HSD - Chapter 28

22 2 0
                                    

TRIGGER WARNING: Self-Harm and Mental Disorder/Mental Illness.

Amanda Gabrielle’s POV

“What the fuck?!” My eyes widened when I woke up beside Xavier here in my condo unit. Ang sakit ng ulo ko! Wala akong matandaan kung ano ang nangyari! “Wake up!” Halos tumalon na si Xavier nang sumigaw ako.

“Why are you here? What happened? Wala akong maalala!” Sabi ko sa kaniya. “Nag-sex ba tayo? But I'm still on my clothes! What happened? What the fuck?” I panicked. “Nakita kita sa labas ng Fancy kagabi.” He did? Bakit wala akong maalala? Ang natatandaan ko na lang ay noong umalis si Sofia kasi tawag nang tawag 'yong mommy niya.

“Hindi ko maalala! Paano mo ako nadala rito? Paano mo nalaman kung alin ’yong condo unit ko?” Tanong ko ulit. “Sinabi mo. Binigay mo rin sa akin ’yong mga susi mo.” He explained calmly. “Did we talk? May ginawa ba ako? Did I tried to kiss you? Did I asked you to have sex with me?” Natatawa naman siyang umiling. “Wala. Wala tayong pinag usapan, wala ka ring ginawa.” Nakahinga naman ako nang maluwag.

“Pero bakit mo ako nilapitan ulit? ’Di ba sinabi ko na sa ’yo na lumayo ka na sa akin?” Umupo naman siya at tinignan ako. “Gutom na ako. Tara na lang mag-breakfast. Mangingialam na ako sa kusina mo, ha.” Tumayo na siya at iniwan ako rito sa kwarto ko. That asshole!

“Wait!” Lumabas na rin ako sa kwarto ko. “Tinawagan ba kita? Nag-text ako sa ’yo? Kaya ka pumunta?” Tanong ko sa kaniya habang naghahanap siya ng pagkain sa kusina ko. “Huwag mo na isipin ’yon. Hindi na ako lalayo sa ’yo kahit ano pa ang sabihin mo.” He smiled. “May sinabi ako sa 'yo kagabi, ’no? Ano ’yon? Marami?” Tumawa naman siya.

“Kasasabi ko lang na huwag mo na isipin, eh.” Malabo na wala talaga akong sinabi, hindi ko lang talaga matandaan kung ano ’yon! “Hindi na talaga ako iinom ng beer.” Bulong ko bago ako umupo roon sa sofa. Hinayaan ko na lang siya roon sa kusina, gawin niya kung ano ang gusto niyang gawin doon.

Pilit kong iniisip kung ano ang mga ginawa at sinabi ko kagabi. “Bacon at hotdog lang ’yong niluto ko, tara na.” Lumapit sa akin si Xavier kaya napakurap naman ako. “Ang bilis?” Sabi ko. “Anong mabilis? Kanina ka pang tulala riyan.” He chuckled.

While we are eating, hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong na ulit nang magtanong sa kaniya. “Bakit dito ka natulog?” Uminom muna siya ng tubig bago ako sinagot. “Kasi sabi mo..” He whispered to himself pero narinig ko rin ’yon. “Sinabi ko? Bakit? Ano ang pagkakasabi ko sa ’yo? Paano ko sinabi?” Sunod-sunod na tanong ko.

I didn’t know that! Hindi ko matandaan na sinabi ko ’yon! “You held my hand when I was about to leave. You begged me na huwag kitang iwan.” My eyes widened. “I don’t mean that! I swear! I was drunk!” I defended myself. “Yeah, sure.” Mahina na lang ulit siyang tumawa.

“Ano pa ang iba kong sinabi bukod doon? Alam ko na mayroon pa talaga.” Tinignan ko siya nang masama. “Sinabi mo sa akin ’yong tungkol sa mga nightmares mo, sumbong ka rin nang sumbong sa akin kung paano ka itinrato ng pamilya mo...” Humina ang boses niya. “Huwag ka mag alala, hindi kita tinanong tungkol sa kahit na anong bagay na alam kong hindi mo sasagutin kapag hindi ka lasing. Hindi ako nag-take ng advantage.” He smiled.

“Hindi rin kita hinawakan. Even if you asked me to do it.” He added. Alam ko naman sa sarili ko na I really asked him for that, hindi ko lang inakala na hindi niya ginawa. The other boys that I was with before ay hindi ganoon. “Why? I mean, it's not that I really want you to touch me, ha!”

“Bukod sa hindi ka makakapagbigay ng proper consent kasi lasing ka... naaalala ko rin kasi noong araw na nilapitan kita sa may mga puno habang inaatake ka.” Bahagyang tumaas ang kilay ko. “Kailan ’yon?”

Her Solitude in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon