Kabanata 10

612 36 5
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. Hate waiting? Subscribe on my VIP or Patreon.

Baka Sakaling Tayo is already finished on VIPs and Patreon.


Kabanata 10

Kanina pa ako tulala sa kisame. Ang sabi nila, kapag nalasing ay hindi natatandaan ang kung ano mang ginawa sa nagdaang araw. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ganoon ang kaso pagdating sa akin sa mga sandaling ito.

I can damn remember what I did and said last night! Mga sinabi ko kay Ridgel na hindi ko alam kung paano ko nasabi at saan ko pinagkukukuha!

"Sana hindi ko na lang naalala!" ingit ko at pumihit padapa sa kama. Umirit ako dahilan para makulob ang boses ko sa mismong unan. "Gaga ka talaga, Amaris!"

Nang hindi na makahinga ay muli akong bumalik mula sa pagkakatitig sa kisame at huminga nang malalim.

"Hindi na lang ako lalabas ng rest house. Kaya ko naman iyon," pangungumbinsi ko sa sarili. "Ayaw ko siyang makita. Hindi kami puwedeng magkita."

Sa kwarto ako nagtigil sa buong umaga. Lumabas lang ako para kumain ng almusal at tanghalian. Kahit pa gusto kong tumambay sa dalampasigan ay hindi ko magawa. Baka mamaya ay magkita kami bigla ni Ridgel at ipapaalala sa akin ang katangahang ginawa ko kagabi.

"Nalasing ka ata masiyado kagabi, Amaris?" si Manang Anita habang inaayos ang mga tupiin na damit sa sala.

I was just sitting on the couch while watching the tv. My feet were resting on the center table. Ramdam na ramdam ko ang pagkabagot at sa totoo lang, kanina pa ako tinatawag ng dagat. Sa ilang linggo na pananatili ko dito, hindi ko na ata namamalayan na nagiging sirena na ako.

"Medyo lang po, manang."

"Masaya talaga rito kapag fiesta. Hindi mo rin kailangan mag-alala na may masamang mangyayari sa'yo kung sakaling mapainom ka kagaya kagabi."

Tipid akong ngumiti. "Oo nga po. Lahat ng tao dito ay mabait at masaya makisama."

"Gusto mo bang dito na lang tumira?"

Natigilan ako sa tanong na 'yon ni manang. Nilingon ko siya. Abala pa rin siya sa pagtutupi ng mga damit bago ako binalikan ng tingin. Tipid siyang ngumiti.

Kung pagbabasehan ang desisyon ko sa umpisa pa lang, alam kong hindi ko gugustuhin manatili dito. My social life is there. My friends are there. Naroon ang buhay ko sa Maynila. Kahit pa alam kong hindi gusto ng pamilya ko na naroon ako, doon ko pa rin gugustuhin manatili.

But at this moment of my life, I'm just looking forward to waking up every morning and to witness the sun rising behind the horizon of the sea. To hear the waves crashing against the seashore, and the children laughing during twilight as they chase each other in the seaside.

To see Ridgel everyday.

Huminga ako nang malalim. I can still remember how I told him last night that he must be hating me because he likes me. That it's the more you hate, the more you love.

Mukhang... sa akin tutugma ang kasabihan na 'yon.

"Okay naman, manang. Nasasanay na rin po ako dito." sabi ko.

Nag-iwas ako ng tingin at itinuon itong muli sa tv. Literal na wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari doon dahil tanging si Ridgel na lang ang nasa isip ko.

I don't know why I feel so bothered that I might be really liking him. Wala naman akong boyfriend. The last time I remember, I already broke up with Kiel.

Baka Sakaling TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon