Kabanata 8

561 32 5
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Baka Sakaling Tayo is already finished on VIPs and Patreon.

Kabanata 8

Umalis na nga ako sa lamesa nila Ridgel para hindi ko siya makita ng malapitan. Silang dalawa ni Naomi. Pero kahit sa distansiya na mayroon kami, nagagawa ko pa rin siya makita. Nagtatama pa rin ang mga mata namin.

"Maganda dito sa Sicogon, ate. Simple ang buhay kaysa sa Maynila. Doon lahat ay kailangan mo bilhin. Kapag wala kang pera, wala kang kakainin..." pukaw ni Esmeralda sa atensyon ko. "Hindi katulad dito. Sumabit ka lang sa mga mangingisda ay makakapag angkat ka na rin ng uulamin mo sa buong maghapon."

Tipid akong ngumiti. Alam kong para sa kanila ay malalim na ang ganoong klase ng problema kumpara sa mayroon ako. Mas pipiliin ko ang maging mahirap kung sa kabila no'n ay mararamdaman ko naman ang suporta at pagmamahal ng pamilya ko sa akin.

Kaysa ang mayaman nga ako at nakukuha ang lahat ng gusto, tila wala namang pakialam sa akin ang pamilya ko at ginagawa lang rin akong sunod sunuran sa kanila.

Madaling sabihin para sa akin na sana ay nasa sitwasyon na lang ako ng mga taong narito sa islang ito dahil hindi ko naman nararansan pa ang hirap.

Maybe it's safe to say that we all have burdens to carry on our backs and no one is an exemption.

"Hindi natin masabi. Maaaring maisipan ko na dito na lang rin mamalagi." wala sa sariling sabi ko habang ang mga mata ay na kay Ridgel.

He was talking to Naomi. Nakakainis na kailangan kong makaramdam ng pait sa dibdib ko dahil lang sa nakikitang ayos nila.

The last time I checked, wala akong pakialam sa kaniya. Naiirita pa nga ako dahil masungit siya at kung umasta, para bang may nagawa akong pagkakamali sa kaniya.

Baka sadyang naiinis lang ako dahil kapag siya ang kaharap ko, pakiramdam ko ay hindi ako maganda. Lalo pa nang ipamukha niya sa akin na masiyado akong umasa na ako ang dahilan kung bakit siya nagluto ng biko.

"Kung ganoon ay dito na lang rin ako maninirahan."

Napatingin ako kay Charles nang sabihin iyon. May matamis siyang ngiti sa labi habang nakatitig sa akin. Ang mga ganoon klase ng tingin, alam ko na kaagad ang ibig sabihin.

I've met all kinds of men in Manila and this guy, I knew what he's up to. Pasensiya na lang at... hindi siya ang tipo ko.

Napatingin ako sa gawi ni Ridgel. Siya ata. Siya ata ang tipo ko. Ayaw ko man aminin sa sarili ko. At lalong hindi ko aaminin sa kaniya.

Walang makakaalam.

Natawa ako at itinuon ang atensiyon sa mga bote sa aking harapan.

"Uminom na lang tayo. It's the perfect thing to do while having this kind of view." turo ko sa karagatan.

Nagpalakpakan ang nga tao sa mesa namin. It caught everyone's attention, mostly the people from Ridgel's table. Iniwasan ko na ang tumingin sa kaniya. Ayaw kong magtama ulit ang mga mata namin dahil siguradong maiirapan ko na naman siya sa inis.

"Nakakamangha na umiinom ka ng ganitong klase ng alak, Ate Amaris. Kasi, hindi ba at puro mamahalin ang alak sa Maynila? Lalo na sa mga bar na pinupuntahan mo." Si Esmeralda.

Sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin, ramdam kong magaan ang loob niya sa akin at hindi ako itinuturing na iba. Para bang ang isang beses na aksidenteng pagkikita namin noon ay mahalaga na kaagad ako sa kaniya.

Baka Sakaling TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon