HSD - Chapter 25

20 2 0
                                    


TRIGGER WARNING: Mental Disorder/Mental Illness and Self-Harm.

Amanda Gabrielle's POV

I am staring at the wall here in my bathroom while I'm on my tub, inhaling my cigarette.

Mabuti na lang at may maliit na window sa may taas na part nitong bathroom. Nagtanong din naman muna ako sa mga receptionist kung p'wede nga ba mag-cigarette dito sa loob ng bathroom, p'wede naman daw basta bukas nga 'yong window.

The night is cold. Dati ay kapag ganito ang gabi, pumupunta ako sa club. Dahil tuwing ganito ang gabi, I always like to get laid... but now? Ewan ko ba!

Pero ano nga kaya kung mag-club ako ngayon?

Inubos ko lang 'yong yosi ko bago ako naligo. Pupunta na lang nga ako sa club ngayong gabi, miss ko na rin naman sa ganoon. Bihira na lang ako makapunta, eh. Palagi na lang ako mag-isa na umiinom. May malapit pa naman na club dito, walking distance lang.

Doon ako pumupunta dati kapag medyo late na natatapos ang klase namin tapos ayaw ko pa umuwi. Medyo malayo rin kasi rito 'yong Fancy, eh. Nakakatamad mag-drive.

I spent almost an hour trying to cover my scars because I'm only wearing a skirt and tube. And good thing that it worked.

Habang naglalakad ako papunta sa club, hindi ko na mabilang kung ilang beses ako na-catcall no'ng mga basurang lalaki sa daan. "Miss, ang ganda ng suot mo! Pero mas maganda siguro kung wala kang suot!" Sigaw no'ng isa sa akin bago siya sumipol.

The typical Amanda would probably punch those boys, but now? I have no enough energy in doing that again. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Pagdating ko sa club ay halos mabingi na ako dahil sa sobrang lakas ng tugtog at ng sigawan. Parang hindi na yata ako sanay, ah? Pero sabagay, ilang linggo nga rin naman akong hindi pumunta sa club. Simula noong nag-eighteen years old ako, hindi yata lumipas ang isang linggo na hindi ako pumupunta sa club. Nitong mga nakaraang araw lang talaga ako naging super fucked up.

"Wow! It's been a long time since the last time I saw you here!" Sinalubong ako ni Jemma. Hindi ko pala sure kung Jemma nga ang pangalan niya or Jean. "Hindi na ako masyado nakapag-club noong mga nakaraang araw, eh. At saka kadalasan ay sa Fancy naman ako pumupunta." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit hindi ka na nakakapag-club? Bago 'yon sa 'yo, ah? Sobrang busy ba sa school? Architecture student ka nga, 'di ba? Sa Aces International?" I nodded. "Hindi ko pa rin matanggap na hindi talaga ako pumasa roon." She pouted, pero agad din namang tumawa.

"May table ka na ba? May iba ka bang kasama? Roon ka na lang sa table namin!" I almost flinch when she held my left wrist para hilahin ako papunta sa table nila. "Hello, guys! This is Amanda Gabrielle! Hindi ko alam kung kilala niyo na siya, pero ayon! Can she sit with us?" Sabi niya sa mga kaibigan niya nang makalapit na kami.

"Sure! We know her! We follow her on Instagram! She's so pretty!" Sabi no'ng isa. "Uh.. thank you?" Alanganin na sabi ko bago ako umupo sa may pinaka gilid. I ordered my own drinks, hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko para sa inumin din nila ako kumuha.

"How's your life, Amanda?" The girl beside me asked me while I was waiting for my drinks. "Just fine." I gave her a small smile. "Does being an Aces' student is hard? I heard na sobrang taas daw ng standard ng university na 'yon, eh." Tanong din no'ng isa pa. "Not really. It depends on how you handle your schoolworks." Or it depends on how rare you attend your classes, I guess?

"Ay, bawal ba mag-cram or mag-procrastinate doon?" Tumawa sila. "That's what I always do." Mas natawa naman sila dahil doon. "But as far as I can remember, nag-Instagram story ka noon? You're a consistent dean's lister?" Jemma asked. I gave her a slight nod.

Her Solitude in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon