Kabanata 12

852 43 3
                                        

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates.

COMPLETE NA ITO SA VIPs AND PATREON.

Kabanata 12

Hindi ako mapakali. The thought that Ridgel will be with us tonight is already making me feel agitated. Or excited to be exact.

Wala naman akong dapat ikatuwa sa magaganap. Mag-iinuman lang at kwentuhan pero bakit parang gusto ko na hilahin ang gabi para makita na siya?

Ilang oras na lang ang hihintayin mo, Amaris. Kumalma ka.

"Akala mo naman maniniwala kami na walang something sa inyo? Or, kung wala mang namamagitan, siguradong type mo siya!" puno ng duda na sabi ni Tate sa akin.

We were inside my room. Sina Ashton at Zadriel, nasa labas at nag-uusap tungkol sa negosyo. Bigla ay hiniling ko na sana ay hindi na lang nila naabutan si Ridgel dito at kausap ko. Alam ko kung gaano mang-asar ang dalawang ito at siguradong hindi nila ako titigilan.

"Walang namamagitan sa amin. Palagi nga ako sinusungitan no'n. Tipong akala mo galit at may ginawa akong pagkakamali sa kaniya." pagsusumbong ko.

Nahiga si Tate sa kama ko habang nakatitig sa kisame.

"Hindi ba at ganoon naman talaga kapag gusto ka ng isang tao? Susungitan ka kahit pa wala kang ginagawa. Zadriel was like that to me before. Hindi nga lang nagtagal dahil marupok siya."

"At ikaw, hindi marupok?" salungat ni Micah sa kaniya.

Natawa ako nang umikot ang mga mata ni Tate. 

"Hindi! I was very timid and modest when he met me!"

"You were so timid and modest that you two already had your first fuck in the car after that!"

Humagalpak kami ng tawa ni Micah. Even Tate laughed harder while eyes glittering in happiness.

"You know, if life would give me another chance to correct all my wrong doings before, I will still be my husband's fuck buddy. Not that he is a monster in bed, but he really makes me happy in every aspect."

Nagkatinginan kami ni Micah at nginisian ang isa't isa. Sa aming tatlo, si Tate talaga ang pinakamaloko at malakas ang loob gumawa ng mga bagay na hindi namin alam na posible.

Before, we thought that she's not really capable of treating relationships seriously. Inakala pa nga namin na hindi rin sila magkakatuluyan ni Zadriel dahil masiyadong matigas ang ulo ni Tate.

But of course, nothing is impossible for the Monasterios.

Kinuha ko ang puting unan sa tabi ko at binato siya. Tinamaan siya sa mukha na ikinatawa namin ni Micah. Tate snatched the pillow away from her face and threw it back to me. Tatawa tawa na rin siya.

"Huwag kang mainggit! Nariyan naman na si Ridgel at sigurado akong siya na ang forever mo!" aniya.

"Hmm. I don't think Kiel would just easily let go of you, Amaris. Pumayag ba siya sa break up ninyo?"

Sandali akong natigilan, ang ngiti ay mabilis na nabura sa mga labi ko. Yumuko ako at huminga nang malalim bago sila tiningnan. Tate was now sitting in front of us.

"Does he have a choice? We both know that our relationship was fixed by Dad. There's no love between us." sabi ko.

"Basta bago ka makipagrelasyon, siguraduhin mong wala ka ng iniwan sa nakaraan," tipid na ngumiti si Tate. "Huwag mo akong gayahin."

Baka Sakaling TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon