HSD - Chapter 04

24 2 0
                                    


Amanda Gabrielle's POV

"I have to go now." Nagmamadaling sabi ko kay Christian. "What? We just woke up, Amanda!" Reklamo niya. "Wala na tayong kailangan gawin, kailangan ko na umalis." Sabi ko habang nagmamadaling isinusuot ang damit ko.

"Why? You have another date? It's only three in the morning!" Sabi pa niya ulit. "It's none of your business." Sagot ko sa kaniya bago ako umalis.

Agad akong nag-drive papunta sa address na sinend sa akin ni Sofia. She's crying and barely breathing.

Pagdating ko ay agad akong tumakbo palapit sa kaniya, niyakap niya ako at sa balikat ko siya umiyak. Hindi ako sanay sa yakap, ayaw ko ng yakap... pero hindi ko na siya napigilan kaya hinayaan ko na lang siya umiyak.

Hindi rin ako maalam mag-comfort. First time niya naman tumawag sa akin habang umiiyak at humihingi ng tulong, first time ko rin siyang nakita na umiiyak. Ang gulat ko nga dahil ako ang tinawagan niya instead of calling her bestfriend or other friends.

After few minutes ay umayos na siya ng upo. "I'm sorry for calling you... My friends are still sleeping, hindi nila sinasagot ang tawag ko." Bulong niya.

Lumapit siya sa akin kasi wala na siyang ibang malapitan? Hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko. Dapat ba ako maging thankful? Ewan ko, bahala na. "Ayos lang." Sagot ko na lang sa kaniya.

Wala naman akong ibang dapat sabihin, 'di ba? Kailangan ko ba magsabi ng mga comforting na words? Wala akong alam na ganoon. Baka yakagin ko lang siya na mag-yosi o alak, ayon lang naman ang ginagawa ko lagi kapag hindi ako okay, eh. Roon ko kasi nahahanap 'yong comfort.

Wala naman kasi akong matatawagan kapag umiiyak ako at hindi na makahinga. Wala rin namang kusang tatawag sa akin para kumustahin ako.

"I.. don't know how to comfort people." Sabi ko sa kaniya nang maging tahimik bigla. "Ayos lang, kailangan ko lang naman ng kasama." Ngumiti siya sa akin. "Pero pwede ba ako na mag-kwento na lang? Wala kang kailangan sabihin, I just need someone to listen." Tumango ako.

"Go lang. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin."

Noong nagsisimula na siyang magsalita, nakinig lang ako gaya ng sabi niya. Habang nagku-kwento siya ay tumutulo ang luha niya.

"Ayon, ’tangina lang ng tatay ko." Bahagya pa siyang tumawa pagkatapos niya mag-kwento. "Gusto mo ng... yosi? O alak?" Alanganin na tanong ko sa kaniya. "Hindi ako mahilig sa yosi, Amanda. Mahina rin ako sa alak."

"Wala akong ibang kayang i-alok sa 'yo... Ayon lang ang alam ko." Ang bad influence ko ba? Bahala na! Ayon lang naman talaga ang alam ko. "Cigarette and liquor or beer is your comfort ba?" Bigla niyang tanong. "Yes. And boys." Sagot ko naman sa kaniya.

I sounded like a bad bitch tuloy. Pero am I not? It's not that I'm bragging kasi nothing is cool naman about sa mga ginagawa ko pero... ano nga ba? Bahala na lang sila kung ano ang iisipin nila sa akin, wala naman akong pakialam.

"I want to try everything you do..." Bulong ni Sofia kaya agad naman akong napalingon sa kaniya. "No." Sagot ko. "I was just joking kanina noong inaaya kita uminom at mag-yosi." Dagdag ko pa. Na-realize ko lang din 'yon na... hindi siya pwedeng maging katulad ko. She's a precious gem, she don't deserve any bad things.

"You don't look like you're joking naman kanina." Sabi pa niya. "Basta. Don't try those things, okay? You can still cope without doing those things. You can still find your comfort with your friends." Sagot ko sa kaniya.

"How about you, Amanda? You can't cope without doing those na?" My eyes widened when she suddenly asked me that. "That's... uhm.. you should not think about it." I stuttered. Kahit alam ko na halata naman na ganoon na talaga ako, na sa ganoong bagay na lang talaga ako nakakahinga nang maayos, hindi ko pa rin maamin sa kahit na sino, kahit sa sarili ko mismo.

Her Solitude in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon