Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
—
Kabanata 3
I was glaring at the fish in front of me. Pritong tilapia ito na siyang iniluto ni Manang Anita para sa tanghalian. May ilang gulay rin na hindi ko alam kung anong klase ng luto. It looks delicious but my attention was too focused on the said fish.
"Ipinahiya mo ako kanina." matalim ang mga matang sabi ko na para bang magagawa nito ang sumagot sa akin.
Hindi ko makalimutan ang pang-aasar sa mukha ni Ridgel habang nakatayo sa harapan ko kanina. Masiyado niyang ipinamukha sa akin na wala akong alam sa mga sinasabi ko. Na nagbibida lang naman ako at ang totoo, wala akong ideya sa mga isdang nasa harapan ko.
If there was a salmon fish in front of me, I would surely recognize it.
Or not. Alam ko lang naman ang itsura no'n kapag luto na. Pero kung hindi, siguradong hindi ko rin siya makikilala.
"Ang tungkol sa sariling negosyo ko dapat ang iniisip ko. Why am I suddenly bothered about these fishes' names." bulong ko sa sarili.
"Magkakilala ba kayo ni Ridgel, Amaris?"
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang tanong na iyon ni Manang Anita. Paparating siya sa gawi ko, bitbit ang isa na namang tray ng ulam.
Umiling ako. "Hindi po. Nakita ko lang po siya kahapon sa dalampasigan kasama ang mga mangingisda. Medyo napahiya po ako dahil sinabi kong paborito ko ang isdang dala nila at tinawag itong tilapia. Wala po palang tilapia doon."
Ibinaba niya ang bowl sa mesa. She lifted her eyes to look at me and sat on the chair beside me. Masaya akong nagiging kumportable na siya sa akin sa ilang araw ko pa lang dito sa isla. I really don't want her treating me like a princess. Kahit na sinong tao na mas mababa sa akin, ayaw kong tratuhin akong gano'n.
"Hayaan mo na. Natural lang na wala kang alam sa mga isda dahil sa buhay na kinalakihan mo. Ngayon ay alam mo na ang itsura ng tilapia?" natatawang sabi ni manang.
Tiningnan ko ang isda. I rolled my eyes at it that made us both laugh.
"Kadalasan ay may huli naman talaga silang ganoon pero hindi mula sa dagat, Amaris. Mayroong palaisdaan sa kabilang bayan at doon nila inaangkat ang mga iyon."
Tumango ako, hindi interesado doon.
"Si...Ridgel po, taga dito po talaga siya sa Sicogon?"
"Oo. Nakita ko na ang paglaki ng batang iyan dito kasama si Nikolas, ang tiyuhin niya. Silang dalawa lang ang magkatuwang sa buhay dahil ulila nang lubos si Ridgel."
Kung ganoon ay wala na pala siyang mga magulang. Kahit kapatid ay wala rin?
"Ilang taon na po siya?"
"Sa pagkakatanda ko ay bente siyete na ang batang iyon. Isang taon na lang at matatapos na sana sa kolehiyo noon kaya lang ay nagkaroon ng problema sa pinansyal. May sakit sa puso si Nikolas at doon lang halos napupunta ang kinikita nila para sa gamot nito."
Kahit na hindi ko naman sila lubos na kakilala ay nakaramdam ako nang matinding awa para sa kanila. I can't imagine how hard it is for Ridgel to be in that situation.
"Masipag ang batang iyon at nasisiguro kong aasenso siya pagdating ng araw. Gwapo, matalino at madiskarte. Matulungin pa sa lahat ng nandito. Hindi na nakakapagtaka na halos lahat ng babaeng narito sa isla ay hinahangaan siya."
BINABASA MO ANG
Baka Sakaling Tayo
RomanceBaka Sakaling Tayo (Book 1) -- Simula: Disyember 2, 2022 Wakas: Nobyembre 5, 2023