Kabanata 11
Natawa ako sa kabila ng pagwawala ng puso ko. I had to smile so wide like a lunatic just to show him that whatever he's saying isn't true!
"Sandali. Ano ba ang s-sinabi ko sa'yo?" natawa ako. "Wala talaga akong matandaan!"
Hindi nagbago ang ekspresyon ng gwapo niyang mukha. Mariin lang siyang nakatitig sa akin, ang mga mata ay mas lalong nagdilim dahil na rin sa makapal niyang kilay at mahahabang pilikmata.
Even the smirk that he was trying to conceal, I noticed it. Alam ko na kahit itanggi ko pa ang tungkol doon ay hindi siya maniniwala. I was already caught off guard. Sa sariling dila ko mismo niya ako nahuli.
Pero ipipilit ko pa rin dahil ayaw kong mabisto niya ako sa ganitong paraan.
"Sinabi kong... gusto kita?" tanong ko.
"Sinabi mo ba, Amaris?"
Natigilan ako. The way he mentioned my name sounds like he has been mentioning it for all his life. Para bang kapag siya ang tumatawag, ang sarap ulit ulitin mula sa kaniya.
"Hindi, ah! Wala akong sinabi!"
The edge of his lips slowly curled up. "Talaga?"
Nag-iwas ako ng tingin at huminga nang malalim.
"Ano pala ang sinabi mo sa akin kagabi kung ganoon?"
Wala ka ng kawala, Amaris. Umamin ka na lang at magpalusot kung bakit mo nasabi ang bagay na 'yon sa kaniya.
Huminga ako nang malalim at matapang siyang tiningnan. Hindi pa rin nagbabago ang posisyon niya. Nakatuon pa rin ang mga kamay sa mesa at mataman akong pinagmamasdan.
"Huwag mo na lang pansinin 'yon. Baka naitanong ko lang dahil na rin nakainom ako at..."
Literal na wala akong ideya sa dapat na isunod doon. Ano ba ang magiging dahilan ko kung bakit ko naisipan itanong 'yon sa kaniya?
"At?" he trailed.
Lumunok ako, pinilit pagmukhaing matapang ang ekpresyon ng mukha.
"At naiinis ako dahil palagi mo akong sinusungitan na para bang iritable ka sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo. Masiyadong mainit ang dugo mo sa akin," hindi na naawat ang sariling sabi ko. "May problema ka ba sa akin, Ridgel?"
Hindi siya sumagot. He drilled his pair of stormy black eyes on mine as if he was trying to assess something only him knows.
"Bakit palagi kang naiinis sa akin-"
"Hindi ako naiinis sa'yo," putol niya. "Walang dahilan para maramdaman ko ang bagay na 'yon sa'yo."
"Kung hindi ka naiinis sa akin, bakit palagi mo akong sinusungitan?"
"Paano ba dapat, Amaris? Kailangan ba palagi akong nakangiti sa'yo para lang isipin mong hindi naman ako naiinis sa'yo?"
"I guess so?" hilaw akong natawa. "Nasa iisang lugar tayo at madalas na nagkikita. Hindi ba at dapat ay palagi natin babatiin ang isa't isa?"
Kaagad rin akong natigilan matapos sabihin ang mga salitang 'yon. Tila ba ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa kaniya. Para bang nagmamakaawa akong pansinin niya at bigyan kahit na kaunting atensyon.
"Kung sa bawat pagkikita natin ay ngingiti ako sa'yo, aalisin mo na ba sa isip mong iritado ako sa'yo?"
My eyes blinked at his question. Kung palagi niya na akong ngingitian at papansinin, nararamdaman ko na magagawa no'n buuin ang araw ko.
Sa hindi maamin na dahilan... iyon ang totoo.
"Titigilan mo na ba ang kakaisip sa mga bagay na 'yan?"

BINABASA MO ANG
Baka Sakaling Tayo
RomanceBaka Sakaling Tayo (Book 1) -- Simula: Disyember 2, 2022 Wakas: Nobyembre 5, 2023