Kabanata 4

650 37 3
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Kabanata 4

I dived back under the water and thought of what to do next.

Hindi ko alam kung ilulublob ko na lang ang sarili ko sa tubig at magpanggap na wala rito hanggang sa makaalis siya. Ridgel probably hasn't seen me yet. Pero baka ngayong hawak niya na ang bra ko, siguradong iisipin niya na mayroong naliligo sa pool.

Isa pa, I can't breathe long in the water! I won't have a choice but to show up and let him see my presence.

Fuck. Why is he even here?!

Okay. Calm down, Amaris. Wala namang masama sa eksena ngayon. Hawak niya lang naman ang swimsuit mo. It's an accident!

Hindi pa rin sigurado sa gagawin, umahon na ako mula sa ilalim ng tubig at nagpakawala nang malalim na paghinga.

Ridgel's eyes automatically went in my direction. His natural pinkish lips parted upon seeing me. Mabilis kong hinawakan ang dibdib ko kahit pa hindi naman 'yon kita dahil nakalublob pa rin sa tubig.

"Uh, can you please... hand me my b-bra?" the last word hardly came out of my lips.

Mula sa akin ay gumalaw ang mga mata niya sa pangsalok. Tinitigan niya ito ng ilang sandali bago ibinalik ang tingin sa akin. This time, I saw his jaw clenched that made it look more defined.

I was expecting him to get it from the net and threw it over the swimming pool. But it didn't happen.

Pinaabot niya ang pang salok sa gawi ko na para bang kasalanan ang hawakan iyon. Nang makuha ko ito ay itinago ko ang mga kamay sa ilalim ng tubig.

I watch him take the net back and pinned it on the ground as if it's his throne. Water droplets fall down from it. Maging ang paa niya ay bahagya na rin nababasa dahil sa pagtulo nito.

He found my eyes. It was extra dark and sharp. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng isang mangingisda na daig pa ang isang griyego sa sobrang gwapo.

Sigurado akong kapag nagsuot siya ng pormal na damit katulad ng mga taga Maynila, mapapagkamalan siyang isa sa kanila.

"Mag-ingat ka sa susunod. Hindi dahil nasa isla ka ay malaya ka ng maghubad."

Nanglaki ang mga mata ko. Bago pa man ako makahirit ay tumalikod na siya at matikas ang bawat galaw na pumasok sa loob.

"I didn't do it on purpose!" pahabol ko dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. "Lumalangoy ako nang bigla itong makalas. At saka... bakit ko naman huhubarin ang swimsuit ko dito?"

Itinagilid niya ang ulo niya pero hindi para tingnan ako. Sapat lang para ipaalam niya sa akin na nakikinig siya. Sapat lang para masilayan ko kung gaano katangos ang kaniyang ilong. At kahit sa ganoong anggulo, hindi ko mapigilan purihin kung gaano siya kagandang lalaki.

"Hindi ba at ganoon naman kayo sa Maynila? Walang pinipiling lugar pagdating sa paghuhubad."

Napasinghap ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Bago pa man makagawa ng kahit anong reaksyon ay tumalikod na siya at tuluyan nang naglakad papasok sa hotel.

"Walang... pinipiling lugar?" namimilog ang mga matang bulong ko.

Nakatuon pa rin ang mga mata ko sa nilakaran niya kahit pa ilang segundo na siyang wala doon.

Hilaw akong natawa, nagngingitngit ang kalooban. Bakit ang dali para sa kaniyang sabihin 'yon? He sounded like he's really sure that people in Manila, particularly women, can just take their clothes off anywhere they want!

Baka Sakaling TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon