Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
—
Kabanata 13
Gusto niya ako? At matagal na? Paanong nangyari 'yon kung mag-iisang buwan pa lang naman ako dito sa Sicogon?
"Itulog mo na 'yan. Lasing ka lang. O, baka pinagtitripan mo lang ako kasi ganiyan rin ang ginawa ko sa'yo noong nalasing ako."
He raised his brow. Dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan, mas lalo kong naaaninag ang dilim ng mga mata niya. It's somehow amazing that despite seeing the darkness of his eyes, I can also see them shine... for me.
"Wala akong matandaan na sinabi mo sa akin na gusto mo ako para ikumpara mo ang nangyayari ngayon." sagot niya.
Sandali akong natigilan. Tama siya. Hindi ko naman sinabi noon sa kaniya na gusto ko siya. I was teasing him if he liked me and not the other way around.
Wala naman sigurong masama kung maniniwala ako sa mga sinasabi niya, hindi ba? Isa pa, wala naman sa itsura niya ang nangtitrip. Masiyado siyang seryso para sa ganoong ugali.
"Matagal mo na akong gusto? Imposible dahil wala pa akong isang buwan dito, Ridgel." sabi ko habang nasa karagatan ang tingin.
"Masiyadong maiksi kung iyon ang pagbabasehan mo," sagot niya. "Mga bata pa lang tayo, Amaris. Buo pa rin sa ala-ala ko kung kailan ako nagsimulang magkagusto sa'yo."
Mabilis kong ipinihit ang ulo paharap sa kaniya.
"A-Ano?"
Sinubukan ko hanapin sa ekspresyon ng mukha niya na niloloko niya lang ako. O, kung gumagawa lang siya ng kwento. But all I saw was the sincerity of his truth.
"Paanong..." umiling ako. "Hindi ko maintindihan. Bata pa lang tayo? Wala akong maalala na nagkrus I yyna ang landas natin noon."
Pero hindi naman lahat ng detalye ay magagawa pang alalahanin noon, hindi ba? Bilang lang rin sa daliri kung ilang beses akong nagbakasyon dito ngunit hindi rin naman nagtatagal.
Ni hindi ko rin maalalTy yg nakipaglaro ako sa mga bata dito na kasing edaran ko. All I could remember was watching them from afar because I couldn't get close to them. Dahil ayaw ni daddy.
Ridgel licked his lower lip. Sa tindig niya, para bang wala pa siya ni kaunting tama ng alak. Maayos ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Maging sa timbre ng boses kapag nagsasalita, puno ng rahan.
"Hindi kailanman nagkrus, Amaris. Nasa malayo lang ako palagi sa tuwing nagbabakasyon ka dito. Sa malayo lang kita pinagmamasdan," malalim ang boses na aniya. "Sa malayo lang rin kita hinahangaan."
Wala akong naisagot. Ni hindi makapaniwala sa mga naririnig mula sa kaniya. Ramdam ko ang pagwawala ng puso ko at hindi ko matandaan na tumibok ito ng ganito para sa iba noon.
I've been into relationships with different men before but I have never felt this way towards them. I almost believed that sparks aren't real. Or love isn't real.
Sa ilang lalaking nagdaan sa buhay ko, bakit ni isa sa kanila ay hindi nagawang iparamdam sa akin ang pagkasabik? Ang paru-paro sa tiyan ko. Walang hatid na kiliti.
Bakit si Ridgel na bilang sa daliri ang mga sandaling nagkakausap kami ay naghahatid sa akin nang matinding saya? Na kahit madalas niya akong sungitan, siya pa rin ang hinahanap hanap ko at kinasasabikan makita sa buong maghapon.
Natawa ako, naiiling at hindi pa rin mawari ang dapat sabihin. Suminghap ako at pinilit punuin ng sariwang hangin ang dibdib.
"Hindi kita magawang malapitan noon dahil nag-aalala akong ayaw mo sa kagaya ko. Kumpara sa'yo, masiyado akong mababa. Malinis ka at sa ayos pa lang, halata nang mabango. Samantalang ako, marumi at naliligo sa pawis..." natawa siya sa malalim na boses. "Kaya nakuntento na ako sa malayo. Sa ganoong paraan, hindi ko kailangan mag-alala na baka matakot ka sa akin."
BINABASA MO ANG
Baka Sakaling Tayo
RomantizmBaka Sakaling Tayo (Book 1) -- Simula: Disyember 2, 2022 Wakas: Nobyembre 5, 2023