CHAPTER EIGHT.One

253 3 1
  • Dedicated kay Jenie Tomboc
                                        

A/N: This chapter part is dedicated to a very good officemate, Sir Jenie Tomboc. :) I know well that romance isn't your preference but I'll dedicate this to you anyway. P.S. Thanks for the wifi access. Godspeed! :)

Chapter 8.1

ARRIELLE's POV

"Arielle, may guwapo sa labas! Hinahanap ka!" excited na excited si Glennie, ang isa sa mga kasamahan ko dito sa Sweet Petals at ang dakilang Bombo Radyo namin, habang ina-announce na may naghahanap nga daw sa akin.

Linggo ngayon. Para sa isang normal na estudyante, ito ang araw para mag unlimited tulog, maghapong magbasa ng My Girlfriend Delivery sa Wattpad, maglakwatsa sa mall kasama ang mga kaibigan, at mag-FB at tadtarin ng Likes ang mga status ng mga FB friends nila. In short, ito ang panahon para magpahinga at mag-break muna mula sa pag-aaral. Pero dahil hindi nga ako isang normal na estudyante at wala akong karapatan para sabihing normal ang buhay ko, heto at puma-part-time ako bilang isang Flower Arranger naman sa Sweet Petals.

"Yuhoo! Arrielle! Tao! Labas!" nawala ang pagmumuni ko sa paglapit ni Glennie, with matching hand gestures pa 'yan na akala mo sa autistic siya nage-explain.

"Oo na!" sabi ko na lang saka na naglakad palabas ng shop.

Sino naman kaya 'yun?

Uno's POV

D*mn this life!

Mula pa kagabi akong nayayamot. Di ko alam kung anong gagawin, kung paano magsisimula! Arrgh! Nakakainis!

*Flashback*

"O baka naman kasi... Hindi mo talaga siya girlfriend." mom said with that intimidating smirk ng hindi ko nasagot ang tanong niyang, "Saang angkan ba nagmula ang babaeng iyon?"

Saan nga ba? Paano ko nga ba masasagot ang tanong niyang iyon kung maski ang birthdate man lang ni Arrielle ay hindi ko alam.

"What made you think that? Hindi ako maglalakas ng loob na ipakilala siya kung hindi ko siya girlfriend!" halos maubusan ako ng hininga ng sabihin yun. Sinungaling! Napansin ko na lang ang pagtaas ng isang kilay ng nanay ko.

"Don't be too defensive, iho. I was just asking." she said sarcastically. "Pero Uno Xavier... Seryoso ako. You know I'm not a fan of 'ordinary' people."

Muli, halos maubusan ako ng hininga... Hindi sa sobrang habang paliwanag, but because I was again rendered speechless. Napakadali lang ang magimbento ng kung anu-ano, ang gumawa ng kung anu-anong palusot. Oo. Sobrang dali. Pero hindi sa sitwasyong ito. Hindi pag si mama ang kausap ko.

"Hmm?" again, she arched her brows...implying her impatience. Nanunuyo na ang lalamunan ko... I don't know what to say.

"Fine! She's a nobody! She's a clumsy, ignorant, and a wreckless driver who almost killed me. And okay, SHE IS NOT MY GIRLFRIEND! HAPPY?"

Yan ang sinabi ko... Sana... Muntik na. Kundi lang may sumingit at nagsalita mula sa likuran ko at nagsabing, "An Esguerra, mom. From the Esguerra Sciences, Research and Development. Turning twenty, taking up her Masteral in Business Administration at South Newton-U and currently on her internship as an Executive Administratrix at a cafe-floral-services provider."

Si Kuya King.

Napaawang na lang ako sa sinabi niya. Saan naman niya napulot ang mga 'yun? Pinagmasdan ko siya at nakita ang seryosong itsura niya. Katulad ng dati, katulad ng parati... Siya ang tipo ng tao na lahat ng sinasabi ay agad na sinusunod at pinaniniwalaan ng lahat. He is a natural persuader. At siya rin ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan ni mom. Oo. Nag-iisa lang, meaning si Kuya King lang... at hindi ako.

Kung hindi ko lang kilala si Arrielle malamang tumango na rin ako at naniwala. Mali! Hindi ko naman talaga kilala ang babaeng yun, pero hindi naman kelangang kilalanin ko pa siya para sang-ayunan ang mga sinabi ng kapatid ko. Over-rated! Arielle could never be that person Kuya King is talking about.

Pero... Ano kaya ang dahilan niya para sabihin ang mga iyon?

Napawi ang mga iniisip ko ng marinig kong magsalita si mama.

"O-oh." mom said looking so bewildered then composed herself. Malamang hirap pa ring i-absorb ni mama ang mga sinabi ng anak niya. Oo. Hirap i-absorb, pero pumasok na sa kanya't pinaniwalaan na. Ganyan ang nanay namin pag ang impormasyon ay galing sa panganay niya. No more proofs needed, already accepted as a first class information.

Tumango-tango lang siya at saka na nagpaalam. Pero bago pa man siya makalabas ay nag-iwan siya ng mga salitang nakapag-patindig lalo ng balahibo ko...

"Well then, I'll expect your girlfriend at the ball."

The ball, best known as Ball Grandeur. This may be one of the most popular gathering in the country. Sa pagkakaalam ko, this gathering was first introduced by the great granddad of my mom as a simple reunion of the clan, pero sa paglaki at pagangat na rin siguro ng kumpanya at paglaki ng koneksyon ng pamilya dahil dito ay naging bukas na ito sa lahat ng mga naging partners at investors, maging sa mga potensyal na 'makatutulong' sa kumpanya.

Bigla-bigla ay nahinto ang pagmumuni-muni ko ng may biglang sumigaw ng...

"SUMUSUGOD NA ANG MGA ALIEEEEEEN!!"

Alien? Alien!!

Bigla ay napabalikwas ako, pero ang hindi ko inaasahan...

BLAG!

"ARAAAAAAAAAAAAAAAAY!"

My Girlfriend DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon