HSD - Chapter 06

21 2 0
                                    


TRIGGER WARNING: Harrassment

Amanda Gabrielle’s POV

Pagdating ko sa classroom namin ay nagkakagulo sila. Ang aga pa, ah? “Gusto ko nga sumali sa quiz bee, kaso sobrang talino no’ng mga kasali!” Rinig kong usapan no’ng mga nasa may likod ko. Hindi ko na lang sila pinansin.

“Hi, Amanda!” Bati ni Zyrille sa akin. President siya sa Student Council. Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Sali ka! Quiz bee, pageant, or drawing contest!” She smiled pa.

“Why would I?” Hindi interesadong tanong ko. “You should join the quiz bee because you’re smart! You should join the pageant because you have beauty and brain! And you should join the drawing contest because you’re so great at drawing!” Sadyang ipinaliwanag pa niya, ha!

“I’m not interested.”

“Please? Kahit isa lang doon sa mga nabanggit ko!” She pouted. “Nothing will change if I will join.” Umirap ako.

“They will be more competetive if you will join. You are a threat to everyone, you know...” Kumunot ang noo ko. “I don’t like to compete with anyone.” Sagot ko. “I don’t mean it like that... I was saying na they are thinking that it was too easy, wala raw thrill, hindi na raw nila kailangan mag-effort, and such.” Ano raw?

“Wait, parang magulo ’yong explanation ko. Nag-panic kasi ako, natakot ako sa ’yo.” Bahagya pa siyang tumawa. “So, ayon na nga. ’Yong mga contestants kasi ay iniisip na masyado nga raw madali lahat, wala raw thrill, at hindi na rin daw nila kailangan mag-effort.” She started to explain again. Nakinig na lang ako.

“And you... kilala ka na magaling sa lahat, eh.” Ako? Magaling? Kung landi at inom ’yan, papayag ako. “Mali ang pagkilala nila sa akin.” Zyrille sighed na para bang pagod na siya mag-explain.

“Please, Amanda? Malapit na rin naman tayo mag-graduate, eh. Bigyan mo lang sila kahit konting thrill lang! Sali ka kahit isa lang doon sa mga nabanggit ko.” She begged. “Okay. I’ll think about it.” Sagot ko para lang tantanan na niya ako.

“Balikan kita mamayang hapon, ha? Isipin mo muna ngayon. Need na kasi tomorrow morning, eh.” Tumango na lang ako kaya umalis na siya. Sana makalimutan na lang niya mamaya, sigurado naman na marami pa siyang ibang kakausapin, eh.

Gusto ko mag-club mamayang gabi, ilang araw na akong hindi umiinom, sobrang busy sa research, grabe! Masama talaga ’tong pag-aaral na ’to, napapabayaan ko na ang pag-inom ko, eh! Charot! Baka ibagsak ako.

“Amanda, may house party si Yesha mamaya, gusto mo ba um-attend?” Lumapit sa akin si Railie. Nakakasama ko siya sa club minsan, and Yesha is her friend na taga ibang school ata. I’m not really sure. “May gwapo?” Natawa naman siya nang ayon agad ang una kong itinanong.

“Oo, marami.” She smirked. Nice one! “Sure! Send me the details na lang.” Pumalakpak naman siya. “Yay! Yesha will be so happy! She adore you so much, alam mo ba ’yon? Tuwing sumasama siya sa akin mag-club, ikaw palagi ang hinahanap niya!” She said.

“Pero sana ay hindi ka maging uncomfortable sa kaniya, natutuwa lang daw talaga siya sa ’yo because you are so brave daw. Friend niya rin kasi yata ’yong pinsan mo? Si Sofia ata ’yon?” Dagdag pa niya.

“Oh... that’s cool.” Tanging sagot ko. “You can invite your friends, too! Welcome naman daw lahat sabi ni Yesha.” Sabi ulit niya, ang dami niyang energy. “I don’t have friends.” Sagot ko.

Nakakasama ko lang sila sa mga club and parties, they are not my friends, I can’t call them ‘friends’, and I don’t want friends. Ayos na ako roon sa may nakakasama ako minsan sa club o sa pagkilos sa lansangan. Hindi ko na kailangan nang higit pa roon.

Her Solitude in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon