Part 12

23.6K 859 132
                                    


"BAKIT mo ininom iyan? Hindi iyan para sa iyo!" galit na sigaw ni Amari kay Pierre na napanganga sa kanyang reaksiyon. As in inagaw pa niya mula rito ang basong ice na lang ang laman. "Ubos na. Oh, my God. Inubos mo talaga?"

Pati ice ay hindi pala pinatawad ni Pierre, may nginunguya ito sa bibig. Jusko, sinimot na talaga!

"Hey, it's okay. Igawa mo na lang ako ng bago," pang-aalo naman sa kanya ni Isaac na parang nahiya sa mga tao sa paligid dahil sa reaksiyon niya. Ito rin ang nag-alis ng kanyang mga kamay sa kwelyo ng kaibigan.

"Can I have a glass of ice-cold water, please?" pakiusap naman ni Pierre sa papalapit na si Jensen. "Sorry, pare. Galit yata sa sili ang nagluto ng spicy wings n'yo, sobrang anghang ng sauce," saka sabi nito kay Isaac.

Amari stood there in pure disbelief. Ang alak na hinaluan niya ng gayuma, dalawang lalaki ang uminom! Paano na ito? Ano'ng gagawin niya ngayon?

"Amari?" tawag ni Isaac sa kanya. "Are you okay?"

Nagdilim na ang kanyang paningin, sinunggaban niya ang kuwelyo ng salarin.

"Iluwa mo iyan! Isuka mo, I don't care, basta ilabas mo siya!"

Kung puwede niya lang pangangain ito at sundutin ang ngala-ngala ay gagawin niya.

"What the hell, Amari?" gulilat na ani Pierre.

Gusto rin niya itong ingudngod sa bar counter. Kung may feeling ng homicidal siguro ay iyon ang nararamdaman niya ngayon. Walang-wala sa feels niya noong napagkamalan niyang snatcher si Pierre.

"I'm sorry," gulat, nagtataka at nalilitong sabi naman ni Pierre sa kanya. "Bayaran ko na lang—"

"Oo, bayaran mo. Five thousand pesos!" angil ni Amari dito.

Laglag-panga si Jose Pedro Cabron. "Ha? Anong klaseng inumin iyon, may halong gold dust? May halong pampaguwapo? Pero guwapo na ako, delikado na pag sumobra."

"Gago ka talaga kahit kelan!" asik dito ni Amari. "Impakto!"

"Seriously, Amari. What is the problem?" lito pa ring sabi ni Pierre.

"Guys, guys..." awat ni Isaac. "It's okay. It's just a stupid drink. I mean, of course it's not stupid, Amari. All the drinks you make taste fantastic."

Kailangan niyang kumalma. Kailangan niyang makausap ang seller ng gayuma ngayon din.

Dali-daling nag-excuse si Amari kay Isaac saka pumunta sa opisina. Agad siyang nag-send ng message sa Grandma's Cauldron.

Amari: Please don't ask me how. Pero dalawang lalaki ang uminom sa alak na hinaluan ko ng gayuma. As in tig-kalahati sila ng nainom. What to do now?

Amari walked back and forth in the room, mahigpit ang hawak sa kanyang cellphone. Ilang saglit naman ay sumagot ang seller. Thank goodness!

Seller: Pag kalahati ang nainom, kalahati lang ang magiging bisa ng gayuma. At pag dalawang lalaki ang nakainom, dalawa silang mapapalapit sa iyo. Iyon ay kung may interes talaga sila sa iyo.

Well, wala namang interes talaga sa kanya si Pierre kaya safe naman siya siguro mula sa impaktong iyon.

Amari: So paano iyong kalahating effect pala?

Seller: Mababawasan ng kalahati ang intensidad ng pagkaakit nila sa iyo.

Mas lalo siyang nainis kay Pierre. Sira na ang plano niya!

Amari: Pero wait, noong ginawa ko ang orasyon, iisang lalaki lang ang iniisip ko. Baka hindi tumalab doon sa isa.

Seller: Sigurado kang iisang lalaki lang?

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon