
"W-What did you just—" Hindi na niya natapos ang dapat sasabihin nang nagtutumili na siya roon.
"Gabby! Nag-aaral tayo! Manahimik ka nga diyan!" Iritang saway ni Lexi nang sakupin niya ng matinis niyang boses ang mga tenga namin.
"OMG! OMG!" aniya na parang hindi pa makapaniwala. "OMG! You like Moxel? Scasie! Oh, well, I can't blame you. Moxel is an ideal type! My goodness!" Mukhang hysterical na siya doon habang ako ay mukhang kamatis na ata sa hiya ngayon habang pilit nagpupukos sa pag-aaral.
Kalaunan ay tumigil din naman si Gabby kakasalita doon about sa amin ni Moxel ng mas lalong nairita na si Lexi at binalaan na siyang umalis kung mangdidisturbo lang siya.
Finally, we study peacefully.
"OMG! WOHOAH! FINALLY! Road to next level na tayo!" Nagpupumalakpak pa si Gabby habang sayang-sayang sinabi iyon nang matapos ang exam, our last exam this school year.
YOU ARE READING
You're The One
RomanceI thought he was the one... But, Is he really the one? I'm happy to meet you... I'm thankful. We're happy... We're good, but suddenly it disappeared. Does we don't trust enough each other? Why has this happened? YOU! You are the one I consider to be...