Kabanata 5

658 42 3
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Baka Sakaling Tayo is already complete on VIPs and Patreon.

Kabanata 5

Buong buhay ko, ni minsan ay hindi ko pa naranasan ang barahin ng isang lalaki o itrato na para bang wala akong kuwenta kausap. May katuturan naman ang mga sinabi ko pero kung umasta siya, para bang hindi siya interesado doon.

Sinabi naman niya, Amaris, na hindi siya interesado sa mga pinagsasasabi mo. You are just being defensive about women who don't mind being naked anywhere because you thought... he's only referring to you!

Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang natural na ganda ng isla ng Sicogon. It's my second day here and I feel like I won't be able to enjoy it because of Ridgel.

"Naiinis talaga ako sa kaniya." bulong ko sa sarili habang sinisipa ang maputi at pinong buhangin.

Walang ibang tao kung hindi ako lang. I'm not sure if this island is really secluded or it's just not yet discovered by the tourists yet. May nakakaalam man, iilang pa lang.

"Maayong aga!" bati ng isa sa mga staff na lalaki na nakita ko na rin kahapon.

Tumango ako at tipid lang na ngumiti.

"Good morning."

Yumuko siya bilang pagbati saka ako nilampasan. May dala siyang kalaykay, mukhang papatagin ang pinong buhangin.

Pinagmasdan ko siya. Hindi ba si Ridgel ang gagawa noon? Nasaan na siya? Kahapon ng ganitong oras ay nandito na siya.

"Kuya!" tawag ko, hindi na nag-isip pa.

Napahinto sa pagkakalaykay 'yong staff at nilingon ako.

"Ano po 'yon, ma'am?"

I smiled a little. I can see that he's somehow terrified of me. Kahit pa anong lambing at tamis ng ngiti ko, masiyadong matapang at mukha ko dahilan para mailang sa akin ang mga tao.

Naglakad ako palapit sa kaniya. I was wearing a white long maxi dress. Dapat sana ay two piece lang dahil maliligo rin naman ako sa dagat. Kaya lang ay baka may makasalubong akong bitter at laitin na naman ako tungkol sa paghuhubad.

"Nasaan si Ridgel?" diretsong tanong ko.

He blinked his upturned eyes as if he didn't expect that question from me.

"Huwag mo sanang bigyan ng malisya. May gusto lang akong itanong sa kaniya." ngumiti ulit ako.

Umiling siya, tila napahiya sa sinabi ko.

"Wala ko man ginahatagan malisya, ma'am."

Ngumiwi ako. "Tagalog sana. Hindi ako nakakaintindi ng Ilonggo."

"Pasensiya na po. Ang ibig ko po sabihin ay hindi ko naman po binibigyan malisya. Wala po ngayon si Ridgel. Day off niya po at bukas na ulit ang balik sa trabaho."

Tumango tango ako. Kung ganoon ay tuwing sabado ang rest day niya dito? Nasaan siya kung ganoon?

"Maaari pong nasa bayan siya para sa isa niyang trabaho, ma'am." sabi ng staff na para bang narinig ang tanong ko sa isip.

"May isa pa siyang trabaho bukod dito?"

Tumango siya. "Marami po siyang sideline. Masiyado pong masipag ang isang 'yon. Bukod kasi sa may sakit ang tiyuhin niya ay pinag-aaral niya rin ang pinsan nito sa high school."

Baka Sakaling TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon