Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
Baka Sakaling Tayo is already finished on VIPs and Patreon.
—
Kabanata 7
Aaminin ko na masama ang loob ko sa sinabi ni Ridgel na hindi ako ang dahilan kaya siya nagluto ng biko. Pero naisip ko... bakit naman sasama kung hindi naman ako talaga ang rason?
Ano naman sa akin kung hindi nga ako ang dahilan? Dapat ba ako? I should be thankful to him for still giving me that biko. Pero naalala kong siya naman rin ang dahilan kung bakit hindi ako nakabili doon sa lalaki ng paninda niya.
Masiyado lang talaga akong umasa. Kung bakit parang nakakaramdam ako ng pait lalo pa at binara niya ako, hindi ko maintindihan.
"Masarap ang pagkakaluto. Pero tama si Ridgel, Amaris. Huwag kang bibili ng mga pagkain sa mga taong dumadaan lang dito. Hindi mo masasabi kung ano ang mayroon sa pagkain na 'yon," saad ni Manang Anita. "Nitong nakaraang buwan ay may babaeng nalason dahil bumili ng dirty ice-cream diyan sa bayan."
Kung ganoon ay totoo naman palang may masasamang loob sa simpleng pagbebenta ng pagkain. Dapat pa pala akong magpasalamat sa kaniya na pinigilan niya ako.
"Mabuti at nagsisimula ka na magkaroon ng kaibigan dito, Amaris. Mabait na bata iyang si Ridgel. Tahimik lang talaga at aakalain mong suplado. Pero sa lahat ng tao dito, mabait siya."
Huminga ako nang malalim at wala sa sariling pinagmasdan ang mga pagkain sa harapan.
"May asawa na ba siya, manang?" huli na bago ko pa mapagtanto ang naging tanong.
"Asawa? Wala. Pero sa nobya ay hindi ako sigurado. Ang sabi ay nagkakamabutihan daw iyang si Ridgel at Naomi."
Saka lang ako nag-angat ng tingin sa kaniya.
Naomi? Hindi kaya ito 'yung babaeng nakita ko kahapon na naghihintay at naghahanap rin kay Ridgel? Iyon ang nobya niya? Bakit?
Anong bakit, Amaris? Ano na naman ba ang pakialam mo kung may girlfriend siya? Hindi naman 'yon imposible dahil sa gandang lalaki ni Ridgel!
"Maswerte ang babaeng mapapangasawa niyang si Ridgel. Bukod sa responsable ay napakasipag rin. Siguro nga ay wala pa siyang maipagmamalaki ngayon pero sa determinasyon niya, nasisiguro kong aangat rin ang buhay niya kasama ang pamilya niya." pukaw ni manang sa atensyon ko.
Swerte pala ako kung ganoon.
"Hindi niya po ba sinubukan magtungo sa Maynila para doon magtrabaho? Baka po may mas maayos na opportunity na naghihintay sa kaniya doon."
Sumimsim siya ng tubig mula sa kaniyang baso at maingat itong inilapag sa mesa.
"Hindi tapos ng kolehiyo si Ridgel kaya alanganin rin siyang makipagsapalaran sa Maynila. Isa pa ay hindi niya rin gugustuhin malayo sa tiyuhin niya. May sakit ito. Kung magkakaproblema ay kakailanganin na nasa malapit lang siya."
Malaki pa ang savings ko sa banko at kaya ko pa siyang pag-aralin.
Nababaliw ka na, Amaris.
Wala akong ibang maramdaman para kay Ridgel kung hindi ang paghanga. Bihira ang mga lalaking nagtityaga sa kabila ng hirap ng buhay. I really, really, appreciate people like him. Kaya lang ay sobrang sungit.
"Wala namang edad pagdating sa pag-aaral. Puwede niya pa rin ipagpatuloy iyon kapag kaya niya na." sabi ko saka kinain ang biko na gawa niya.
Lasang lasa ang gata at asukal na pula. Masarap talaga. Titipirin ko ito para may makain ako hanggang sa iisang linggo.

BINABASA MO ANG
Baka Sakaling Tayo
Roman d'amourBaka Sakaling Tayo (Book 1) -- Simula: Disyember 2, 2022 Wakas: Nobyembre 5, 2023