Kabanata 6

568 34 6
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Baka Sakaling Tayo is already finished on VIPs and Patreon.

Kabanata 6

Maaga akong nagising kinabukasan. Alas kwatro pa lang ay nagkakape na ako habang nakatambay sa balkonahe ng kwarto ko.

Since I moved into this rest house, my body clock has already changed. Kung dati ay tanghali na ako kung magising, ngayon ay nasanay na rin ako nang maaga.

The view of the sun rising from the horizon fed my eyes with its bright rays scattered all over the sea. Kung sa Manila, ang ganitong oras ay siguradong madilim pa. Pero dito sa isla, masiyadong mabilis magpalit ang araw at buwan.

I sipped my white coffee from my white mug. Nakatayo ako sa harap ng railings habang tumatanaw sa malayo. I felt agitated and I know the reason why. It just that... my mind couldn't accept that.

Oo at gusto ko ng biko magmula pa kahapon. Pero ang katotohanan na si Ridgel ang magluluto at magbibigay no'n para sa akin, hindi ko maiwasan makaramdam ng tuwa.

"This is already frustrating." I murmured. "Bakit ako masasabik nang dahil lang sa biko?"

Hindi nagtagal at natanaw ko ang papalapit na bangka. Hindi ko maaninag kung sino ang mga naroon pero sa tingin ko ay nasa limang kalalakihan sila.

Mabilis akong tumalikod at umalis ng balkonahe. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at naabutan si Manang Anita na kakagising lang at ipinupuyod pa ang mahaba at puting buhok.

"Good morning po, manang." sabi ko at ngumiti.

Pumihit siya paharap sa akin. She blinked her eyes as if she couldn't believe that I was already up at this early hour.

"Maaga kang nagising, hija?" tanong niya. "Hindi ka ba nakatulog nang maayos?"

"Nakatulog naman po, manang. Sadyang maaga na po ako nagigising simula ng magtigil ako dito sa isla," paliwanag ko. "Gusto rin po makita ang pagtaas ng araw."

Kukuhanin ko rin po ang biko na iniluto ni Ridgel para sa akin.

She smiled at me. The kind of smile I also want to see from my mother everytime the two of us see each other. Minsan na nga lang kami magkita, palagi pa siyang nakaangil sa akin. Pero pagdating kay Ate Salanna, masiyado siyang malambing.

"Siya sige. Magluluto na ako ng almusal kung ganoon. Para pagbalik mo ay kakain na tayo."

Tumango ako bilang sagot. May ngiti sa mga labi akong lumabas ng rest house. Saktong malapit na rin ang bangka sa dalampasigan.

Ilang tao ang nakaabang sa kanila at may mga hawak na timba. Sa tingin ko ay taga palengke sila at maghahakot ng maibebentang mga isda.

As the motor boat was nearing to the shore, I had a clear glimpse of the fishermen riding in it. Wala roon si Ridgel. Tatlong lalaking matanda at dalawang kabataan ang naroon. I had to come closer to check it but he was not really there.

Akala ko ba hihintayin ko siya dito para sa biko? Bakit wala siya?

"Ay abaw! Mga dalagko ang mga isda nga na tuloy sa lambat n'yo ba." (Ay aba! Ang lalaki ng isdang nahuli ng lambat ninyo.)

"Sigurado ubus gid na inyo baligya subong. Kay bwas ang fiesta madamo ang mamakal sang ila lutuon." (Siguradong ubos lahat ang paninda ngayon. Sakto dahil fiesta bukas. Maraming mag-iimbak ng lulutuin.)

Baka Sakaling TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon