HSD - Chapter 29

24 2 0
                                    


TRIGGER WARNING: Abuse.

Amanda Gabrielle's POV

"You already failed four of your subjects, Dela Fuerte."

It's been almost a month since the last time I came to our house, and yes... I'm becoming more than worse. I barely eat, I barely sleep, and I barely breathe.

"I'm sorry to say this, but you won't be able to enroll for the next semester." Dean gave me a sad smile. "The past few weeks, wala ka na raw talaga ipinapasa na kahit isang plates lang. Palagi ka na rin daw absent, at minsan kapag pumapasok ka ay nagka-cutting ka naman daw." My mind isn't really functioning well anymore.

Sa loob ng isang araw, halos hindi ko na mabilang kung ilang beses akong inaatake. It was hard and tiring. I'm so tired of hearing their voices in my head everytime I'm trying to do my schoolworks, plates, and everytime that I just wanted to sleep and rest. 'Yong mga boses na 'yon ang palaging gumigising sa akin, at 'yon din ang huli kong naririnig bago ako makatulog.

Araw-araw na nangyayari 'yon pero hindi pa rin ako nasasanay. Gusto ko na lang masanay para hindi na ako mahirapan. Halos puro sugat na nga rin ang ulo ko dahil inuuntog ko ang sarili ko kapag ayaw talaga nila tumigil.

"May kailangan pa po ba akong ayusin bago ako mag-drop out?" Tanong ko, roon na rin naman pupunta 'yon, eh. "You just have to sign some of these papers. Wala ka rin namang pending for any of the payments kaya wala nang problema." I gave her a slight nod.

"You were a great architect student, Amanda." She said to me before I left her office. I'm already holding the envelope where all of my papers here in this school are in. My birth certificate, records, and more.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid habang naglalakad ako palabas ng school. At some point, alam ko na mami-miss ko talaga ang university na 'to. I will miss making out with my flings inside the campus, I will miss the cat fights I had with the other girls here.

"Paalam, AIU." I whispered paglabas ko ng campus. Mabigat sa pakiramdam, gusto ko umiyak pero nitong mga nakaraang araw ay wala na talagang lumalabas na luha sa mga mata ko. Ubos na ubos na yata talaga ako.

Medyo malayo pa ako sa kotse ko, pero natanaw ko na si Xavier na nakasandal sa kotse ko. At nang makalapit na ako, agad niya akong niyakap. "Wala na." Bulong ko naman sa kaniya, lalo tuloy humigpit ang yakap niya sa akin.

Alam ko naman na ganoon na talaga ang mangyayari dahil kaya lang naman talaga ako pumunta rito dahil nag-email na sila sa akin. I just sent the screenshot to Xavier, kaya rin siguro nandito siya ngayon. "Hindi ko sasabihin na okay lang 'yan dahil alam ko na hindi naman... pero nandito ako, okay? Kasama mo ako." He caressed my back.

He left his car on AIU's parking area because he wanted to drive for me. Sa pinsan niya na lang daw muna niya 'yon ipapauwi. "Do you want anything to eat?" He asked while driving. "Ayaw ko." Sagot ko habang nakatingin lang sa bintana. "Sige, drive-thru tayo." My brows furrowed when I looked at him. "Ang sabi ko ay ayaw ko." I repeated.

"Hindi sa pinakikialaman kita, pero kailangan mo kumain. Ilang araw ka na naman bang hindi kumakain? Baka magkaroon ka na ng sakit niyan." May sakit naman na talaga ako, ah? Sa utak nga lang. "Baka gusto mo ng yaya sa condo mo? Pwede ako! Walang sweldo, basta stay-in." He chuckled. Gustong-gusto niya talaga 'yon, ilang beses na niyang inulit sa akin 'yon.

Hindi ko lang siya pinapayagan dahil nga sunod-sunod na beses na akong inaatake. Ayaw ko na makita at marinig niya ako sa ganoong sitwasyon. Kaya kahit minsan ay ayaw ko rin, I still end up pushing him away. Palagi ko siyang pinaaalis sa condo kapag pakiramdam ko ay unti-unti nang nagsisimula 'yong pag-atake sa utak ko.

Her Solitude in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon