CHAPTER TWO

635 16 0
                                    

^dedicated to @RyzaletteMarcelino for urging me well to upload my story here in Wattpad. Salamats. :)

MY GIRLFRIEND DELIVERY

By: SupeRienne

 CHAPTER 2

MAGKIKITA PA TAYO STUPID GIRL.

MAGKIKITA PA TAYO STUPID GIRL.

MAGKIKITA PA TAYO STUPID GIRL.

Kinikilabutan ako habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga huling salitang binitiwan ng lalaking iyon.

MAGKIKITA PA TAYO STUPID GIRL.

Arrggh! Ayaw akong hintuan ng boses niya. Grabe mas matindi pa sa konsensya! Nakakatakot! Wag naman sanang magdilang-anghel ang isang iyon.

Nagda-drive na ulit ako papuntang South Newton University kung saan ko idedeliver ang mga bulaklak na ito. Medyo malapit na din naman ako, approximately four kilometers na lang mula sa current destination ko.

Naalala ko ulit yung nangyari kanina, lalo na yung lalaking konti na lang eh magtatransform na bilang si Incredible Hulk sa sobrang galit. Psh. Incredibulok! Haha.

Naiintindihan ko naman kung bakit ganun na lang ang galit niya eh. Ikaw ba naman ang muntikan ng mabundol sa pedestrian lane na tinatawiran mo, tiyak namang magagalit ka rin.

Mabuti na lang talaga at dumating yung lalaki kanina. Naku, marahil kung hindi eh pinakulong na ako nun, o di naman kaya ay may media ng dumating at isinapubliko on national tv ang ginawa ko.

HEADLINE.

Isang lalaki muntik mabundol ng isang nage-emote na babae!

Waaaaah!! Nakakahiya yun! Baka malaman nila Granny at Grappy.. Baka malungkot sila.. O baka naman ikahiya na nila ako!

~~

You're a total shame! We don't wanna see you here! Magmula ngayon, itinatakwil ka na namin at tinatanggalan ng mana! Isa kang kahihiyan sa pamilya!"

~~

Nooooo! Mahal ako nila granny at grappy! Di nila ako kayang itakwil. :'(

O baka naman ay may palihim nang kumuha ng video ng eksena kanina at ngayon ay pinagpi-piyestahan na sa Youtube.

**

Increadible Hulk: You're a killer! You almost killed me! You stupid, you're a killer!

Me: Me? Amakiller? As in capital M and E, a killer? AMAKILLER? Of course not!

Incredible Hulk: Hey kuya, SINUNGALIN SIYA! You're a liar!

Me: Amalayer?! Amalayer! Now you're telling me AMALAYER?! Oh my God, kuya! May pinagaralan akong tao! Amnotalayer!

**

NOOOOOOOOO!!!!!

Iling-iling.

The sight of the huge South Newton University silver engrave on the SNU overpass has taken me back into my senses.

Di ko man lang namalayang nandito na pala ako. Get out of me, paranoia! Shoo!

I immediately parked the car after I entered the campus and took the business card out from my pocket.

Saglit kong binasa ang pangalan na nakalagay roon.

Xavier Enriquez

Dinial ko ang contact number na nakalagay mula roon, and after three rings ay may sumagot na sa kabilang linya.

[Hello? Who's this?] his tone was cold...and familiar.

"Good afternoon Mr. Enriquez! This is Arrielle from Sweet Petals. I have your flowers now. Where can I find you, Sir?"

[Kanina pa ako nagpa-deliver. Bakit ngayon lang yan?]

Uh-oh! What will I say? Think fast, Arrielle!

"Uh... I'm sorry for the inconvenience, Sir. Nagkaroon lang po kasi ng konting...uh...Technical problem while on the way." Psh. Arrielle na sinungaling! God, forgive me.

[Whatever. Tell the guard to accompany you at the University Stadium.]

"Okay, Sir. Thank y--"

[*doo.doo.doo*]

Wow! Binabaan! How gentleman of you, Mr. Enriquez! Psh.

Napaisip ako habang binabagtas kasama ni Manong Guard ang patungong stadium. Pamilyar ang boses ni Mr. Enriquez. Saan ko na nga ba narinig yun?

"Miss, nandito na tayo. Hintayin mo na lang sa lobby at may event sa loob." pagkasabi nun ay agad ng umalis si Manong Guard.

Andaming naglalabas-pasok sa stadium. Mga mukhang di basta-basta. Ano kayang meron? Tsk. Kahit kailan talaga outdated ako sa mga events sa school. Minsan nga ako mismo, I doubt myself if I am really a student here.

Tiningnan ko muna ang oras mula sa wrist watch ko at saka muling nilingon ang malaking pinto ng hall sa loob ng stadium, and to my surprise, tumambad sa akin ang isang naglalakad na panganib.

I literally froze. I was left motionless to where I am seated. I've just seen a jaw-dropping, eye-bulging, body-freezing creepy character of Marvel Heroes.

I don't know what to do! Hey brain, SOS here. SOS!!!

I took the bouquet of flowers at my side and covered my face using it. What to do?!

...

RUN...

RUN???

RUUUUUUUUUN!!!--

Ooops...

Somebody took a great grip of my left arm.

At paglingon ko...

WAAAAH!!! Ayoko ng lumingon!

Maliwanag na kung bakit pamilyar ang boses na iyon...

"So... Technical problem na pala ang tawag mo sa muntik mo ng pagbundol sa akin kanina?" he said while smirking.

Pilit akong ngumiti kahit ramdam ko ang sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kaliwang braso ko, maging ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko na halos kumawala na sa kung saan naroon ito.

"F-flowers for you. He-he-he..." sabay abot nung boquet na hawak ko.

LAMUNIN MO NA 'KO, OH LUPA!

"We met again... Stupid girl."

 A/N:

Nagdilang-anghel si Unobabes! Wow! May ganun pala! :)

P.S.

Ang cuuuute ni Arrielle. Hehe. ^_^

I would be glad to hear from you.

Please...

*VOTE*

*COMMENT*

and

*FOLLOW* ^u^

My Girlfriend DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon