CHAPTER EIGHT.Two

225 3 0
                                    

Chapter 8.2

Arrielle's POV

"ARAAAAAAAAAAAAAAAAY!!" ang sakit...

Ang sakit ng tiyan ko kakatawa!

"Hahaha!" Hindi ko mapigilan ang mapabunghalit sa kakatawa ng halos mabutas ang bubungan ng inuupuang swing shed ni Uno ng sumigaw ako!

Ang sama ko! Pinagtatawanan ko ang pagkakamali ng ibang tao. Pero kasalanan ko ba kung masaksihan ko ang napaka-'precious' na sandaling ito? Ang makita ang incredible Hulk na lalaking ito, ang ultimate 'Pusong-Bato' na si Uno na halos ma-knock-out na mula sa pagkaka-untog.

"Oo! Ang sama-sama mo! Eh kasalanan mo eh, malamang!" yan ang sinisigaw ngayon ng konsensya ko.

Nakita kong sapo ni Uno ang ulo niya at ngayon ay nakahiga na sa latag na Bermuda grasses sa labas ng swing shed.

Bigla naman akong na-guilty sa nangyari kaya nilapitan ko na siya para i-check."Okay ka lang ba?"

Saka naman ako halos binuhusan ng malamig na tubig ng tingnan niya ako ng pagkasama-sama. Oo. Sanay na ako sa trademark niyang 'Killer Stare' pero hindi ko pa rin talaga maiwasang panindigan ng balahibo, lalo na at ako ang pinagtutuunan ng masamang tingin na iyon.

"Ok? Mukha ba akong okay?! Ha?!" sigaw niya. Naku! Nakakatakot!

"Ah eh, oo. I mean hindi pala! Sorry. Sorry." hinging paumanhin ko at inalalayan siyang tumayo habang siya ay hawak-hawak pa rin ang nauntog na bahagi ng kanyang ulo at hanggang ngayon ay namimilipit pa rin sa sakit.

"Ganyan ka na ba talaga ka-desperado para patayin ako? Hindi mo nga ako nabunggo ng sasakyan mo, nabunggo naman sa bubong ang ulo ko dahil sa'yo! Arggh! Nakaka-- Aray! Ang sakit!" reklamo niya. "Bakit mo ba kasi ako sinigawan kanina?!"

"Ah.. Eh kasi kanina pa ako nandun at kinakalabit ka pero hindi mo naman feel ang presence ko. Kaya ayun, akala ko effective ang pagsigaw ko. Effective nga, pero mas matindi pala ang side effects. Sorry naman."

"Sorry, sorry! Ano pa magagawa niyan? Arggh! Mapapatay kita!!"

"Ssssh!! OA na! Nag-sorry na nga di ba? Gusto mo luhuran pa kita? Napakasama talaga!" litanya ko, pero natahimik rin ng makitang sapo pa rin niya ang ulo niya.

"Ok. Kasalanan ko na." sabi ko sa sarili ko.

"Teka! Ba't ka ba nandito ha? Paano mo ako nahanap?" tanong ko.

"May pupuntahan tayo. Tara na at ipag-drive mo ko!" sabi niya saka na kinuha mula sa bulsa niya ang susi ng kotse at inihagis sa akin at nauna ng naglakad sa kotse niya.

Ha?! Abrupt?! Biglaan lang akong kakaladkarin kung saan ng walang paalam? Ganun na ba ngayon?!

Naku! Hindi pupuwede 'yun!

"Tinatayo-tayo mo?! Bilis!" sabi ng barumbado. Tss! Hay! Ano pa nga bang magagawa ko?

Tinakbo ko muna ang papasok ng shop at mabilisang nagpaalam sa manager-in-charge at agad ng tinungo ang kotse ni Uno.

Wooh! Personal driver mode naman ako ngayon! Parang puma-part-time lang. Ang kaso ay walang sahod dito, kundi isang pambayad-kasalanan lamang.

I buckled my seatbelt and inserted the key into the ignition, and started the engine. Marahan kong in-unpark ang sasakyan at nagmaneho na. "Saan ba punta mo?" tanong ko.

"Just drive! Ingay ingay!" masungit na sagot niya.

"Just drive, just drive daw. Tapos pag mali ang direksyon, magagalit nanaman. Tinde ng PMS nito." kausap ko sa sarili ko na mukhang naisaboses ko pa pala at narinig ng mokong na to.

"Sinasabi mo?" puna niya. He sighed. "Gaano ba talaga kalaki ang balat diyan sa puwet mo na pati ako eh nahahawaan ng kamalasan mo?! Kung hindi ka lang babae, nakatikim ka na. Fu-- Aray ko!!"

Nakakainis din talaga manginsulto ang isang 'to. Tss. Pero infairness, kawawa naman siya.. Haay. Di ko naman alam na mangyayari yun e.. Bahagya kong binagalan ang pag-andar at akmang hahawakan ang ulo niya.

"Patingin nga. May bukol ba?"

"Tss! Don't touch me! Nagmamaneho ka oh!" sabi niya matapos niyang paluin ang kamay ko. Pero nabigla ako ng makita ang trace ng dugo sa kamay kong pinalo niya gamit ang kamay na pinanghahawak niya sa nauntog na ulo kaya bigla akong napa-preno. Mabuti at wala kaming kasunod na sasakyan.

"Woah! Problema mo?!" asik nanaman niya.

"Uno... May dugo." turo ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa ulo niya.

"Wala to. Malayo sa bituka." mayabang niyang sagot.

Nanginginig ako. Hindi naman sa takot ako sa dugo, pero natatakot lang akong isipin na may kasama akong nanganganib maubusan ng dugo. "Punta tayong ospital." nangangatal kong sabi.

Uno's POV

Ospital? Meaning injection, stethoscope, x-ray, medical gown?

"A-ayoko!" halos nagpapanic kong sagot.

Hindi ako natatakot ah... Hindi masyado. Konti lang!

"Hindi puwede! Baka maubusan ka ng dugo, Uno!" nagpapanic na din itong babaeng dahilan ng lahat.

"Ang OA mo! Di ako mauubusan ng dugo dito! Natutuyo na oh, kahit tingnan mo! Di na kelangang dalhin pa sa ospital!"

"Sige na. Para malinisan lang yang sugat mo. Baka maimpeksyon yan." sabi niya saka na pinaandar muli ang sasakyan.

Hindi nga puwede! "Isa, Arrielle. Wag sa ospital!" sabi ko saka sinamaan siya ng tingin.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela pero patuloy lang siyang nagmaneho. Hanggang sa iliko niya ang sasakyan sa isang pamilyar na lugar at ihinto sa isang pamilyar na bahay...

Sa apartment niya.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.

Di man lang niya ako hinarap at bumaba na lang ng sasakyan ng walang sinasabi kaya sinundan ko siya ng makita kong papasok na siya sa bahay nila.

Hindi naman kalakihan ang apartment nila. Hindi ko na nadatnan si Arrielle pag pasok ko kaya naupo na lang ako sa isang couch na naroon.

Nagpalinga-linga ako. Malinis ang bahay nila. Bukod sa di kalakihang LED TV na naka-mount sa pader at sa iisang litrato ni Arrielle na nakasuot ng dobok (taekwondo attire) at may hawak-hawak na trophy na nakasabit sa isang bahagi ng pader, ay wala ka ng ibang makikitang anumang nakasabit sa color cream at pink painted combinations na pader.

May dalawang pintuan pa, malamang ang isa ay ang sa kitchen. Out of curiousity, I gently paced on to the slightly open door of the other room to peek inside when I saw a woman who is facing opposite me slightly bending towards a low cabinet drawer giving me a good view of her small but rounded back.

I swallowed hard and got my eye fixated, enjoying the view! D*mn! I'm a man! And I have testosterones! B-but! Hindi ito tama!

"Sus! Tama yan! Enjoy the view! 3 seconds pa! Wahahaha." bulong ng inner devil ko.

3...2...

Just when I was to remove my sight from Arrielle's back, saka naman siya biglang lumingon at nakitang nakatingin ako sa bahaging iyon!

"Aaaaah!! Bastos!" sigaw niya. Pero ang hindi ko inaasahan..

Ay ang pagtama bull's eye sa noo ko ng isang UFO...

'UNEXPECTED' FLYING OBJECT!!!

Uno! Ang malas mo talaga!

A/N:

Hahaha.. La langs. Natawa lang sa update na ito. Pasensya na mga ka-MGD kung nagtagal ito. Akalain niyo yun? Holy week ko pa 'to nagawa pero ngayon ko lang na-publish! Pasensya na.

Sana magustuhan niyo! :)

Namiss niyo ba ako? :D

My Girlfriend DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon