Kabanata 2

679 43 5
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Kabanata 2

Iritadong iritado ako sa signal ng internet. Mayroon naman pero tila pagong dahil sa bagal. I have been researching a lot about fishes and this damn internet couldn't come up with me!

Naiintindihan ko naman dahil wala talagang signal dito. Walang linya ng WiFi at mobile data lang rin ang puwede. Pero hirap na hirap rin. Ni sa Facebook nga ay hindi makausad. Kahit ang mga message ko  kina Mica at Tate ay hindi rin nakakarating. Na stock na sa status na sending at hanggang doon na lang.

Pero okay na rin. Kaysa naman magkaroon kami ng communication at pagkatapos ay inggitin lang nila ako ng alak.

"Pero ano ba kasi ang itsura ng tilapia? Have I already eaten that kind of fish? Ang naalala ko lang na nakain ko noon ay salmon." bulong ko habang nakatitig sa screen ng cell phone at kunot ang noo.

Lumabas si Manang Anita sa balkonahe kung saan ako nakatambay. She's carrying a tray where my snacks are. Inilapag niya iyon sa mesa sa harapan ko.

"Magmeryenda ka muna, Seniorita Amaris."

My lips pouted with the way she called me.

"Manang, stop calling me seniorita. Amaris is fine."

"Pero amo kita. Amo ko ang pamilya mo at may respeto ako sa inyo-"

"Pero mas matanda po kayo sa akin at kayo ang mas gugustuhin ko na irespeto. Huwag na po tayong magtalo sa bagay na ito, manang. Tawagin ninyo po ako sa pangalan ko."

Nagkamot siya ng ulo, alanganin ang ngiti. Alam ko naman na nag-aalala siya na baka magalit sina Mommy at Daddy pero kaming dalawa lang naman ang narito. Walang magagalit sa kaniya.

"Kapag narito ang mga magulang mo at narinig ako na tinawag ka sa ganoong paraan, magagalit iyon sa akin."

Ngumiti ako. "Ako po ang bahala sa inyo, manang. Sagot ko po kayo."

Napailing siya at sa tingin ko naman ay payag na rin siya.

"Papasok na ako at magluluto pa para sa hapunan mamaya. Kapag mag kailangan ka, puntahan mo lang ako doon."

"Ay, manang, sandali po!" pigil ko nung astang tatalikod na siya.

Hinarap niya ako. "Ano iyon?"

"Ano po ang itsura ng tilapia?"

Her eyes blinked a few times as if it made her confused why I was asking about it all of a sudden.

"Isda..."

Kumurap kurap ako sa naging sagot niya. Oo nga naman, mukha iyong isda. Ano ba kasi ang gusto mong malaman, Amaris?

"Mamaya ay ganoon ang ulam natin. Nakabili ako kanina sa palengke. Sariwa at bagong huli sa palaisdaan."

"Kung ganoon ay nariyan po sa kusina ang tilapia?"

Tumango siya. "Oo, lilinisan ko pa. Ano ba ang mayroon at bigla kang naging interesado sa tilapia?"

Hindi ako nakasagot. Sasabihin ko ba ang nangyari kanina sa dalampasigan? Na napahiya ako dahil masiyado akong bida-bida? Na sana ay hindi na lang ako lumapit at nanatili na lang sa buhanginan.

Sa tuwing maaalala ko ang reaksyon nung lalaki, na Ridgel ang pangalan, kinikilabutan pa rin ako sa hiya. The mockery etched on his handsome face made me realize that I really looked like a fool on that scene.

Baka Sakaling TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon