HSD - Chapter 13

24 2 0
                                    


Amanda Gabrielle's POV

“I really don’t know how I ended up eating my lunch with the both of you.”

“Ngayon na nga lang ako pumunta rito, may nagreklamo pa rin!” Sabi ni Sofia. “Palagi naman ’yang ganiyan, parang hindi mo kilala ang pinsan mo.” Tumawa si Karylle.

“I was peacefully eating alone kanina kasi.” Umirap ako. “So conyo talaga this girl!” Nagtawanan silang dalawa.

“Malapit na pala ang birthday mo, ’no? Ang bilis ng panahon!” Sabi sa akin ni Karylle. “Mabilis talaga, Second Year College na kaagad tayo, eh.” Sagot naman ni Sofia sa kaniya. “Hindi na natin namamalayan.”

“True! Dalawang taon na lang, graduate na rin kaagad tayo!” Hinayaan ko na lang silang dalawa na mag-usap, gusto ko na matapos sa kinakain ko para makaalis na ako rito. “Five years ’yong sa architectures, ’di ba?” Tumango lang ako.

“Ano ang plano mo kapag nag-graduate ka na?” Tanong ni Sofia sa akin. “Wala. Hindi ko nga sure kung makaka-graduate ako, eh.” Walang pakialam na sagot ko.

“Wow, ha! Nasa Dean’s List ka nga last year, eh.” Sabi naman ni Karylle. “Saan mo naman nalaman ’yon?” Tanong ko. Wala naman akong pinagsabihan. “Nahihinaan ka ba sa akin? Marami akong connections sa mga blockmates mo, ’no!” She flipped her hair.

“Oh, bakit sa akin ka pa rin dikit nang dikit? Marami ka naman na palang kilala.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Here we go again! Another day, another episode of Amanda Pushing Me Away!” Tumawa siya na parang nasanay na lang siya na ginagawa ko ’yon.

“Ang tibay mo, Karylle!” Pumalakpak si Sofia. “Ako pa ba? Ang totoo kasi niyan... crush ko talaga si Amanda kaya hindi ko siya tinatantanan.” Nagtawanan ulit sila.

“Ay, may dala nga pala akong bakedmac! Palagi namin ’tong kinakain ni Amanda tuwing nay reunion kami!” Sabi ni Sofia at inilabas ’yong isang tupperware. “Masarap ’to, promise!” Dagdag pa niya.

At nang binuksan na niya ’yon, agad akong napatakip sa ilong ko. “Ang baho naman niyan, Sof! Panis na ba ’yan?!” Reklamo ko. Inamoy naman nila ’yon ni Karylle.

“Ha? Hindi naman mabaho, ah? Ang bango nga, eh!” Sabi ni Karylle. “Kaya nga. Bagong luto kaya ’to roon sa favorite kong shop!” Sabi rin ni Sofia. Kunot-noo ko silang pinanood na tinikman ’yong bakedmac.

“Masarap din naman, hindi pa naman lasang panis.” Sabi ulit ni Karylle nang matikman na niya. “Baka tini-trip lang tayo niyan ni Amanda, okay naman, eh.”

“Ano ang okay diyan? Ang baho talaga, promise!”

“Tikman mo kaya?” Inalok ako ni Karylle. Dahil gusto ko patunayan na tama talaga ang sinasabi ko, tinikman ko nga. Hindi ko pa nangunguya nang ayos ay idinura ko na agad sa pinggan ko. “Pucha! Kayo yata ’yong nangti-trip, eh! Panis na talaga ’yan, itapon niyo na nga!”

Tumayo na ako at iniwan silang dalawa roon sa cafeteria. Pupunta na sana ako sa classroom pero parang bigla akong nasusuka kaya sa restroom na muna ako pumunta.

“Lintik na bakedmac talaga ’yon.”

Habang naghihilamos ako, bigla akong napaisip. “What the fuck..” Bulong ko. “It can’t be!” Sabi ko ulit at napasabunot sa sarili kong buhok. I fucked more than five boys noong mga nakaraang buwan, hindi ko alam kung sino ang may gawa nito!

I decided not to attend my afternoon class. I went to a pharmacy to buy three pregnancy test.

“Ikaw ang gagamit?” Tanong sa akin no’ng isang babae nakasabay ko sa pila. “Ang bata mo pa, ah?” Dagdag niya. “As far as I know, wala ka naman dapat pakialam, ’di ba?” Sagot ko sa kaniya bago ako nagbayad.

Her Solitude in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon