HSD - Chapter 20

19 2 0
                                    


TRIGGER WARNING: Self-Harm

Amanda Gabrielle’s POV
*Five-Six Years Ago*

“Who touched my painting materials?” Tanong ko sa kanila habang payapa silang kumakain ng dinner. “I did. Inayos ko lang kanina kasi nakita ko na nakakalat.” Sagot ni Tita Melissa. “And who told you to do that?”

“Amanda! Inayos na nga niya, galit ka pa?” Sabi naman ni Daddy. “Which is I never asked her to do! At hindi niya inayos, everything was messed up! Nagsama-sama ’yong mga hindi naman dapat magkakasama!” Tinignan ko sila nang masama. “I didn’t mean to do that. Akala ko kasi ay magugustuhan mo kapag nilinis ko.”

“Masyado ka kasing pakialamera. Sa susunod, kapag hindi mo gamit ay huwag mong pakialaman.”

“Amanda, let’s talk.” Tumayo si Ate Aya at pumunta roon sa may garden, tamad na tamad naman akong sumunod sa kaniya roon. “What? Be fast, I still have homeworks to do.”

“What happened to you? Why are you being like that these past few months?” Kunot-noo na tanong niya sa akin. “Sagot ka na nang sagot! Ang tapang mo pa palagi! Nawawalan ka na ng respeto sa iba!” She frustrated said.

“Ah, you want me to be the Amanda you can take advantage of again?” I raised my eyebrows. “The Amanda who always take the blame? Who always beg?” Dagdag ko pa. Hindi makapaniwala naman niya akong tinignan. “You’re unbelievable.” Umiling-iling siya.

“Unbelievable it is. Are you done? Babalik na ako sa kwarto ko kung oo. Nagsasayang lang ako ng oras dito.” Tinignan niya lang ako at walang sinabi kaya iniwan ko na siya roon. Umakyat na ulit ako papunta sa kwarto ko.

I stared at my ceiling while taking deep breaths.

I started to be like this since Ate Ariessa left. And I'm not regretting it. Dahil kung noon ay hindi ko magawang magalit sa kahit na sino sa kanila, ngayon ay galit na galit na ako sa lahat. Kay Mommy, Daddy, Ate Aya, Ate Ariessa, Tita Melissa, at sa lahat!

Masarap sa pakiramdam na hindi na lang ako sa sarili ko nagagalit. Hindi na lang sarili ko ang sinisisi ko. Because after all, I'm not the one who's at fault. I will never say sorry again. I will never beg again.

After being lost at my own thoughts for a few minutes, bumangon na ako ulit para magsimula sa mga schoolworks ko. I’m glad that my grades are still not affected after everything that I have been through.

What happened few years ago caused a lot of damage in my mind. My nightmares are still here, they are getting worse every passing day.

I still cut my wrist in order to know that I’m still alive. Most of the time, I’m really having a hard time to survive a day.  It’s either I will cut, or I will die. My left arm are already full of scars. Hindi lang sa wrist, buong arm talaga.

Mabuti na lang at naka-aircon din sa classroom namin, okay lang na palaging naka-sweater. Pero minsan ay tinatanong na ako ng classmates ko kung bakit daw kahit hindi naman ganoon ka-lamig ay naka-sweater pa rin ako. Sinasabi ko na lang sa kanila na tinatamad ako na hubarin.

Hindi ko rin naman in-expect na magiging ganito ako. Masyado yata talaga akong naapektuhan no’ng kagustuhan ko na mahalin nila ako.

“Amanda, can you be our representative for the pageant?” Tanong sa akin ni Ma’am pagdating ko sa classroom namin. “I'm not into pageants, Ma'am.” Walang emosyon na sagot ko sa kaniya. “Gusto ka raw kasi makita ng principal natin na lumaban sa pageant na ’yon.” Kumunot naman ang noo ko. “Isa ka raw kasi sa pinaka matalino rito sa academy, may potential ka raw para sa mga pageants dahil mukha ka rin naman daw model.”

Her Solitude in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon