HSD - Chapter 03

31 2 0
                                    

Amanda Gabrielle's POV

Pagdating ko sa bahay, nakabihis na silang lahat. Aria suddenly ran towards me. She's a three year old child or turning three, I'm not really sure.

She's my half-sister. Aria Mari.

"Aria Mari, come here!" Ate Aya called her pero umiling lang ito sa kaniya. "Buhat po.." Sabi niya sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay bago ko siya nilagpasan. Wala akong oras para sa mga ganoon bagay.

"She's a child, Amanda! Don't reject her too much! Baka maapektuhan ang pagka-bata niya!" Tita Melissa told me. I sarcastically laughed at her. "Naapektuhan niyo rin namang lahat ’yong pagka-bata ko, ah?" Sabi ko. I'm not comparing my life to Aria’s life dahil wala namang kasalanan ’yong bata. Pero wala rin naman akong kasalanan noon, eh. I was just also a child!

"You deserve what happened to you during your childhood days." She smirked, uminit naman kaagad ang ulo ko dahil doon. "Alam mo, may mas deserve ka rin." Ngumiti pa ako sa kaniya.

"Deserve mo lumayas dito, wala kang kwenta." Sabi ko bago ako tuluyang umakyat sa kwarto ko. "Don't attend the reunion, you are so disrespectful!" She shouted bago ko pa tuluyang mai-sarado 'yong pinto ng kwarto ko. "Ang kapal ng mukha mong pagbawalan akong um-attend sa reunion ng pamilya namin, ah? Ikaw naman ang sabit lang!"

Nag-lock na ako ng pinto after that. I decided to call Sofia para masabi sa kaniya 'yong nangyari.

[ Hala, girl? Ang kapal ng mukha! Attend ka pa rin, lalaki ang ulo niyan kapag hindi ka nga um-attend, baka isipin ay masyado siyang powerful. ]

"True lang. Sobrang tanga niya mag-isip." Sagot ko rin.

After namin mag-usap ay nagbihis na ako ulit, kailangan daw ay naka-red and white dahil christmas. Pero dahil hindi ako sumusunod, I decided to wear a black fitted dress. It was five inch above my knee length. Backless din, naka-cross lang na tali ang nasa may likod ko.

Dark na makeup din ang ginawa ko sa mukha ko. Natatawa na agad ako sa magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako.

Bago ako umalis ay nag-send muna ako ng picture kay Sofia, nandoon na silang lahat, ako na lang daw ang wala.

Sofia Jade: GAGO, GANDUHH !!
Sofia Jade: punta ka na here, sinisiraan ka na ng magaling mong ama hHAJSJDJAA EWW

Amanda Gabrielle: as if i would care ༎ຶ‿༎ຶ

Giving a fuck about my family again is the last thing I would do. Tapos na ako roon dati, wala na akong plano na ulitin pa ulit 'yon. Hindi na ako ganoon ka-tanga para hayaan sila na sirain ako ulit. Hindi na.

"Akala ko ay hindi ka pupunta?" Sabi ni Tita Delia sa akin nang makarating na ako. Lahat sila ay naka-red nga. Ang sakit sa mata. "Akala mo lang 'yon." Sagot ko.

Si Tita Delia 'yong laging kakampi ni Ate Aya sa lahat ng bagay. Palagi silang magkasundo dahil parehas naman sila ng mindset. "Mukhang dumaan ka lang dito, ah? Naka-black ka pa talaga. Mag-club ka na naman?" Sabi ni Ate Aya habang nakatitig sa akin.

"Nope! Sadyang ganito lang ang isinuot ko. Ayaw ko mag-red, ang sakit niyo sa mata, eh... I mean, 'yong red pala." Nakita ko kung paano nagpigil ng tawa si Sofia nang sabihin ko 'yon.

Bumalik na sila sa pinag uusapan nila nang lagpasan ko sila, umupo ako roon sa may isang sulok dahil ayaw ko naman makipag-interact sa kanila. Kung hindi lang malaki magbigay ng pera ang Lola ko, hindi naman talaga ako pupunta rito, eh. Kaso wala, galante, eh. Sayang din.

"Sulok na sulok ka naman diyan, girl!" Lumapit sa akin si Sofia at umupo rin dito sa may tabi ko. "Ayaw ko marinig ang mga usapan nila, masakit sa ulo." Bahagya akong tumawa, nag-agree naman si Sofia.

Her Solitude in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon