Kabanata 9

561 36 6
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Baka Sakaling Tayo is already finished on VIPs and Patreon.

Kabanata 9

Sino naman kaya ang nagugustuhan niya kung hindi si Naomi? Sa pagkakaalam ko, siya lang ang napapabalitang nililigawan niya rito sa isla. Unless, mayroon naman talagang iba pero hindi taga dito.

Maganda ba? Kasing ganda ko? Kung kasing lebel ko lang rin naman... bakit hindi na lang ako?

Pasimple kong kinurot ang balat sa aking hita dahil sa mga naiisip. Hindi ko maintindihan kung saan ko kinukuha ang mga ganitong bagay sa isip ko gayong wala naman akong gusto kay Ridgel.

I just really find him handsome... appealing... mysterious. Hindi ko alam pero ang dali para sa akin ang tanggapin na maaaring may gusto na nga ako sa kaniya.

But for sure, this is just infatuation. Once I leave this island and go back to where I really belong, I will forget him.

"Shot na ulit!" pag-iiba ko sa usapan bago itinaas ang shot glass.

My eyes couldn't help but to look in his direction. Kagaya ng inaasahan ay matiim pa rin itong nakatitig sa akin. Pinilit kong huwag gumawa ng kahit anong reaksyon doon at itinuon na lang ang atensyon sa mga pagkain sa harapan.

"Babalik na muna ako sa mesa namin," sabi ni Ridgel hindi kalaunan. "Salamat sa pag-iimbita sa akin, Esmeralda."

Tiningnan ko siyang muli. He wasn't looking at me anymore as he stood up. Kahit pa nang sagutin na siya ni Esmeralda at magpasalamat pabalik ay hindi niya na ako pinag-aksayahan pa ng atensyon.

Habang papalayo siya at bumabalik sa nauna niyang mesa, wala akong ginawa kung hindi ang pagmasdan siya. At kahit sa paraan ng paglalakad niya, pinon at kontrolado, hindi ko maiwasan ang habulin siya ng tingin.

"Sobrang gwapo talaga ni Kuya Ridgel. Matagal ko na siyang crush pero mailap siya sa mga babae. At saka nakakatakot kausap." dinig kong sabi nung isang babae na kasama namin.

Charles scoffed. "Ordinaryo lang."

Wala sa sarili ko siyang tiningnan. Maangas niyang tinungga ang shot glass. Pasimple akong ngumiwi at inalis ang tingin sa kaniya.

Masiyado talagang halata kapag ang lalaki ay naiinggit sa kapwa niya lalaki. The bitterness was dripping from his voice.

Imbes na tingnan pa si Ridgel sa pwesto niya ay mas pinili ko na lang ang uminom at lunurin ang sarili ko sa alak.

I actually wanted to do it since I arrived here in Sicogon. Sa nangyaring gulo sa amin ng pamilya ko, aaminin ko na minsan ay naiisip ko na hindi na rin kami magkakaayos pa lalo na at para sa kanila, ako ang masamang anak at si Ate Salana ang palaging magaling.

"Ihahatid na kita, Amaris."

Natawa ako nang lingunin si Charles. I can feel my body swaying as I move but I know I can still walk on my way home.

"No. Thank you! I can manage," I said and glanced at Esmeralda and her friends. "Thank you for this time. I enjoyed it."

Esmeralda blinked her eyes. "Ate, sigurado ka ba na kaya mong umuwi mag-isa? Sasamahan ka na namin-"

"I'm fine. Huwag kayong mag-alala. Kaya ko pa naman maglakad."

Masiyado ko nang ramdam ang tama ng alak sa akin. Nanlalaki na ang ulo ko at mainit na rin ang balat. Everytime I speak, the strong smell of alcohol was lingering in my nose.

Baka Sakaling TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon