Epilogue

60 4 0
                                    

TRIGGER WARNING: Self-Harm, Abuse, Mental Disorder/Mental Illness, and Death/Suicide.

Colin Xavier’s POV

“Enjoy your first day, okay?” Mommy and Daddy kissed my cheek bago ako bumaba sa sasakyan. Ayaw ko na magpahatid sa kanila sa loob ng school, ’no!

Noong nahanap ko na ang classroom namin, pumasok na ako kaagad. Tatlo pa lang kaming nandito ngayon.

Few minutes after, may dumating na rin na isa pang babae. She’s wearing a sweater. My brows furrowed because the weather is too hot to wear a sweater. Pero sabagay, may aircon naman kasi rito. Baka prepared lang siya.

Days, weeks, and months have passed. Palagi akong nagpapansin kay Amanda, kahit wala talaga siyang pakialam sa akin, kahit kadalasan ay alam ko na hindi naman talaga niya ako napapansin.

Waking up early in the morning is one of the things that I hate the most, but for some reasons.. I’m loving the morning ceremonies. Iba ’yong dating niya sa akin tuwing morning ceremonies, eh. She’s shining brighter. She’s shining the brightest.

“Tol, si Amanda may sugat sa pisngi!” Nagmamadali akong tumakbo papunta sa classroom namin, kadarating ko lang sa school, eh! Pagdating ko sa classroom namin, halos lahat ng classmates namin ay tinitignan siya. Kumunot ang noo ko nang makita na mayroon nga siyang sugat sa pisngi, mukhang sinampal din siya dahil halos kita pa ’yong bakas ng kamay.

“Okay ka lang?” Tanong ko sa kaniya, tinignan niya lang ako saglit bago na niya ibinalik ulit ang tingin sa bintana. She’s slowly becoming a colder person. Kung noon ay nagagawa niya pa ang ngumiti kahit konti, ngayon ay hindi na. Ang ilan nga sa mga schoolmates namin ay natatakot na sa kaniya.

She’s smart and so pretty. Kaya may ilan din na mga babae ang nagagalit sa kaniya. “Hindi ka na naman pinansin, Xavier?” Tumawa si Derick. “Tinignan naman ako!”

“Hanggang tingin ka na lang talaga!” Pang aasar niya pa sa akin. “Ikaw nga, eh. Hindi ka na nga pinapansin, hindi ka pa tinitignan!” Crush niya rin kasi si Amanda, eh. “Foul ’yan, tol!” Tumawa siya, gustuhin ko man na tumawa rin pero naisip ko bigla kung ano ang nangyari kay Amanda.

“Xavier, pwede mo ba ako tulungan sa Math?” Lumapit sa akin si Bianca after ko mag-lunch. “Ha? Hindi rin ako maalam, eh.” Palusot ko pa. Gusto ko kasi puntahan si Amanda, sigurado ako na nasa tahimik na lugar na naman ’yon at hindi kumakain. “Matalino ka kaya...”

“Sa susunod na lang, ha? Sorry!” Tumakbo na ako para hanapin si Amanda. At nakita ko siya na nakaupo lang sa bench sa may garden nitong school. Nakatulala lang siya habang sunod-sunod na tumutulo ang luha. Kumikirot ang puso ko habang pinapanood ko siya.

Lalapit pa lang sana ako sa kaniya pero naunahan ako ni Ma’am Trinidad. Nakita ko kung paano tumakbo palayo si Amanda nang may lumapit sa kaniya.

Lumipas ang dalawang taon, palagi pa rin kaming classmates ni Amanda. We are a Grade Nine student already! And Amanda... she’s colder than she has ever been. But I feel like that it’s just her barrier, because she’s protecting herself from being hurt again.

Dalawang beses ko na nakita ’yong mga sugat niya sa arms niya. Kaya siguro palagi siyang naka-sweater... she’s hiding her scars. Umiyak pa ako kay Daddy noong sinabi ko ’yon sa kaniya. Amanda don’t deserve those. I can’t imagine kung gaano kahirap at kasakit sa kaniya ang mga pinagdadaanan niya. She’s just a child!

“Xavier..” Napalingon ako kay Mommy nang tawagin niya ako habang gumagawa ako ng schoolworks ko. “Can we talk?” Tumango ako kaya pumasok na siya rito sa kwarto ko. “It’s been just almost two weeks since the school year started, right?” I nodded again.

Her Solitude in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon