CHAPTER SIX

369 7 0
                                    

^dedicated to @RichelleMarcelino. Siya na lang daw kasi ang wala pang dedic. Tinde din ng suporta niyan. :D .. Hope you'll enjoy this one.

MY GIRLFRIEND DELIVERY

By: SupeRienne

Chapter 6

Yung pakiramdan na may isang guwapong lalaki ang nasa harap mo at sinabing, "Be my girlfriend."

Kung iba sana ang sitwasyon. Kung si Phoenix sana ang nasa harap ko ngayon at hindi si Uno. At higit sa lahat, kung hindi sana ito tungkol sa deal, malamang sagad sa buto na sa tindi ang kilig na nararamdaman ko.

Ang kaso nga lang, ako, si Franzeska Arrielle Esguerra, ang ultimate romance-sucker at ang no-boyfriend-since-birth na si ako, ay kasalukuyang kinakaharap ang isa sa pinakamatinding tanong na nakabalandra sa harapan niya.

Pero ang malupet diyan, this is not a matter of a "Can you be my girlfriend?" question which is answerable by a 'yes' or a 'no'. Rather, a mandatory statement of  "Be my girlfriend." where definitely no other option is available but to affirm.

Sa dinami-rami ng mga salitang tumatakbo sa isipan ko ngayon, tanging isang "Ha? Pero bakit?" lamang ang naisaboses ko.

Nandito kami ulet ngayon sa USC office matapos niya akong puntahan at hintayin sa harap ng room ng last subject ko.

"The last time I checked, it was you who told me you'll do anything in exchange for me not suing you." he said irritated.

"Y-yeah. But..." Tama. Yun nga ang sinabi ko. Pero naman. Ang inaasahan ko magpapakaalila lang ako. Hindi ang magpanggap na girlfriend niya.

Oo. Tama kayo. He wants me to be his girlfriend. His FAKE girlfriend.

UNO's POV

Ilang minuto na lang, nandito na siya. Bakit ba kasi ang tagal pumayag nitong si Arrielle? I never thought I still have to persuade her for this. May deal na kami.

Early this morning, me and mom had an argument regarding Leslie Kristine Domingo, again.

Bakit ba mukhang Leslie ang nanay ko? Ano bang meron sa babaeng yun?

*Flashback*

"You have to treat her well, Uno Xavier." sabi ni Mom.

"Ok. Ok. Treat her well if that's what you want. Then be it!" napataas na ang boses ko. Ang aga-aga akong pinatawag ni mom just for this. Sinong hindi maiinis?

And, treat her well? I know, of all people, what she meant.

"Wag mo akong pagtaasan ng boses, Uno Xavier!" mom said through gritted teeth.

"At wag niyo din akong diktahan ma!" sagot ko sa kaniya.

Ano na nga lang ba ang papel ko sa pamilyang ito? Laruan na ipapahiram, ipapalit, at ipapares? Kung si Kuya King nagagawang magsunud-sunuran sa kalakaran ng pamilyang ito, pwes, ibahin nila ako.

Huminga muna ito ng malalim, saka nagsalita. "Just abide,Uno Xavier. Or else--"

"Or else what mom?" pagputol ko rito. "You'll cut my allowance? Confiscate my cards and keys. Or ground me, mom?"

*Slap!*

I was dumbfounded. Mom just slapped me. Mom did hit me.

"You, good-for-nothing!" galit na galit na singhal nito. "6 pm, today. You'll meet with Ms. Domingo. Don't you even dare not come, and you'll see." pagkasabi niya nun ay agad na itong lumabas at naiwan akong mag-isa at tigagal.

My Girlfriend DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon