HSD - Chapter 16

23 2 0
                                    


TRIGGER WARNING: Abuse

Amanda Gabrielle’s POV

Pagpasok ko sa kotse ko ay inuntog-untog ko ang ulo ko sa steering wheel. Sinabunutan ko na rin ang sarili ko, baka sakali na mawala na sa utak ko lahat ng nangyari. Hindi ko na rin ma-control ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Galit? Sakit? Hirap? Litong-lito na ako!

Hindi na kinakaya ng utak ko. Bumalik lahat ng alaala. Bumalik ’yong naramdaman ko habang ginagawa niya sa akin ang kahayupan na ’yon.

I thought I was getting better. Akala ko ay nakalimutan ko na ’yon. Akala ko ay hindi ko na ulit maaalala ang mga pangyayari na ’yon. Pero bakit ganito na naman ako? Back to zero na naman, ’tangina! Hirap na hirap na ako huminga.

Hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin. Nagsabay-sabay na naman! Hindi ko pa nga natatanggap ang nangyari kay Aria, nakita ko naman kaagad ’yong hayop na ’yon. Sinusubukan ko pa lang i-process sa utak ko ’yong mga narinig ko kayna Daddy, eh.  Sinusubukan ko pa lang na mag-survive ulit. Bakit kailangan ganito na naman?

I can still feel his touch. I can still hear his voice while he was doing that shit to me. I can still hear his groans everytime he enters me. I don't know what to do!

It’s killing me. Again.

“Hoy! Hindi ko na napansin na nandito ka na pala, kanina pa kita hinihintay doon sa may gilid.” Nagulat ako nang biglang pumasok si Karylle sa kotse ko. At nang makita niya ang hitsura ko ngayon ay nagulat din siya. “Ano ang ginagawa mo? Bakit namumula ang noo mo? Bakit ganiyan ang buhok mo? Sino ang nanakit sa ’yo?”

She was about to touch my shoulder pero umiwas ako. “No.. d-don’t touch me, please?” I stuttered. My tears started to fall again. Ayaw ko na nito. Ayaw ko na ganito na naman ako. Ayaw ko na, tangina!

“Hey, what happened here?” Pumasok na rin sa kotse ko si Sofia. She looked at me worriedly. Sa shotgun seat siya nakaupo kaya mas kaya niya lumapit sa akin. “Are you okay? What happened to your hair? To your forehead?” She held my hand pero agad kong tinanggal ’yon.

“Ayaw niya magpahawak..” Sabi ni Karylle.

Hindi ako makaimik. Hindi ako makagalaw nang ayos. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong lakas.

“Did someone touched her?” I heard Sofia asked Karylle. “Kanina sa labas? Wala naman akong nakita. Hindi nga rin siya nilapitan ng Daddy at Ate niya, eh.” Sagot ni Karylle. “Then why she is like this?” I can hear them talking pero hindi ko rin sila malingon. Nakatulala lang ako.

I don’t know what’s happening to me again. I can’t control myself. I can’t control my mind.

“I saw her talking to someone bago pa siya nawala sa paningin ko. Tito niyo yata ’yon?” Pumikit ako nang mariin dahil ayaw ko na may marinig pa ako na tungkol sa hayop na ’yon. Hindi na kinakaya ng utak ko! “Tito Henry? He's nice naman. Hindi naman niya sasaktan si Amanda nang ganito. At saka kauuwi lang no’n galing sa Florida.”

“Stop.” Both of them looked at me. “I don’t want to hear anything about him.” Hirap-hirap pa ako nang sabihin ko ’yon. Ewan ko ba kung bakit pati pagsasalita ay mahirap.

I asked Sofia kung pwede ba na siya na ang mag-drive, pumayag naman siya. At nang maihatid na namin si Karylle sa bahay nila, nag-drive naman si Sofia papunta sa kanila. “Kaya mo ba mag-drive pauwi sa inyo?” Tanong niya sa akin noong nasa tapat na kami ng bahay nila.

“Oo.” Sagot ko na lang kahit hindi rin ako sigurado kung kaya ko ba. “Sure ka?” Tumango na lang ako. When she left, lumipat na ulit ako sa driver seat.

Her Solitude in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon